CHAPTER 25 (flashback)

9 2 0
                                    


Years ago

( Maritte and Herschen Memory)

" Mom bakit po hindi sasama si kuya Martin saken sa Batangas?.." tanong ng batang lalaki sa ina niyang nagtutupi ng damit nila na bagung kuha sa sampayan.

" Anak diba nasabi na sayu ng kuya mong ayaw niya?... "

" Eh mas masaya ho sana kapag magkasama kami mama.. "

" Hayaan mo na ang kuya mo at nasa labas na ang Tito mong susundo sayo.. "

" Sige po mama ingat po kayu dito.. Mamimiss kita mama.... "

Hinalikan niya ang ina niya sa pisnge at lumabas na para sa paghanda ng aalis na sila. Sa tuwing bakasyon kasi lagi ay sinasama siya ng tito niya para sa pagbakasyon nito sa Batangas. Bukod kasi sa pagtatrabaho ng tiyuhin niya sa Baguio sa isang strawberry farm doon ay naninilbihan din kasi ang tiyuhin niya sa pamilyang Levitin bilang tagapagmaneho ng kotse sa tuwing may lakad ang senorita nilang si Malyanree Levitin.

" Tito maganda po ba sa pupuntahan natin?.."

" Oo naman mababait ang mga tao sa mansiyon ng mga Levitin.. Kaya ikaw wag kang magpapasaway dun ah? Pakabait ka lang.."

"Oo naman po tiyo.."

Nakalipas ang ilang oras nilang pagbabiyahe ay nakarating na sila sa Batangas. Namangha ang batang lalaki sa laki at lapad bg mansiyon na kanilang napasukan.

" Wow.. tito napakalaki po.."

" Oo kaya wag kang maisyadong magalaw kapag nakapasok kana sa loob at baka makabasag ka ng mga gamit..."

"Oo naman po tito .."

Ginulo ng tiyuhin niya ang kaniyang buhok at binitbit na ang mga dala nilang gamit para sa pagtitira nila dito ng halos isang buwan.
Ng makapasok sila sa loob ng mansiyon ay sinalubong sila ng isang matandang napakaganea at halata ang pagiging mayaman sa postura at kagamitan nito.

" Oh Jeene nandito ka na pala? Halika kayu pasok kayu .."

At tulad ng sinabi ng babaeng matanda ay pumasok nga sila at pinaupo sa upuan na napakalambot. Tahimik lamang ang batang lalaki habang nagmamasid sa paligid.

" Eto na ba ang pamangkin mo?.. Ay kagwapong bata ..."

" Ah opo Senorita Malyanree.. Siya po si Rheeve.. anak ng kapatid ko, "

" Kamusta iho? Napagod kaba sa biyahe?"

" Hindi naman po maisyado maam.." magalang na tugon ng batang lalaki sa matandang nangingiti.

" Elana pakitawag nga sila Lischen at Herschen dito.."

"Sige po Senorita Malyanree.."

Ng makaalis ang babaeng intusan ng senora ay siya namang binalingan ng matanda.

" Ilang taon kana ijo? "

" 10 yers old na po ako.."

" Mas matanda ka pala sa mga apo ko ijo.. 7 years old lang sila pero magiging masaya sila kapag naging magkalaro kayu.."

" Wow talaga po? Maykakalaro po ako?.."

Tumango tango naman ang matanda at ng makarinig ng mga yabag ng paa ay siyang pagtingin niya sa kakarating lang. Binati ito ng lahat pati na rin ang tiyuhin niya samantalang nakangiti naman ang matanda.

LEVITIN'S SERIES #1 : STRANGER'S SHARING SURNAMEWhere stories live. Discover now