-------
It's been a week na rin mula nang makauwi kami galing Ilocos at katatapos lang ng exam namin.
Simula sa day na nagtapat sa akin si Lei,ang araw na nagsimula kaming magiwasan.Hindi ko siya pinapansin at hindi rin niya ako pinapansin.
Si Nikka lagi ang kasama niya.May paconfess confess pang nalalaman lumalandi lang naman pala sa iba.Akala siguro niya nadala ako sa kasinungalingan niya.Yan pala ang mahal ako?Kasasabi lang lumalandi na naman sa iba.Madaling sabihin pero wala naman sa kilos.
Sa nakalipas na isang linggo,halos hindi na mapaghiwalay si Zowin at Danica.Laging sila ang magkasama.Susunduin kami ni Zowin sa bahay kapag papasok sa School.Magkatabi ng upuan sa classroom.Sabay pa silang maglalunch.
Tapos sabay na naman silang uuwi kasi ihahatid niya si Danica sa bahay.
Si CM naman isang linggo nang hindi pumapasok.Balak pa nga namin na bisitahin siya kaso hindi naman namin alam kung saan siya nakatira.Kapag tatawagan naman namin siya naka off naman yong cellphone niya.Minsan,napakamisteryoso din ni CM.
Si Kenzo laging hindi mahanap.Sawa na rin ako sa pagmumukha ni Ralp.
Si Lowie naman, hindi ko din makasama kasi gaya nina Zowin at Danica,hindi rin sila mapaghiwalay ni Kitty.Ay hindi,si Lowie lang pala ang hindi maihiwalay kay Kitty
Nakakatawa mang isipin pero mukhang seryoso na talaga si Lowie kay Kitty.Natamaan na siguro siya.Kung dati si Kitty ang nanghahabol ngayon si Lowie na.
Noong nakaraang araw nga,binabastos si Kitty kaya pinagbubugbog ni Lowie yong mga nambabastos sa kanya.At kong kinakausap ko naman si Lowie,hindi na siya yong dating Lowie na maarte sa pananalita.Kong kumilos parang nakalimutan na niyang bakla siya.Kahit papaano lalake na ulit siya.
Mabuti na lang at Sabado ngayon at papunta ako ngayon sa bahay nina ate Joding.Nag text kasi siya sa akin na kong wala akong gagawin pumunta daw ako sa bahay nila.At dahil boring naisipan ko nalang na pumunta.Wala naman siguro si Lei doon kaya okay lang na doon muna ako tumambay.
BEEEEEP BEEEPP
Tiningnan ko nang masama yong kotse na bumusina.Masisira ang eardrums ko dito.Maluwang naman yong daan tapos sa gilid lang ako naglalakad tapos bumubusina siya? Lintik lang.
Tumigil yong kotse sa tapat ko.Kilala ko kong sino ang mayari nito.
"Sakay"
Napatingin naman ako sa likod ko.Napaturo pa nga ako sa sarili ko kasi hindi ako sigurado kong ako ba yong kinakausap niya.
"Oo sakay"
"No thanks"
"YAAAHH !"
Hinimas ko yung pwetan ko kasi ang lakas ng impak.Maglalakad na sana ako paalis kaso bigla niya akong hinila papasok ng kotse.Napakaungentleman talaga.
"Ano bang problema mo ? "
Sa halip na sagutin niya ako sinuot niya lang yong headset niya at nagtutulog tulugan.Hindi man lang kayang panindigan yong sinabing mahal ako.
Yong ibang nababasa ko nga,pag umamin na yong lalake sa babae liniligawan na niya kahit ayaw nong babae.O kaya gumagawa na siya ng paraan para mahalin din siya nong babae.
Kakaiba rin ang isang ito.Sana hindi na lang siya umamin kong magiging ganito din kami.Minsan,kailangan mo talagang makontento sa kong ano ang meron kayo.Dahil kong maghahanap ka pa ng mas malalim,masisira lang ang meron kayo.
Wala nang nagtangka pang magsalita hanggang sa makarating na kami sa bahay nina Lei.
"Good Morning baby"
BINABASA MO ANG
You're lucky,I'm inlove with you(ON HOLD)
Ficção AdolescenteIsang Ordinaryong pagmamahalan ang meron sila.Gaya ng ibang love story ang istorya ng pag-iibigan nila.Maraming susubok sa kanilang samahan.Sa lahat ng pagsubok nila,iisa lang ang itinatak nila sa kanilang isipan.Understanding,naniniwala sila na kap...