Detective Guerrero's POV
Habang nahuhulog ako sa himpapawid pinilit kong hindi gumawa ng kahit anong ingay, sa loob-loob ko sumisigaw na ako ng bongga!
Sa isang iglap tinulungan ko ng mga hangin para hindi ako mahulog ng tuluyan. Nanlamig ang buong katawan ko dahil hawak ako ng hangin, na patingin ako kay Aime. Ngumiti lang ito sa akin saka na ako ibinababa sa hindi kami makikita ni Talagbusao.
"Bakit ka naparito? Alam mo bang magagalit sayo si Basilio kapag nalaman nyang na andito ka?" pa bulong na sabi ni Hannah.
"Buntis ka ba, Aime?" tanong ko. Nagkatinginan sila bago tumingin sa akin, "Paano mo na laman?" gulat na tanong ni Aimee, sumukip ang dibdib ko pero kinayanan kong ngumiti ng pilit sa kanila.
"Kailangan kong gisingin ang kambal!" bulong ko para ibahin ang topic ng pinag uusapan namin.
"Ang kambal o si Basilio?" tanong ni Aime na ikinatigil ko. "Hindi na ako mamimili pa sa kanila dahil parehas nilang kailangan ng tulong, hindi nyo ba nakikita ang nangyayari sa kanila?" tanong ko at nagkatinginan sila.
"Ano ang plano mo, Detective Guerrero?" tanong ni Hannah sa akin. "Hangga't maari proteksyonan nyo si Paps, sya na lang ang natitira sa akin..." pag mamakaawa ko sa kanila. "Ako ng bahala sa kambal" dagdag ko saka hinigpitan ang hawak sa kristal.
"Pano si Datu Talagbusao?" tanong naman ni Aimee. "Hindi kami mapapanatag kung ikaw lang ang susugod sa kanya" dagdag nito.
"Kahit ako na lang ang masaktan, wag lang ang mga mahal ko" sabi ko saka sila tumango. Tumakbo ako papunta kay Paps kasama ang mga hangin, hinawakan ko ang kamay ni Paps. "Babalik ako, Paps" sabi ko sabay kuha ng baril sa kamay nya.
Aalis na sana ako ng hawakan nya ang kamay ko, umiiling sya at hirap ng magsalita. "Kailangan kong gawin to, Paps" sabi ko at niyakap sya.
"Ingatan nyo ang ama ko. At mag iingat ka lalo, Aime" sabi ko. Pagkatapos noon ay pinaubaya ko na si Paps sa kina Aime at Hannah.
Sa totoo lang wala akong plano. Patuloy lang ako sa pagtakbo habang masinsinang kinakausap ni Talagbusao si Ate Trese, di ko na malayang kasunod ko na si Maliksi. Hinila nya ang kamay ko saka ako sinakay sa likuran nya.
"Hindi ko alam na matapang ka pala, Detective Guerrero" sabi ni Maliksi. "Nagmana ako kay Captain Guerrero" sagot ko na ikinatawa ni Maliksi.
"Kahit hindi kayo tikbalang, pangakong papaulanin ko kahit maaraw sa araw ng kasal nyo ni Basilio, kinikilig ako sa inyo. " sabi nito na ikinunot ng noo ko. Sino ba namang magbibiro sa gitna ng laban?
"Walang kasal na magaganap, Maliksi" sagot ko.
Habang na sa likuran kami ni Talagbusao tinutok ko na ang baril saka pinaputok iyon. Sa hindi inaasahan na pansin kami ni Talagbusao at na proteksyonan agad ang kanyang sarili. Nagawa nyang pabalikin ang mga bala papunta sa amin.
"Bilisan mo, Maliksi!" sigaw ko ng bilisan ni Maliksi ang pagtakbo nya. Sa sobrang bilis ng bala tumama ang ilan sa paa ni Maliksi dahilan ng pagtumba nya kasabay iyon ng pagtalsik ko mula sa likuran nya.
May balang tumama sa balikat ko sa pagtalsik na iyon saka ako tuluyang nahulog sa lupa. Napasigaw ako sa sakit, tinignan ko ang kaliwang balikat ko na may bumaon na bala. Tumulo ang luha ko pero hindi iyon ang nagpatigil sa akin para mabaling ang atensyon ni Talagbusao sa akin.
"Ako na lang ang patayin mo, Talagbusao!" sigaw ko. Maraming dugo na ang umaagos sa sugat ko pero patuloy parin ako sa pagsigaw. "Ako na lang, Talagbusao!" sigaw ko.
Napansin ako ni Maliksi sa di kalayuan, nakahalandusay parin ito at di makagalaw dahil sa natamong sugat mula sa bala. "Detective, wag!" nanghihinang sabi ni Maliksi pero nagawa nya paring sumigaw para patigilin ako.
"Tangina mo, Talagbusao sabing ako na lang e" sigaw ko pero hindi parin sya natingin sa akin. Pinilit kong tumayo mula sa pagkakahiga sa lupa habang hawak ko ang balikat ko at pinipigilan ang pag agos muli ng dugo.
Habang patuloy ang pag agos ng luha ko bigla kong nakita ang mama ko na nakatayo sa harapan ko. Hindi makapaniwala ang mga mata ko sa nakikita ko, yung mama ko naririto!
"M-mama?" tanong ko ng ngumiti ito saka lumuhod para hawakan ang mukha ko. Naka puti ito, malamig ang haplos nya sakin pero alam kong nararamdaman ko ang init ng pagmamahal nito sa akin.
"Na saktan ang anak ko.." sabi nya. "Ang baby ko.." dagdag nya. "Hindi mo na kailangan pang lumaban." sabi nya pero napailing ako. "Hindi.. Kailangan ko pang lumaban, Ma" sabi ko habang pinupunasan nya ang mga luha ko.
"Na andito na si Mama para protektahan ka, hindi mo na kailangan pang lumaban" sabi nya pero napailing ako. "Nais kong malaman mo na biniyayaan yan ni Basilio para maprotektahan kita at masubaybayan." sabi nya sabay turo sa kristal na hawak ko.
"Alam nya ang lahat patungkol sayo, at nagpapasalamat ako dahil nakakasama kita sa bawat sandali na hindi ko naibigay sa iyo."
"Kaya.. Hindi mo na kailangang lumaban, anak. Naririto ako at si Basilio... Ang tanging sagot ay Naririto sa puso mo. Alam mo ang sagot anak," sabi nya saka unti-unting naglaho na parang bula.
Pinilit kong abutin sya pero hindi ko nagawa, "Mama!" sigaw ko. Humagulgol ako, puno ng tanong ang nasa isip ko at wala akong kakayanang mag isip pa. Ano ba kasi ang sagot?
"Naririto ako at si Basilio.."
".. Si Basilio.."
Tama, si Basilio nga ang sagot! Tumingin ako sa gawi nina Basilio saka tumango. "Basilio!" sigaw ko saka hinampas ang lupa ng tatlong beses habang ang kristal ay nasa kanang kamay ko malapit sa dibdib.
"Sinabi mong pupuntahan mo ako sa panahong kailangan kita, ngayon na ang pagkakataong iyon..."
Naputol ang mahikang kumakain kay Basilio at natanggal ang maskara nito, gayun din ang nangyari sa kay Crispin.
Nagulat si Datu Talagbusao ng maputol ang mahika nya sa dalawa. Inatake ng dalawa si Datu Talagbusao gaya ng sabi ni Ate Trese sa kanila, hindi ko na nakayanang manood pa sa pagpaslang nila kay Datu Talagbusao. Nagbu'blurred na ang paligid at sa kahit anong segundo ay mawawalan na ako ng malay. Makakaya nyo ito, Basilio.
(credits to the owner of the art)
BINABASA MO ANG
Americana // Reader x Basilio // Fanfiction
FanfictionReader x Basilio [Tagalog] 16+ (currently on hold) It starts with Alexandra Trese who works with Detective Guerrero, a supernatural investigator and daughter of Captain Beau Guerrero. She's not a babaylan by blood but she's interested with those th...