Chapter 4: Bugbog

191 15 2
                                    

Flashback...

Laxxus POV

DALAWANG araw na buhat nang hindi umuwi ang aking magulang. Wala rin alam si Aling Berna kung saan sila nagtungo. Nasa kusina ako nang biglang bumukas ang pinto kaya lumingon ako.

Nakita ko ang aking Ina na lupaypay ang katawan at tila ginahasa sa kaniyang hitsura, kasunod nito sa kaniyang likuran ang aking Ama na puro pasa ang mukha.

Ano ang nangyari sa kanila? Iniwan ko ang pinggan na pinagkainan ko at dinaluhan silang pareho.

"Nanay, Tatay, ano po ang nangyari sa inyo?" tanong ko. "Saan po ba kayo galing?"

Hindi sila umimik. Rinig ko ang mabilis na paghinga ng aking Ina. Hindi ko mawari kung ano ang problema. "Ayos lang po ba kayo?" kapagkuwan ay tanong ko ulit.

"A-Ayos lang..."

Pinaupo ko silang pareho sa sira-sirang sofa bago kumuha ng tubig na maiinom. Nang maibigay ko iyon sa kanila ay nagsalita ang aking Ama kaya natigilan ako.

"Laxxus, kung ano man ang nakita mong itsura namin ng nanay mo ngayon, huwag mong ipagsasabi sa iba." usal nito.

"Ano ba ang nangyari? Saan ba kayo galing?" naiiyak kong tanong. "Dalawang araw po akong naghintay, akala ko iniwan niyo na ako..."

Nagsalita si Nanay, "naghanap lamang kami nang trabaho ng tatay mo. Magpahinga ka na roon at maaga pa ang iyong klase kinabukasan," aniya ni Nanay.

Ngumiti lang ako ng pilit sa kanila kahit alam kong may hindi sila sinasabi sa akin kaya inintindi ko na lamang. Nagtungo na ako sa aking silid at humiga. Pinakinggan ko ang buong paligid. Nakarinig ako ng bulungan mula sa kabilang silid.

"Maling trabaho ang pinasok mo, Berto!" inis na wika ng aking Ina. Anong trabaho ba iyon?

"Wala na akong maaaring pwedeng pasukan, Erlinda. Tanging iyon lamang ang ibinigay sa akin, natatakot rin ako." sagot naman ng aking Ama.

Bumangon ako sa aking higaan at sumilip sa maliit na butas sa dingding namin. Nakita ko ang hawak ni Tatay na isang baril.

"Berto, p-pinatay mo ba ang Mayor ng kabilang distrito?" muling tanong ni Nanay na siyang ikinabigla ko.

May pinatay si Ama at iyon ang bagong trabaho niya. Mabilis akong napaatras at nagsumiksik sa aking higaan. Yakap ko ang aking binti habang pinapakinggan ang kanilang bangayan. Hindi ko lubos maisip na kayang patayin ni Ama ang Mayor sa kabilang distrito.

"Mali ang ginawa niya, Erlinda. Pumapatay rin siya ng mga inosenteng katulad natin, kaya kinakailangan ko siyang iligpit dahil iyon ang utos sa akin," muling sambit ni Tatay.

"Pero mali ka rin, Berto! Pinatay mo ang tao kahit walang kasalanan sa iyo!" pigil inis na rinig kong sambit ni Nanay.

Hindi umimik si Tatay, natahimik ang kabilang silid kaya maingat akong lumabas sa aking silid, nakarinig ako nang kaluskos mula sa labas kaya dahan-dahan akong nagtago sa gilid ng bintana.

"Hanapin niyo ang mag-asawang iyon dahil kailangan nilang pagbayaran ang kasalanan nila," rinig kong sambit ng lalaki mula sa labas.

Napatakip ako sa aking bibig. Natakot para sa aking magulang maging sa aking sarili. Muli ko silang pinakinggan ngunit tila wala na sila sa labas. Sa ibang direksyon na yata sila nagtungo kaya nakahinga ako ng maluwang.

Bumalik ako sa aking silid at muling humiga sa kama at natulog na. Paggising ko sa umaga, naabutan ko na nagtitimpla ng kape ang aking Ina. Nakaupo na rin sa hapag si Tatay na tila wala lang ang mga pasa sa kaniyang mukha.

Defiant Youth Series # 12: Unwanted Justice (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon