"My dear, Vittoria, you look so perfect tonight." A random girl appeared in front of me. "Magkano ba 'yang dress mo na nabili sa divisoria? Nilabhan mo man lang ba 'yan?"
I stopped sipping my wine and held the wine glass stiffly. Kumabog ang dibdib ko nang mapagtantong baka maging simula ulit ito ng mga pangungutya sa 'kin. Kinalma ko ang sarili.
I gave her a sweet smile before looking away, trying to be distracted with the visitors gathering around with each other.
The event was nothing but perfect. Sobrang enggrande. The peach-colored theme matches our dresses and everything else inside this hall. Engagement party ngayon nila Dyana at Max, mga malapit kong kaibigan mula highschool. Among all my friends, they're the first ones who got engaged kaya grabe ang excitement na naramdaman ko.
Dahil nasabik ako, maaga akong namili ng masusuot. I bought this dress from Jacquemus collection that costs more than a college's tuition fee. Napakamahal nga e. Medyo na-guilty ako dahil pera ng magulang ko ang nagamit ko.
Ang akala ko ay aalis na ang babae sa tabi ko ngunit pumunta ulit siya sa aking harapan na ibang-iba na ang ekspresyong pinapakita ng mukha.
Pandidiri.
"'Di ka ba aware na hindi ka nabagagay rito? You poor thing. Look at your dress! You smell so awful! Matuto kang lumugar!"
I knew this was coming.
Napatingin ang mga tao sa direksyon namin at nagsimulang magbulungan. They're probably agreeing with her. I know for a fact.
Nagsimula na ang mga bulungan.
"Siya pala 'yon?"
"Hindi ko rin napansin."
"Why is she even invited?"
"That scandalous girl."
Tulad ng kanyang sinabi, tiningnan ko ang aking suot. My light pink colored dress looks very aesthetic. I can't see anything wrong with it. Malinis naman. I stared back at her and gave her a questioning look.
"Hindi naman―"
"Stupid!"
Napaatras ako nang tapunan niya ako ng wine sa mukha. Everybody flinched and covered their mouths in shock. Napanganga rin ako sa gulat at pinagmasdan ang basa kong dress na ngayo'y nahaluan na ng kulay pulang wine.
Lahat ng tao ay nakatingin na samin ngayon. The lovely background music even stopped. Pero ni isa ay walang sumaway sa babaeng ito at parang ginaganahan pang manuod sa eksena.
"Everyone. She is Vittoria Villazon, the self-proclaimed millionaire!"
Mas nangibabaw ang mga bulungan kumpara kanina, pero wala pa ring umaawat sa babaeng ito o may magtanggol man lang sa 'kin.
Mas lalo pa akong nahihiya dahil mayroon ding mga bata dito sa loob. Children are not supposed to see or hear this kind of situation. Baka gayanin nila ang babaeng ito.
"Aya! This is your engagement party! Why did you invite that woman here?"
"I-I don't know, Tito." Napatingin ako kay Dyana na nakayuko na ngayon. Anong ibig sabihin nito?
Napayuko ako.
"Nagtataka rin nga ako kung bakit naimbitahan 'yan rito. Hindi man lang nahiya!" galit na sigaw ng isang middle-aged na babae.
"You're gonna cry now? Sige, umiyak ka. Tingnan natin kung sino dito ang magtatanggol sa 'yo ngayong wala na ang mga magulang mong mandaraya. Baby VITTORIA is alone." The girl mocked a baby in her last words.
YOU ARE READING
That Night at McKinley Hill
Lãng mạnVittoria Villazon eventually resolved that night to follow her promise, disregarding everything else, including her friends' respect. Will she be able to keep her word when she runs to Levon Maurey, the blunt and obstinate man she loves?