[Lance]
WALA sa sinisibak na kahoy ang tingin ni Lucian, kundi na kay Letlet.Hindi siya makapaniwala na gano'n kagusto ni Letlet si Balot. Wala namang espesyal sa lalaking 'yon.
"Ahh-damn!" Halos magpagulong-gulong siya sa sakit ng tamaan ng palakol ang paa niya.
Tangina, ang sakit!
"Kuya Lucian! Naku naman, naputol na ang daliri mo sa paa!" Tarantang sabi ni Letlet.
Dahil sa sinabi ng dalaga ay namutla siya. Damn it! Hindi pwede na mabawasan ng kahit isang daliri lang ang paa niya! Kabawasan sa pagiging lalaki niya 'yon!
"Lola! Si Kuya Lucian, naputulan ng paa!" Malakas na hiyaw ni Letlet.
Nagmamadaling lumabas ng bahay si Lola Asun at agad na nilapitan siya. Kagat ang labi na binitiwan niya ang duguan na paa.
"Daplis lang naman, anong naputulan ng paa ang sinasabi mo d'yan?" Isang batok ang natamo ni Letlet sa Lola.
Natigilan siya at tiningnan ang paa niya. Tama si Lola Asun, daplis nga lang. Napangiwi siya. Halos magpagulong-gulong pa siya sa lupa sa pag aakala na naputol na ang daliri niya sa paa.
Sinamaan niya ng tingin si Letlet na mayro'ng pang aasar sa mukha na nakatingin sa kanya.
"Eh, sorry naman po, Lola. Akala ko kasi naputol na ang paa ni Kuya Lucian." Ani Letlet.
Tiningnan niya ng mariin si Letlet. Bakit may pakiramdam siya na nanadya 'to?
Matapos linisan ni Lola Asun ang sugat niya ay lumabas siya ng bahay. Pasimple na hinanap ng mata niya si Letlet pero hindi niya ito nakita.
Saan naman kaya nagpunta ang babaeng 'yon?
Pumasok siya ng bahay para sana magtanong kay Lola Asun kung nasaan si Letlet, pero pagpasok niya ay wala na din ang matanda.
Nasaan na ba ang mga tao dito sa bahay at bigla nalang nagsisiwalaan?
Hindi kaya nakipagkita si Letlet kay balot Nalukot ang mukha niya sa naisip. Matigas talaga ang ulo ni Letlet!
Paika-ika na lumabas siya ng bahay. Mabuti pa na hanapin niya si Letlet para pauwiin. Tama, pauuwiin niya 'to, hindi dahil sa nangingialam siya, ginagawa lang niya ito dahil nagpapanggap siyang pinsan ng dalaga.
Kailangan niya magpakita ng pag aalala bilang nakatatanda.
"Sinabi ko naman sayo di'ba, ganyan kita kamahal."
Natigil siya sa paghakbang ng makarinig ng boses ng lalaki. Nawala ang sakit ng paa niya ng maalala kung kanino ang pamilyar na boses na 'yon. Nagmamadali siyang naglakad sa likuran ng bahay.
Tama nga siya, kay Balot ang boses na narinig niya.
Naningkit ang mata niya ng makita kung paano nagtitigan ang dalawa na para bang silang dalawa lang ang tao sa paligid.
"Letlet!" Malakas na tawag niya sa pinsan niya, pero hindi man lang siya nito nilingon. Alam niya na narinig siya ng dalaga, pero mukhang wala itong pakialam sa paligid dahil kay Balot lang nakatuon ang atensyon nito.
"Ahhh, ang paa ko!" Hinawakan niya ang paa at umupo. Todo ngiwi siya para magmukhang nasasaktan talaga siya.
Pero imbis na si Letlet, ay si Balot pa ang lumapit sa kanya.
"Pinsan, kaya mo ba maglakad?" Tanong ni Balot.
This is bullshit! Bakit walang pakialam si Letlet sa kanya? Nakapamewang lang 'to habang nakatingin sa kanya.
Alam ba nito na umaarte lang siya?
"Hindi, ang sakit ng paa ako!" Mas lalo niya pinag igihan ang pag arte niya, kahit gustong-gusto na n'yang sipain si Balot palayo sa kanya.