"Woi Zyrelle bakit ganyan ang mukha mo? May LQ ba kayo ni Brix? Wait kayo na ba? Oy kwento naman diyan." nasa sala sila ng bagong bahay nina ate Katherine at kuya Zach niya. Naiinis si Zyrelle dahil kinabukasan ay kailangan niya ng magwork sa company nila. That's not her thing. Pero wala siyang magagawa dahil yun ang gusto ng daddy nila at isa pa if she will works in there palagi niyang makikita si Brix. Ewan niya ba kapag makikita niya ito nagiging masaya naman siya pero agad ding napapalitan ng Inis.
"Hindi yun ate and besides I don't like him. He's so annoying. Lagi niya akong iniinis at tinatawanan. And sa akin niya lang ginagawa yon." tinawanan lang nito ang sinabi niya.
"Kung sa iyo niya lang ginagawa yon edi special ka. Kilala ko iyon hindi niya sinasayang ang kanyang oras ng basta basta sa isang tao. Ang paglaanan ka niya ng pansin ay malaking bagay na yon. I think he really likes you. At inamin niya na diba at Alam natin iyon. Don't deny it Alam ko namang gusto mo na rin siya." hindi na lamang siya umimik.
Bigla namang umiyak ang pamangkin niya agad na lumapit ang ate Katherine niya sa crib na kinalalagyan kung saan ito nakalagay at dali daling binuhat si Baby Khiffer.
"He's so cute talaga, ate. Hi there cutie. Gosh can we take a picture." agad niyang kinuha ang phone niya at nagpicture nga sila, pinicturan niya rin si baby Khiffer ng mag-isa.
"Oh by the way where's Khatey pala? May school ba siya ngayon? Its Saturday right?"
"Ah si Khate sinama siya ni Brix day off kasi niya. Iginala lang, close yung dalawang yun eh. At baka dinala rin kay Nanay Emma." Tumatango na lang siya. Ang kuya Zach niya naman ay nasa kompanya at inaasikaso iyon.
May nag doorbell sa labas ng bahay. Sinabi niyang siya na ang magbubukas. Ang bahay na iyon ay hindi kasing laki ng mansion nila pero malaki rin at mamahalin ang mga materyales. Ang kuya Zach niya pa.
"Tita Zyrelle! Yehey nagvisit ka samin! Namiss kita Tita! Hindi po kami makadalaw sa mansion eh kasi po laging busy sa school, tapos si daddy po sa work." napangiti na lang siya sa sinabi ni Khate pero agad na nawala ang ngiting iyon ng makita niya si Brix na nasa likod nito.
"Namiss din kita Khatey. Pasok ka na. Miss ka ni Baby Khiffer. Hinihintay ka na din Ate Katherine sa loob." pumantay siya Kay Khate para mayakap niya ito at ng mayakap siya nito, agad din itong pumasok sa loob pagkatapos non.
"What are you doing here?" may halong pagtataray niyang tanong kay Brix ngunit nginisian lang siya nito na mas lalo niyang ikinainis.
"Ikaw anong ginagawa mo dito?" balik na tanong nito sa kanya. Dapat ang tanong niya muna ang sagutin nito!
"Visiting them." maikli niyang sagot.
"Ganundin ako kaya Dapat hindi mo na tinanong. At hindi lang naman Ikaw ang may karapatang pumunta sa bahay nato." unti unti na nitong nahahalata na napipikon na siya.
"Ano may sasabihin ka pa ba?" nang-aasar nitong taong sa kanya.
"Kapag kaharap mo sila kuya Zach at ang parents ko also to ate Katherine ang bait bait mo but when it comes to me your so rude! Ano ba talagang gusto mo ha?!" matapang niyang tanong dito. Dahan Dahan naman itong lumapit sa kanya at siya ay napaatras.
"Paano kung sabihin ko sayo kung ano talaga ang gusto ko huh? Do you want to know what it is?" nagbibiro lang naman siya eh. Pero mukhang Seryoso si Brix sa sinabi nito at Alam niya yon. God! Ano bang sinabi niya.
"W-what are you t-talking about? It's doesn't mean like that at bakit ka ba lapit ng lapit sa akin?" nauutal niyang sabi.
"Eh ikaw bat ka lumalayo? Are you afraid of me huh?" hindi niya Alam na may ganito rin palang side si Brix.
"Of course not. Why would I be afraid of you. Sino ka ba?" pinatatapang niya ang boses niya para hindi mahalata na kinakabahan siya. Ng tuluyan na nga itong nakalapit sa kanya at kinabig nito ang bewang niya.
"Sino ako? Kilala mo ako diba?" bulong nito sa kanya kaya tumindig ang balahibo niya.
"A-ano bang ginagawa mo?" inilapit nito ang mukha sa mukha niya at nagkatitigan ang mga mata nila. Gustuhin man niyang umiwas ay hindi niya magawa. Nakakadala ang mga titig nito sa kanya.
"Ito Zyrelle ito ang gusto ko. Ang halikan ka. Ano papayag ka ba?" at hindi agad siya nakasagot. Sobrang lapit na ng mukha nito sa kanya. Konti na lang ay mahahalikan na siya nito. Itutulak na niya sana ito. Pero bigla siya nitong hinalikan. That's her first kiss!!!
"Hoy ano yan bold? Sumbong ko kayo kay Kuya niyan eh." tsaka niya lang naitulak si Brix nang masalita si Zaiji. Nakita sila ni Zaiji na naghahalikan! Gosh nakakahiya! Pulang pula na ang pisngi niya.
"Bro sorry ah nakaisturbo ba ko?" tanong ni Zaiji kay Brix. Tumingin naman ito sa kanya ng nakakaloko.
"No its okay. Aalis na din naman ako dahil kakausapin ko pa ang kuya niyo. Pakisabi na lang kay Katherine na umalis na ako." pagkatapos gawin yun sa kanya? Bigla nalang ito aalis? Wow. Just wow.
"Oy ate Zyrelle sabihin mo daw! Namumula ka ate oh. Hahaha dapat pala mamaya na lang ako pumunta." agad siyang umalis doon at pumasok ulit sa loob ng bahay.
"Wow first name basis ka na sa ate ko ah? Ang Bilis ah. Putcha namumula na yung mukha niya hahaha." napatawa na lang si Brix sa sinabi ni Zaiji. Gusto niya lang naman Inisin si Zyrelle eh dahil ang cute nito pero hindi niya na napigilan ang sarili na ito ay halikan.
"Asan pala si Zach?"
"Bakit Ako ang tinatanong mo, diba doon ka nagtatrabaho? Ay malamang nasa kompanya." natatawa nitong sagot sa kanya. Naging kaibigan niya rin kasi si Zach at masaya siya na gusto siya nito para kay Zyrelle.
"Okay ang ayos mo kausap ah. Naninigurado lang. Day off ko kasi ngayon." pahayag niya.
"Good news Bro. Doon na magwowork si ate Zyrelle bukas edi lagi mo na siyang makikita. Napakaswerte nga naman. Naol. Wait aalis ka na diba?" oo nga pala kailangan niya ng umalis dahil walang kasama ang Tita Emma niya sa bahay. Tinapik niya muna ito sa balikat bago siya nagpaalam ulit.
Masaya siya dahil nahalikan niya si Zyrelle at mukhang siya pa ang first Kiss nito. Imbes na magustuhan at mahalin siya nito mukhang kaiinisan pa siya ng dalaga. Pero wala siyang pinagsisihan sa ginawa niya sa kanya.
"I fucking hate him! He kiss me!" nagustuhan mo naman bulong ng isip niya.
"Kyahhh I want to kill grrrr nakakahiya! Gosh what did I do?" siguradong malalaman ng lahat yon dahil sa bibig na mayroon si Zaiji.
"Kyahhhh!!!" huli niyang sigaw bago siya lumabas ng Cr para humarap kay ate Katherine niya at kay Khate at para na din Makita ang cute face ni baby Khiffer.
But she hates that engineer! She hates Brix! She hates him! Gosh!
But soon The hate will turn to love. Because the more you hate, the more you love ika nga.
A/N: comment your reactions😊 ️sana suportahan niyo din po ang story ni Zyrelle at Brix. Love you all readers❤️
BINABASA MO ANG
I love you and I hate that
Romance(Montefalco Series #2) She hates that engineer! She hates Brix! She hates him! But soon The hate will turn to love. Because the more you hate, the more you love ika nga.