6. Mission

103 16 0
                                    

[Lance]

KAGABI pa napansin ni Lance na may kakaiba kay Letlet. Halos hindi mawala-wala ang ngiti sa labi nito.

Nagdududa tuloy siya na baka nakipagkita 'to kahapon kay Balot.

Hindi niya mapigilan ang mainis sa naisip. Ang tigas talaga ng ulo ng dalaga! Walang kahirap-hirap na hinati niya ang mga kahoy gamit ang palakol.

"Ingat, Kuya Lucian,  baka maputol na talaga ang paa mo n'yan." Paalala ni Letlet na halos mapunit ang labi sa kakangiti.

Inis na binagsak niya ang palakol.

"Anong nginingiti-ngiti mo, ha?" Hindi nakatiis na tanong niya. "Nakipagkita ka ba kahapon sa kanya? Di'ba sabi ko naman sayo na bata ka pa?"

May pagtataka na bumakas sa mukha ng dalaga. "Oh, ano naman kung nakipagkita ako? Ano bang masama do'n?"

Naisabunot niya ang kamay sa buhok dahil sa inis. "Damn!" Mura niya bago iniwan ang dalaga.

Kailangan n'yang gumawa ng paraan para mapaghiwalay ang dalawa. Masyado ng nahuhumaling ang pinsan niya sa lalaking 'yon kaya naman kailangan na n'yang kumilos.

[LetletScene]

"ANONG PROBLEMA NO'N?" Takang sinundan ng tingin ni Letlet ang binata.

Hindi niya akalain na ganito pala ang ugali ng pinsan niya. Sa mga litrato kasi noon na pinapakita ni Lola Asun ay mukhang tahimik at mabait 'to. Pero hindi pala dahil paiba-iba 'to ng ugali na hindi niya maintindihan minsan.

"Hindi kaya dahil sa aksidente ay naalog ang utak ni Kuya Lucian?" Natuptop niya ang bibig.

Nakakaawa naman 'to kung gano'n! Kailangan na masabi niya sa Lola niya na may tama na sa utak ang pinsan niya. Sayang ang gwapo pa naman at maraming nagkakagusto na kababaihan rito. Kaya lang ay mukhang may sira na sa ulo.

Pagkatapos ng gawaing bahay ay nagpunta siya sa bahay nila Birang para malaman kung nakaalis na ba si Balug. Aalis ang ilang kabinataan sa kanila para pumunta sa kapatagan at do'n nga siya bibilhan ng lipstick ni Balug.

Natigilan siya ng makita na nag uusap si Balug at ang pinsan niya. Kumaway sa kanya si Balug ng makita siya, samantalang ang mukha ni Kuya Lucian ay parang galit.

Kanino? Kay Balug ba o sa kanya?

"Hindi ka pa nakakaalis?" Tanong niya kay Balug ng makalapit siya rito. Hindi niya tinapunan ng tingin ang pinsan niya.

Kumamot sa ulo ni Balug. "Hindi na kami makakaalis dahil nasira ang bangka namin. Kagabi naman ng mag-inspeksyon kami ay wala 'yong butas, pero ngayon ay mayro'n na."

Hindi niya mapigilan ang malungkot. Akala niya ay magkakaroon na siya ng lipstick! Mukhang hindi talaga para sa kanya ang pagkakaroon ng gano'ng gamit.

Tumikhim si Kuya Lucian kaya napatingin siya rito. Teka, bakit parang may kakaiba sa ngiti nito? Nagkibitbalikat nalang siya at tumalikod na.

"Teka lang, mahal ko—"

"What did you say?!" Putol ni Lucian kay Balug na bahagya pang ikinapitlag nilang dalawa ni Balug.

"Teka, pinsan—"

Hindi na natuloy ni Balug ang sasabihin ng hilahin siya ni Kuya Lucian sa braso paalis.

"Mahal ko? Really?" Halos umusok ang ilong ng pinsan niya.

"Aray naman, bitiwan mo nga ako! Masakit kaya!" Daing niya habang pilit na hinihila ang braso rito.

"Tumahimik ka nga, Letlet! Tuwang-tuwa ka ba kapag tinatawag ka n'yang mahal? Ang baduy lang!"

Masama silang nagtinginan ng bitiwan siya nito. "Bakit ba bigla ka nalang nanghihila? Saka anong natutuwa ang sinasabi mo d'yan?"

HIS ISLAND GIRL [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon