[Jam’s POV]
Naasar ako habang itinataktak ko ang laman ng wallet ko. Isinusumpa ko ang kahinaan ko sa larong rock, paper, scissor. Nautakan na naman tuloy ako ng mga bruhang mga kaibigan ko, kaya ako ang nakatalagang manlibre ng merienda namin nang mga sandaling iyon. Three hundred thirty pesos and twenty five cents na lang ang pera ko. Kung di lang kasi ako ang nanglibre kaninang lunch eh di dapat yung masasarap ding pagkain ang mabibili ko ngayon. :/ Kulang pa ako nang thirty-seven pesos para sa supreme special ng Platinum Café—ang kasalukuyang pinakamalaking coffee shop dito sa San Diego—na sasapat sa aming magkakabarkada. Saka kung di ko lang kasi nakalimutan yung aking ATM card sa bahay, edi sana hindi ako nanonomblema dito.
“Ah! Ang hirap maging tagalibre!”
I threw my arms in the air in frustration.
“Argh!”
Ayy, leche! May natamaan ata ako. Pagkatalikod ko ay may isang lalaki na may malaking eyeshades at pisil-pisil ang ilong ito ang nakita ko. Nakonsiyensya naman ako.
“Did I hit you? I’m sorry,”
He turned to me. Kahit hindi ko nakikita ang mga mata nito, ay alam ko masama ang tingin nito saken. -____- May dinikit siya sa aking noo at umalis na ito.
Inalis ko ang nakatapal na iyon sa aking noo at nagtatangkang tiningnan ko kung ano iyon. Isa siyang discount coupon sa Platinum Café. Kumislap ang mga mata ko. Sa wakas, eksakto na ang pera ko para sa ooderin kong Supreme Special.
Pero wait, paano nalaman nung lalaking iyon na kapos ako sa budget?
Hmm.. Thank you na lang stranger J
Umorder na lang ako ng supreme special, pagkatapos ay umupo nako sa favourite spot namin. Kung saan kami umuupo magkakabarkada tuwing kakain dun. Sakto namang dumating si Kyle, at Mitch.
Magulong-magulo na naman ang buhok ni Mitch pero isang magandang mukha pa rin ang nakikita ko kapag tinitingnan ko ito. Mitch, was rich and she was oozing with elegance despite her rugged appearance. Sabi nila, magkahawig daw kami. Kaya minsan napapagkamalan kaming kambal. :D Minsan ko lang ito makasama, kasi first year high school ito. At sa ibang school ito nag-aaral.
“Yow Jam!” nakangising bati saken ni Mitch.
“Buti naman at um-order ka na, nagugutom na kami eh,” sabi ni Kyle.
“Oo. Hiyang-hiya naman ako sa inyo,” sarcastic na sabi ko.
Tumawa naman sila. Nakatingin si Kyle sa apat na plato ng Hawaiian Bagel. Mukhang gutom na gutom na toh, at hindi na makatiis. HAHA.
“Guys, do you know what I’m thinking?” ani ni Kyle, saka ngumiti at tumingin sa Hawaiian Bagel.
Alam ko na balak neto. Kaya uunahan ko na. Kinuha ko yung isang plato ng Hawaiian Bagel, pero yun yung pinakamalaking Hawaiian Bagel, kaysa sa iba pa. Nakuha naman ni Kyle, yung isa pang malaking Hawaiian Bagel. Ganun din kay Mitch, pero medyo maliit na ng konti.
“That’s unfair. Ako na lang palagi ang slow,” reklamo ni Mitch.
Tinawanan lang namin ni Kyle si Mitch. Yung isa pang Hawaiian Bagel ay mapupunta kay Raphael. Dapat lang, kasi late na naman siya. Hmph.
Maya-maya, ay biglang natahimik si Mitch. Kagat-kagat nito ang ang straw ng Java Chip Frappucino nito habang tila lumilipad ang isip nito.
Hinayaan na lang namin ni Kyle ito. Ganoon naman talaga si Mitch, may sariling mundo. Minsan na lang kasi ito nagkwekwento saken. Kasi bihira nga kami magkita na.