Chapter Six: "Ang Pustahan? At Ang Bracelet?"

27 0 0
                                    

Oii. Yun oh. Sa wakas. :D May iba ng POV, maliban kay Jam. J Hehe. Hope you enjoy reading this chapter.

[Karl’s POV]

Yow. Yow. Yow. What’s up? HAHA. Sa wakas, may POV narin ako dito sa story na toh. Kasi yung baliw na author, puro si Jam na lang. Nakakapagtampo. Haha. J Pero anyways, magpapakilala ulit ako sa inyo.

I’m Karl Santiago, ang pinaka-gwapong lalake sa story na toh. Sus! J HAHA. Walang kokontra. Sige, masyadong makulit nako… Mananahimik muna ako saglit.

=silence=

=silence=

=silence=

=silence=

=silence=

=silence=

=silence=

=silence=

=silence=

“KARL! Hoy Karl!”

Hay, agang-aga, may tumatawag saken. Lumabas ako ng bahay. *sigh* Ang makukulit na kaibigan ko lang pala.

“Ano na naman ang ginagawa niyo rito?” kunwari ay masungit na tanong ko pero ang totoo ay natutuwa akong makita ang mga ito.

Elementary friends ko ang mga ito pero nung umalis ako ng San Diego, ay hindi ko na sila masyadong nakakasama. Kaya masaya ako ngayon na naalala pa rin pala nila ako.

“Ano pa ba sa tingin mo? Parang hindi ka nasanay sa amin noon ah. Makikikain. Wala na kasi kaming makain sa mga bahay namin, eh,” saad ni Patrick, ang lalaking petite pero malaki ang paninindigan at prinsipyo sa buhay. Matapang ito at ma-pride, lalo na kung alam nitong nasa tama ang katwiran nito.

“Ano ang tingin ninyo sa bahay namin? Ampunan at namimigay ng pakain sa mga walang makain?”

Sabay-sabay na tumango ang mga ito. Hayy. Napailing na lang ako. Mga wala paring pinagbago ang mga ito, kahit ilang years na kaming hindi nagkikita.

Pumasok na sila isa-isa sa bahay ko. Ayy. Ganun. Mas nauna pa sila pumasok kaysa sa akin. Hiyang-hiya naman ako sa may-ari ng bahay. xD *sigh* Sumunod na lang din ako sakanila.

Nakita ko sila na naka-upo na sa sofa. Yung iba naman naka-upo sa sahig. At nanunuod silang lahat ng t.v Tamo, mga feel at home. Tsk.

“Kumusta ang mga love life ninyo?” bungad agad ni Ivan, ang isa sa mga pinakamatangkad sa aming magbabarkada. Madalas na mapagkamalan itong masungit dahil sa hitsura nito pero ang totoo ay mabait at maloko ito.

Sabay-sabay kaming tumingin kay Kuya Raph, ang pinakamatanda at pinakamabait sa aming magkakaibigan. College na toh.

“O? Ako na naman ang nakita ninyo! Grabe naman! Bakit ba palaging ako ang inaasahan ninyong matatalo sa pustahan natin?” tanong nito.

Natawa kaming lahat.

Ang pustahan na sinasabi nito ay nangyari noong elementary kami, at highscool naman na si Kuya Raph noon. Dahil maloko kaming lahat, napagkasundaan namin na huwag magkaroon muna ng girlfriend. Habang tumatagal ay naiiba na ang “mechanics” na kasunduan namin. Ngayon, kung sino ang unang magkaroon ng kasintahan sa amin ay yun ang talo at magbabayad ng fee.

Napagkatuwaan lang namin iyon pero sineryoso naman nila.

Para sa akin, ang pagtupad sa kalokohan nilang iyon ay ang pagpapatunay na mayroon akong salita. Call it pride or something else, pero pinanghahawakan ko iyon. Alam kong iyo din ang mind-set ng mga ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 16, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Miss SawiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon