Chapter 2: Handshake

29 2 0
                                    

Lalo akong natunganga nung inabutan niya ako ng panyo. Grabe na to ah, di ko na kaya! Nakakamatay sa kilig waaaaaah. 

ang sarap sumigaw !><

Eh kung ganun ba naman ka-gwapo ang katabi mo sa jeep tapos icocomfort ka pa, di ka ba kikiligin? Grabe lang talaga.

"Okay lang ako..." Ako naman si pa-cute. Punas effect ng pekeng luha ko.

Naisip ko... "Ang sama ko naman. Pinag-isipan ko ng masama tong si boy singit eh mabait naman pala. Pero in fairness mas gwapo siya kay koreano. Buti nalang gumitna siya!"waah ako na talaga bongga !;)

Natuwa pa ako pero nung una nainis ako. Keri lang.

Nag-ehem siya.

"Ate, kung okay lang naman... para malabas mo din yang saloobin mo, pwede mong sabihin sa akin yung bumabagabag sayo..."

Bigla niyang sinabi!

Ako na. Ako na hindi makahinga.

Bakit ba siya concern?

Bakit ba siya ganun?

Eh arte ko lang naman yun dahil akala ko holdaper siya!

Edi nag-isip agad ako ng pinaka magandang palusot.

"Wala...Hehe. Kasi, uhmm..." *sniff* *sniff* kunwari may hang-over pa sa pekeng iyak.

"Sige ate, okay lang." Sabi niya habang tinatapik ako.

GRABE HINDI KO NA KAYA. MABABALIW NA ATA AKO.

Yung spark eh.

Nandun yung SPARK!

AS IN S-P-A-R-K.

Kulang nalang pagtinginan kami nung mga tao at akalain na may something samin.

"Kung medyo personal, I respect your privacy naman... Basta, wag ka na umiyak ah?" Ngumiti siya sakin.

UTANG NA LOOB, BOY SINGIT. Tunaw na tunaw na ako. shet !  

napamura ako ng di oras .

Matapos ang ilang minuto, medyo tumahimik kaming dalawa. Nagtulug-tulugan nalang ako sa jeep para hindi awkward, baka sabihin niya suplada ako.

Kinuha niya yung cellphone niya at may tinype siya. Nagulat ako, pinabasa niya sa akin yung tinype niya.

ANG SABI:

"Ate, yung palda mo nililipad na ng hangin. Tinitignan ka na nung lalaki sa harap ko."

Tulug-tulugan nga ako kaya di ko napansin. BUTI NALANG! Katabi ko siya at binigyan ako ng babala.

Napa-buntong hininga ako. "Thank you ulit ah..." Humarap ako sa kanya at nag smile. Pero, hindi ko na tinagalan yung pagtingin sa kanya baka matunaw lang ako.

Ang gwapo niya talaga.

SOBRA.

Hindi mo aakalain na sa rockstar-slash-badboy image niyang yun, eh good boy naman pala siya. Pala-ngiti pa.

Eto, ikukumpara ko ulit siya sa isang kpop idol. Yung eye-smile ni Sunggyu ng Infinite?

GANUN NA GANUN NGUMITI SI BOY SINGIT.

Kaya nga ayun... hindi ko na siya tinitigan.

Masyado siyang gwapo.

Medyo kinikilig na ako. Sino ba naman hindi kikiligin? Gwapo na ang katabi, gentleman pa.

"Aahh.. Nicklaus nga pala." inabot niya yung right hand niya sa akin.

SYEMAY.

SYEMAY.

SYEMAAAAAYYYY.

YUNG KAMAY NIYA. YUNG KAMAY NIYA. YUNG KAMAY NIYA.

INABOT NIYA SAKIN!!!

shet, nakukuryente ako bigla .  

syemay kang gwapo ka! baka maihi ako dito sa sobrang kilig :/

Edi lalo na akong naloka sa upuan ko.

"Hala, makikipag-shake hands ba ako? Baka sabihin ng mga tao feeling close kami!"

"Hala, di ko ba papansinin yung kamay niya? Baka isipin niya snob ako!"

Yan yung mga bagay na bumabagabag sa utak ko nung inabot niya yung kamay niya. Tinignan ko yung mga tao sa jeep. Hindi naman sila naktingin sa akin, kaya...

NAKIPAG-HANDSHAKE NA AKO KAY NICK.

"Solange po."

Bulong ko sa kanya.

"Ay. Hehe. Solange. Hello!" Ngumiti nanaman siya. Nakikita ko si Kim Sunggyu sa kanya! Ano ba.

A/N: HAHAHAH ako lang yata kinilig sa storya ng bruhang to eh ><  

Please vote po, comment na rin ah para masaya :)) hihihhi

~Littlemissmofo

Unexpectedly Falling ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon