Vacant time nila. Dun pa rin sila sa lugar nila nakapwesto. Titig na titig si eve at eric sa magkasintahan. Kasalukuyang nakaupo ang dalawa sa harapan nila. Nagpapalipat lipat ang tingin ng dalawa sa magkasintahan.
Ano ka yang problema bakit hindi nagpapansinan ang dalawa. Nakasimangot pa ang dalawa.
"Ano meron?" Bulong na tanong ni eric sa katabing si eve. Na hindi tinatanggal ang tingin sa dalawang kaharap.
"Ssshhh!.. hindi ko rin alam." Sagot na pabulong din na sagot sa katabi. Nakakabingi ang katahimikan ng dalawa kaya naman hindi nya na napigilang magsalita. "May problema ba kayong dalawa."
Napatingin ang dalawa sa kanya. Pero tahimik pa rin ito. Si lesly ay nagawa irapan ang nobyo nya. "Walang magsasalita sa inyo?"
"Sya ang tanungin mo!, Wag ako!" Galit na sagot ni grey kay eve. Napataas naman ang kilay ng katabi.
"Ay!.. wow ah!.. nahiya naman ako sayo!" Sagot ni lesly sa katabi.
"Hon! How many times do i have to tell you that I'm just trying to help!" Inis na nilingon nya si lesly. Ang dalawa naman ay palipat lipat ang tingin sa dalawa habang nag aaway ito.
"Trying to help with what?.. with titigan and holding her?" Asar na tumingin ito sa kanya.
Napailing si grey na tumingin kay eve "can you please tell her that it's not what she think?.." anito na nagpataas ng kilay ni eve.
"And can you please tell him sa lalaking malanding to na hindi ako tanga para hindi ko mapansin ang madalas na pagsama nya sa babaeng yun at pag hawak ng babaeng yun sa kamay nya na mas madalas pa nga e may embrace pa kapag nagkikita sila!" Sagot naman nito sa kanya nakatingin din kay eve.
"Okay!.. please stop this non sense!" Inis na sagot ni eve sa dalawa.
"Natural lang na magkasama kami kasi sya ang kasama ko sa group report, at ang embrace nya ay gesture lang yun. It's nothing!" Paliwanag ni grey.
"Alam mong may gusto sayo ang babaeng yun kaya nga pinilit nya na kayo ang magkasama, at dahil sa kalandian mo hindi mo man lang sinabi na tayo ang magpartner sa report. We've talked about it pero wala e natalo ka ng kalandian mo!" Galit na sagot nito at tumayong nagdadabog na umalis. Wala namang nagawa ang binata kundi ang manahimik at sabunutan ang sariling buhok.
"Do something about this grey!" Walang emosyong sinabi ni eve sa kanya na seryosong nakatingin.
"Nag seselos lang kasi sya, babe!, Kaya ganun ang reaksyon nya!". Tumayo naman si eve para sundan si lesly.
"Alam mong nag seselos sya bro kaya sana dumistansya ka nalang sa babaeng yun para walang problema." Suggestion ni eric sa kaibigan.
"Pinipilit ko naman kaya lang kasi si alice ang madalas ko talagang nakakasama dahil sa report." Paliwanag nito sa kanya.
"Bakit ba hindi si lesly ang napili mo?"
"Nagulat na lang din kasi ako nung biglang magsalita si alice na ako ang kapartner nya, bago pa ako nakapag salita nag approved na agad yung prof namin."
"Edi lambingin mo si lesly para may assurance sya na hindi mo papatulan si alice! Do everything to convince her bro." Payo nito na nakapagpatango kay grey.
Maya maya pa ay dumating si eve at bumalik sa pagkakaupo nito kanina. "I already talked to her, go on pag usapan nyo yan!, Ayoko ng nag aaway kayo ang gusto ko lagi kayong naglalambingan sa harap ko kahit inggit na inggit ako!" Ani eve na kangiti kay grey. Napangiti naman si grey ng marinig ang sinabi ni eve "Go na babe!, Lambingin mo na, okay na yun!"
Nagmamadaling tumayo si grey at iniwan silang dalawa na nakatingin sa kanya habang tumatakbo paalis.
"Eve!"
BINABASA MO ANG
In Love To A Tomboy
RomanceAno gagawin mo kung bigla ka na lamang iwan ng lalaking pinakamamahal mo ng wala man lang sinasabi? Aasa ka pa rin ba kahit na wala namang kasiguruhan na tunay ka nga nyang mahal? Paano kung makalipas ang 7 na taon ay magkita kayon...