CHAPTER XVIII

7.2K 155 6
                                    

MIKHA'S POV


"Hulaan ko, si Sheena nag book ng ticket mo no?" Napatingin ako sa nagsalita at hindi nga ako nagkamali sa mala anghel na boses na narinig ko.

"Queen!"

"Bakit ka nanaman late?" Natatawang tanong niya. Yung tawa at yung ngiti niya talaga yon e.

"Wala akong time nagpabook ng ticket kaya si Sheena na nag asikaso"

"Same, check in lang ako" Sagot niya, kinuha ko naman na ang maleta niya at ngumiti pa muna siya bago tuluyang mag check in. Gaya ng inaasahan ko ay panay bati ng ilang FA at Co Pilot ko sa tuwing nakikita nila ako. Ayoko naman magmukhang masungit sa mga katrabaho ko kaya pinipilit ko na lang na ngumiti at makipag usap habang hinihintay si Queen.

"Mikha!" Tawag sa akin ng isang FA, napangiti naman ako ng bumeso siya sa akin.

"Oh Mandy! Pauwi ka na?" Tanong ko sa kaniya, nakangiti naman siyang tumango tsaka ko nilingon si Aiah na nag checheck in pa rin.

"Pahinga pahinga rin ah napapadalas pag alis mo e" Natatawang sabi pa niya. Si Mandy ang isa sa pinaka close kong FA sa lahat ng katrabaho ko, kung ang airport na ang pangalawang tahanan namin, sila ni Colet ang kapatid ko. Napatingin naman kami pareho sa babaeng nasa tabi ko na kaya pinakilala ko na rin sa kaniya si Queen

"Nga pala, si Aiah, Aiah si Mandy katrabaho ko" Pakilala ko sa kanilang dalawa nakangiti naman silang nagkamayan

"Nice to meet you, Aiah"
"Nice to meet you too, Mandy"

"Pakiingatan na lang si Captain ah, hindi uso pahinga diyan e, wala rin naman ako sa tabi niya para alagaan siya" Pakiusap pa ni Mandy kay Queen

"Oo naman, ako talaga bahala" Halatang pilit na ngiti nitong sagot at umiwas din ng tingin na para bang naiinip kaya tinignan ko na ang relo ko

"Sorry Mandy pero mauna na kami hindi na muna kita mahahatid, ingat ka sa pag uwi mo ah" Paalam ko sa kaniya tsaka hinalikan ang noo niya

"Ingat din kayo, bye!" Paalam niya tsaka kumaway na palayo.

"Pwede palang landian dito sa trabaho niyo?" Takang tanong niya sa akin, natawa naman ako kaya lalong nagdikit ang kilay niya

"Kahit saan naman pwede kung gugustuhin mo" Sagot ko, inirapan niya lang naman ako at nauna ng naglakad. Kaso, yung gusto kong landiin bawal kahit saan kaya di bale na lang.


Pagkaupo namin sa eroplano ay hindi na niya ako inimik at nagpakabusy na lang siya sa dala dala niyang camera kaya tahimik ko na lang din siyang tinignan at hindi na ring umimik.

"Naupload ko na pala yung Baguio Trip natin together, gusto mong panoorin?" Biglang tanong niya sa akin.

"Cringe" Simpleng sagot ko, natawa naman siya kaya napangiti nanaman ako. Kailangan ko bang patawanin ka ng patawanin para manatili rin tong ngiti sa mga labi ko? Kailangan din bang lagi kang nasa tabi ko para laging masaya tong puso ko? O masyado lang akong hibang para maging masaya kahit na alam kong hindi tama 'to?

"Baka matunaw ako niyan ah" Biglang sabi niya habang tinitignan pa rin ang mga camera niya, napaiwas naman ako ng tingin ng mag sink in sa utak ko ang sinabi niya at pumikit na lang. Anong gagawin ko? Kung mas maganda ka titigan kaysa sa mga ulap na nakikita ko.

We Fell In love in October (MIKHAIAH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon