💟CHAPTER 2💟

1.2K 35 0
                                    

"Good morning Ma'am Zyrelle" bati kay Zyrelle pagkapasok niya sa restaurant na dati ay pag-mamay ari niya pero ngayon sa ate Katherine niya na. It's very okay to her and she's happy for that.

"Hoy binabati ka bumati ka naman pabalik." sabi ng lalaking nasa likod niya. Bakit pa kasi kailangan pa nitong kasama siya? Bwisit eh!

"Good morning din. Where is ate Katherine? Is she already here?" tanong niya sa waitress.

"Zyrelle!" boses palang nito ay Alam niya na kung sino ito. Buti naman maikukwento niya dito ang Inis niya. Agad siyang lumapit dito at yumakap.

"Woi Brix anong ginagawa mo dito? Magkasama kayo? Ano to date?" mapang-asar na tanong nito sa kanila.

"Of course not!" giit niya.

"Pwede na rin." sabi naman ni Brix tsaka siya nginisian. Inirapan niya lang ito.

"Mag-iinisan na lang ba kayo? Sabagay mauuwi rin yan sa love." mahina pa itong tumawa.

"Magbrebreakfast lang yan dito. Umalis kasi ito ng bahay nila ng hindi pa kumakain. Pinapapunta dito ng asawa mo." napatingin ang ate Katherine niya kay Brix ng magsalita ito. Saka sumupil ang mga ngiti sa labi nito.

"Shut the hell up! No one's asking." naiinis niyang sabi. Dahil baka pati ang ate Katherine niya ay tuksuhin sila. Agad na hinawakan ni Brix ang braso niya at hinila na siya papunta sa table nila. Hindi pa rin naman kasi ito kumakain.

Ang ate Katherine niya naman ay Umalis muna dahil kailangan nitong kamustahin si baby Khiffer na naiwan sa bahay ng mga ito. Mayroon naman itong maid na nagbabantay dito na mapagkakatiwalaan.

"Ano ba? Why are you holding me? Ang sakit ng pagkakahawak mo." reklamo niya. Pero hindi naman siya nito pinansin.

"Ang ayoko sa lahat ay yung sinisigawan ako at yun ang ginawa mo." seryoso ito at nakakatakot ang paraan ng pagtitig sa kanya ng binata.

"Why are you following my brother's order? Pwede namang kahit hindi mo na ako samahan diba? You know he's just joking when he said he will fired you." nakatingin lang ito sa kanya habang nagsasalita siya.

"Sino bang may sabing sinusunod ko siya. Ginagawa ko ito dahil gusto ko." maikli nitong sagot sa kanya.

"Don't you know how to be nice? Infront of me?"

"Sayo pa talaga nanggaling yan huh."

"What?" hindi niya kasi magets ang sinasabi nito.

"Wala, ayan na yung pagkain mo kumain ka na. Nakakahiya naman Sayo Baka ako pa sisihin mo kapag nagutom ka. Masyado kang maattitude." dumating na ang pagkain pero wala pa siyang inoorder. Tumingin siya sa direksyon kung asan ang ate Katherine niya nakangiti lang ito.

"Hey won't you eat with me?"

"Napipilitan ka lang."

"No I'm not!" giit niya. Akmang magsasalita pa siya. Pero pinasakan na nito ng tinapay ang bibig niya. At tsaka mahina itong tumawa na sinamaan niya naman ito ng tingin.

"Stop talking Zyrelle, just eat." gaya ng sinabi niya hindi na nga siya nagsalita. Paano siya napasunod ng lalaki?

"Ano may gusto pa ba kayo?" nakapokus lang sila sa pagkain. Kaya hindi nila napansin na lumapit na pala si Katherine.

"It's okay na ate Thank you." sabi niya at ngumiti dito.

"Woi baka matunaw yan!" agad namang umiwas ng tingin si Brix dahil sa sinabi ng ate Katherine niya.

"Yung Kuya mo pala kamusta? Nagsusungit ba? Ano sinisigawan ka? Yayariin ko." napatawa na lang siya sa sinabi ng Ate Katherine niya. Si Brix naman ay seryoso pa rin ang mukha.

"Allah nahawa ka na sa asawa ko? Snob ka na rin bro?"

"Alam mo Kath lalo kang dumadaldal ayos na rin yun kaysa nagsusungit ka." Mukhang pinariringgan siya nito.

"Ate Katherine si Khatey? How is she?"

"Okay lang naman. Namimiss din yung mansion. Ako rin naman pero ganun talaga kailangang humiwalay. Kaya kapag naging mag-asawa na kayo. May sarili na kayong bahay. Tapos engineer pa ang asawa mo. Diba Brix?" walang iyong imik. Pero alam niya deep inside tuwang tuwa ito sa mga naririnig.

"Huwag mong asarin. Baka sa akin na naman ibunton ang inis niya." saway nito kay Katherine. Pero tumawa lang ito.

"Sabi ni Zaiji may ichichismis daw siya mamaya sa akin. Namimiss ko na ang lokong yon. Galing mang-asar pero kapag may Xyrinne tiklop amp."

"Ohmy kailangan ko ng bumalik sa company. Kuya is waiting there. Got to go. Bye ate Katherine." naubos niya na rin naman ang inihain sa kanya at busog na siya. Agad siyang tumayo at naglakad paalis doon.

"Hoy ano to walk outan na? Zyrelle! Para malayo sa topic? Bantayan mo nga yan Brix. Alam mo ang bagal mo kumilos bro. Maunahan ka pa ng iba diyan eh." rinig niyang kantyaw nito kay Brix. Dali dali siyang lumabas sa resto. Pero aaminin niya hindi siya naiinis sa mga inaasar nito sa kanya. Nakakaramdam pa siya ng saya na hindi niya alam ang dahilan.

Akma siyang papara ng taxi pero may humawak sa braso niya.

"What do you think your doing? Pareho lang naman tayo ng pupuntahan."

"I don't want to be with you."

"Well you don't have a choice." ngiting sabi nito at ito na rin ang nagpasok sa kanya sa kotse nito. Gusto niya dun sa passenger seat pero sa shot gun seat siya napunta. Medyo magkatabi sila!

Habang nasa byahe ay wala siyang imik. Nakatingin lang siya sa bintana. Kinuha niya ang cellphone niya. Ang wallpaper nun ay si baby Khiffer na kamukhang kamukha ng ate Katherine niya. Gusto niya pag nagkaanak siya kamukha niya rin.

"He looks like Katherine. Quits na sila dahil kamukha ng kuya mo si Khate eh." hindi niya napansin na Nakatingin din pa la si Brix doon.

"Do you have a sister or a brother?" kaya napatitig ito sa kanya.

"I have a sister but she's not here pati ang parents ko." agad siyang na curios. Kung ganun asan ang mga ito. Baka pa—

"Huwag mo ng ituloy ang iniisip mo hindi pa sila patay. Nasa ibang bansa lang." kailangan pa ito naging mind reader. Halata naman kasi sa mukha niya.

"Eh bakit hindi ka nagstay by their side? You don't want to be with them?"

"I came back for Katherine. I thought na magkakaroon na ako ng pag-asa sa kanya but it seems she already have her own happiness with your brother. But I'm okay now." Alam niyang matagal na itong walang pagtingin sa ate Katherine niya.

"So your going back to States? Paano ang work mo sa company namin?" Hindi niya Alam pero napangiti ito sa tanong niya. Pwede naman pala silang mag-usap ng hindi nag-aaway eh.

"Nope, hindi muna ako babalik Doon. Well kung gusto mo pwede mo naman aKong pigilan kung aalis man ako."

"You wish." natawa naman ito sa sinabi niya. Irap nalang ang ginawa niya. May soft side rin pala si Brix. Pero napangiti siya nito.

"Just smile Zyrelle. Mas maganda ka kapag nakangiti." and after he say that. Her heart beats fast.

A/N: Sweetness overload. Seas fire muna daw sila. Maya tuloy ang bangayan😂 Comment your reactions please, gusto ko po kasing binabasa mwehehe dahil naiinspire ako sa mga comments niyo mwahh labyu all💟

I love you and I hate thatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon