Flashback...
Laxxus POV
DUMAKO ang umaga na hindi ko nasilayan ang anino ng aking mga magulang. Nag-ayos na lamang ako ng aking sarili bago dumaan sa tindahan ni Aling Berna.
"Magandang umaga, Aling Berna." bati ko rito na nagwawalis sa harapan ng kanyang tindahan.
Huminto ito sa pagwawalis at hinarap ako ng nakangiti. "Magandang umaga rin, Laxxus. May ipagbibilin ka ba?"
Napakamot ako sa batok ko at nagsalita "Ah aling Berna, kapag nakauwi na po ang mga magulang ko maari bang ipaalam mo sakin kung nasa bahay na po sila?" bilin ko kay Aling Berna. "baka po kasi hindi agad ako makauwi ng maaga mamayang hapon." pagpaptuloy ko.
Tumango naman sya. "O siya sige, pumasok ka na at baka mahuli ka pa sa klase mo,"
Ngumiti ako at nag-paalam muna sa kaniya bago tuluyang tumungo sa paaralang pinapasukan ko. Mabuti na lamang at nakaabot ako sa aking klase. Katulad ng dating gawi, nakinig at naging aktibo lamang ulit ako sa pagsagot sa mga katanungan ng aming guro.
Tanghalian na at kumakalam na rin ang aking sikmura. Wala akong baon na pagkain kaya lumabas ako at nagtungo sa canteen ng paaralan namin. Marami akong mga kamag-aral na naroon.
Pumila ako at inilabas ang isang daan sa aking bulsa. Bumili ako ng aking pagkain. Naupo ako sa dulo dahil wala naman akong ibang kaibigan maliban sa sarili ko.
Maingay ang buong paligid, ngunit hindi nawala sa aking isip kung nakauwi na ba ang aking mga magulang. Hinihiling ko na lang na sana ay maayos silang makakauwi sa bahay.
Patapos na ako nang lumapit sa akin ang isang grupo ng mga kaklase ko. Napa-buntong hininga na lamang ako dahil paniguradong tatapakan na naman nila ang pagiging mahirap ko.
"Laxxus, Laxxus, Laxxus, the poor little guy." usal ni Vina kaya nagtawanan ang mga kaibigan niya.
Napailing na lamang ako dahil hindi ko ninais na pumatol sa babaeng nasa harapan ko.
"May kailangan ka, Vina?" parang tuta na tanong ko.
"Mahiya ka naman sa akin, Laxxus. Huwag mo akong kausapin," maarteng sambit niya.
Bakit pa ako nilapitan nito kung hindi lang rin ako magsasalita? Minsan ay hindi ko maintidihan ang utak ng tao. Kinakausap ka pero ayaw naman kung sasagutin mo sila.
Hindi ko na lang sila pinansin at iniligpit ko na ang aking pinagkainan. Tatayo na sana ako ngunit itinulak ako ni Vina kaya sumalampak ako sa sahig.
Kumunot ang aking noo, "ano ba ang problema mo, Vina?" mahinahon kong tanong.
"Problema ko ay masyado kang pabibo kay, Bb. Marga." umirap ito sa akin, "pabida ka masyado."
Naikuyom ko ang aking kamao. "Hindi ako pabida, Vina. Hindi ako pabibo," sagot ko. "hindi ko kasalanan kung ginagamit ko ang utak ko sa klase," dagdag ko pa.
"Hmp! Matalino ka nga, mahirap naman. Anong silbi ng talino mo kung wala rin naman tatanggap sa mahirap na katulad mo?" muling banat niya sa akin na siyang ikinatawa ng mga kasama niya maging ang mga tao sa paligid.
Lumingon ako sa kanila at batid ko ang mga nakakaasar na ngiti sa kanilang labi. Hindi man nila aminin na ayaw nila sa akin, ramdam ko naman iyon kasi naging iskolar lang naman ako sa paaralan na ito dahil may utak ako.
Hindi ko nanaisin na pumasok sa paaralan ng mga mayayaman kung mas masahol pa sa hayop ang turing sa akin. Bumalik ang tingin ko kay Vina at maging sa mga kasama niya.
"Ano naman kung mahirap ako," sambit ko kasabay ng aking pagtayo at pinampag ang likuran ng aking short, "at least nagagamit ko ang pagiging matalino ko hindi katulad mo, matalino ka at mayaman pero mukha namang walang pinag-aralan,"
Nakita ko ang gulat at pagkainis sa kaniyang mukha. Hindi ko naman siguro kasalanan kung sagutin ko siya kasi mali naman ang pakikitungo niya sa akin. Ipinagtatanggol ko lamang ang aking sarili laban sa matapobreng katulad niya.
"Ang kapal ng mukha mong sabihin 'yan! Iskolar ka lang naman rito!" sigaw sa akin ni Vina at itinulak tulak ako.
Hinuli ko ang kaniyang kamay at hinawi iyon ng marahas. Hindi ko siya uurungan kung gugustuhin ko siyang saktan.
"Oo at iskolar lang ako sa paaralan ng mayayaman na katulad niyo, pero wala kayong karapatan na laitin at tapakan ang buong pagkatao ko," inis kong sagot sa kaniya. "hindi ko kayo sinasagot dahil alam kong mahirap kayong kalabanin pero mali na kasi ang sinasabi ng inyong dila," usal ko at akmang aalis na sana nang haklitin ng kasama niyang lalaki ang aking uniporme.
"Laxxus, ang tapang mo. Hindi porket pabor sa iyo si Bb. Marga lumalaki na ang ulo mo," sikmat sa akin ni Angelo. Ang lalaking kaibigan ni Vina at mayaman rin.
Kinuha nila ang aking bag kaya pinigilan ko iyon ngunit marahas nila iyong nakuha sa aking kamay. Wala na akong nagawa nang sabunutan ako ni Vina at pinagtulakan ako ng mga kasama niya.
"Ano ba..." usal ko, "tumigil na kayo!" sigaw ko na.
Hindi nila ako tinigilan hanggang sa humagulgol na lamang ako sa sobrang sakit ng anit ko dahil sa pagsasabunot na gawa ni Vina sa akin. Wala rin akong nagawa upang ipagtanggol ang sarili ko kasi hindi ko sila maaaring saktan.
Tumigil lamang sila nang marinig ko ang boses ni Bb. Marga at dinaluhan ako para tumayo.
"Sino ang nagpasimuno rito, Vina, Angelo?" mahinahon na tanong ni Bb. Marga sa kanila.
Itinuro ako ng dalawa kaya sumabat na ako. "H-Hindi po ako, Bb. Marga. Maayos po akong kumakain kanina pero sila ang gumugulo sa akin," naiiyak na sagot ko.
"Hindi, Bb. Marga! Ninakaw po kasi niya ang mamahalin kong ballpen kaya inaway ko po siya," pagsisinungaling ni Vina.
Tumingin sa akin si Bb. Marga. "Totoo ba iyon, Laxxus?"
"Hindi po, Bb. Marga. Hindi ko po iyon magagawa. Ipinagtanggol ko po ang sarili ko sa kanila dahil minamaliit nila ako at nilalamangan ko raw sa klase si Vina."
Kumunot ang noo niya at tumingin sa tao sa paligid at muling bumaling sa akin. "Patingin ng bag mo Laxxus kung nagsasabi ka nang totoo. Alam mo naman ang parusa kapag nagsinungaling ka hindi ba?"
"Ito po ang bag niya, Bb. Marga. Nakita ko po na inilalagay niya ang gamit ni Vina kanina bago lumabas sa room." sabay abot ni Angelo.
Kinuha iyon ni Bb. Marga at tinignan ang laman ng aking bag. Nanlaki ang aking mata nang makita ang isang pamilyar na ballpen ni Vina. Hindi ko iyon ninakaw, wala iyon sa aking bag kanina.
"Magnanakaw!" tili ni Vina.
Bagsak ang aking balikat. "Hindi ko ninakaw ang ballpen mo, Vina! Kinuha niyo ang aking bag kanina at malamang ay inilagay niyo na iyon... para pagbintangan ako," sabi ko habang nagpipigil ng inis.
"Laxxus, alam mo ang patakaran hindi ba?" tila galit na tanong sa akin ni Bb. Marga, "sumunod ka sa akin at magpaliwanag ka sa principal's office. Hindi ko aakalain na kaya mong magnakaw at kay Vina pa talaga." huling sabi niya bago siya umalis kaya sumunod ako sa kaniya. Pinagtawanan lamang ako ng mga kapwa ko kamag-aral.
"Mabuti nga sa iyo," rinig kong sabi ni Vina.
Hindi ko talaga maintindihan ang takbo ng isip ng tao, hindi nila kayang makinig sa paliwanag ng iba tanging papakinggan nila ay iyong alam nilang mali pero pilit nilang sinasabing tama. Matalino ka ngunit kung mahirap ka, hindi pa rin pantay ang tingin ng tao sa sarili mo.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Defiant Youth Series # 12: Unwanted Justice (COMPLETED)
Teen FictionPUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING) Defiant Youth Series #12 (A COLLABORATION SERIES) COMPLETED Years ago, there's a guy named-Laxxus Harris who was being addicted to alcohol and cigarettes. He's just a high school student back then when his friend...