[Letlet]
HINDI lumalabas ng kwarto si Letlet simula ng mangyari ang nakakahiyang nangyari kagabi. Kapag naaalala niya ang pinsan n'yang si Kuya Lucian ay nanggigil talaga siya sa sobrang inis.Kung pwede lang na ihagis niya ito sa dagat ay ginawa na niya!
"Ahhh, kaasar talaga!" Inis na tili niya habang sinisipa ang dingding ng kwarto niya.
Alam niya na aksidente ang nangyari pero hindi maalis sa isip niya ang mainit na kamay ng pinsan sa dibdib niya, isama pa ang mainit at mahabang bagay na dumikit sa ibaba niya-
Oo at sanay na siyang makakita ng gano'ng bagay, pero hindi lang niya nakita ang bagay na meron si Lucian, nadikitan pa siya! Hindi lang basta kung saan kundi sa mismong perlas na pinakatatago niya! Wala naman siyang pakialam kahit na madikit pa 'yon sa kahit saang parte ng katawan niya, wag lang sa perlas na pinakaiingatan niya at wag lang din sa kanyang dibdib!
"Bwisit talaga!" Kulang pa ang paulit-ulit na hampas na ginawa niya rito! Dapat ay binali rin niya ang kamay nito!
"Letlet, balak mo bang sirain ang dingding?!" Malakas na sigaw ng Lola niya mula sa kusina.
Umupo siya at bumuga ng hangin. Ngayon paano niya haharapin ang pinsan niya, gayong sa tuwing nakikita niya 'to ay naaalala niya ang nangyari.
Hindi naman pwede na palagi nalang siyang nasa kwarto para lang iwasan ito. Bakit ba kasi naubusan pa ng gaas ang gasera nila sa banyo kagabi? Bakit ba ang malas niya palagi?
Hindi na nga niya nakuha ang lipstick na gustong-gusto niya, nahawakan pa at napisil ang dibdib niya!
Kung hindi lang niya pinsan si Lucian ay baka pinaanod na talaga niya ito sa dagat!
[Lance]
KANINA pa ang tingin ni Lance sa kwarto ni Letlet. Rinig niya ang impit na tili nito at parang nagwawala ito mula sa loob.Sumimsim siya ng kape.
"Lucian apo, pakiabot nga ang malaking pakwan na 'yon." Turo ni Lola Asun sa gilid ng mesa kung saan siya nakaupo.
Muntik na n'yang maibuga ang iniinom na kape ng maalala ang nahawakan niya kagabi.
Damn! Since he cupped her breast, he couldn't sleep well. Hindi maalis sa isip niya ang malaking pakwan ni Letlet -
"Lucian! Bingi ka ba?!" Sigaw ng matanda.
Napangiwi siya at agad na inabot dito ang pakwan saka muling uminom ng kape.
"Nakipag away ka ba kagabi kaya ang dami mong pasa sa mukha, ha?" Tanong ng matanda.
Tuluyan na n'yang naibuga ang kape na iniinom sa tanong ni Lola Asun. Hindi niya nagawang magsalita, tanging pag ubo lang ang nagawa niya.
Paano niya sasabihin na kaya siya nagkaro'n ng mga pasa ay dahil sa paghawak at pagpisil niya sa dibdib ng mahal nitong apo?
"Ano ba ang nangyayari sa inyong mga bata kayo, hindi kayo makausap ng matino!" Iiling-iling ba sambit ni Lola Asun bago tumayo dala ang malaking pakwan.
Nakahinga siya ng maluwag ng umalis na ang matanda.
"Bwisit ka talaga!" Muli n'yang narinig ang boses ni Letlet.
Napangiwi siya. Alam niya kasi kung sino ang bwisit na tinutukoy nito.
Matapos magkape ay tumayo siya para ilagay ang tasa na ginamit sa lagayan ng hugasan. Kumunot ang noo niya ng mapansin ang isang picture frame na nakapatong sa isang lumang radyo. Lumapit siya ro'n at dinampot 'yon para tingnan.
Umawang ang labi niya sa nakita.
"What the fuck!" Hindi makapaniwala na bulalas niya.
Paanong hindi siya magugulat, kung ang nasa litrato ay kamukhang-kamukha niya!