Chapter 5: Dead

179 13 1
                                    

Flashback...

Laxxus POV

ISANG nakakagimbal na umaga ang bumungad sa akin pagkalabas ko sa aming bahay upang pumasok sana sa paaralan. Nagkakagulo ang mga tao sa paligid at mabilis akong dinaluhan nila Aling Berna at ang kaniyang pamangkin.

"Laxxus..." kinakabahan na pagtawag sa akin ni Aling Berna. Kumunot ang aking noo dahil batid ko ang takot sa kaniyang mga mata.

"A-Anong nangyayari, Aling Berna? Bakit nagkakagulo ang mga tao sa direksyon na iyon?" sunod-sunod kong tanong. Hinawakan nito ang aking kamay at humagulgol.

"Ang Nanay at Tatay mo..." aniya, "Laxxus patay na ang mga magulang mo," dugtong nito.

Tila nabingi ako sa kaniyang sinabi, bagsak ang balikat ko na nakatingin sa kaniya na puno ng pagtataka sa aking mukha.

"N-Nagkakamali... nagkakamali po kayo, Aling Berna," usal ko, "nasa presinto po ang mga magulang ko ngayon dahil dinampot sila ng mga Pulis kahapon," sagot ko.

Hinila niya ako, nakasunod lamang ang kaniyang pamangkin sa aming likuran hanggang sa naririnig ko na ang mga sinasabi ng mga tao.

"Walang awang pinatay si Erlinda at Berto, kawawa naman ang anak nila."

"Paano ngayon si Laxxus, ang gwapong bata pa man din niya."

Nang marinig ko ang mga pangalan na binabanggit nila, tila ako naging kabayo sa bilis na pagtakbo patungo sa kinaroroonan ng bangkay na sinasabi nila. Nagitla ako, bagsak ang balikat at biglang tumulo ang luha ko nang mapansin ko ang kasuotan ng dalawang tao sa harap ko.

Gutay gutay ang damit, puno ng saksak ang kanilang katawan at may bala ng baril sa kanilang noo. Tila walang awa silang pinaslang ang aking mga magulang. Napaluhod ako habang puno ng luha ang aking mga mata.

"N-Nanay... T-Tatay," mahinang usal ko. Dinaluhan ko ang kanilang katawan na puno ng dugo. "s-sino... sino ang may gawa nito sa inyo?" umiiyak kong tanong.

Maraming bulungan ang aking naririnig sa buong paligid ngunit wala akong pakialam, tulala lamang akong nakatingin sa bangkay ng aking mga magulang at taimtim na humuhugot ng lakas kung paano ako mabubuhay ng mag-isa.

Nagbabakasakali akong isang panaginip lang ito kaya ipinikit ko ang aking mga mata ngunit sa makalipas na minuto ay may tumapik sa aking balikat kaya dumilat ako.

"Hijo, kukunin na ng mga otoridad ang bangkay ng magulang mo," pagbibigay alam sa akin ni Aling Berna. Tumango na lamang ako bago tumayo nang lumapit ang mga otoridad sa kinaroroonan namin.

Iniligpit nila ang bangkay ng aking mga magulang, nanatili akong nakayakap kay Aling Berna habang umiiyak at pinagmamasdan ang papaalis na sasakyan ng mga otoridad.

"AAling Berna, anong rason ang pagkamatay ng aking mga magulang?" tanong ko. "Bakit ganito kanilang sinapit?" dagdag kong tanong.

Iniharap niya ako sa kaniya, "hindi natin alam, hijo. Hindi ko rin alam kung ano ang nangyayari sa magulang mo... pero narinig ko na pinatay ng Ama mo ang Mayor ng kabilang distrito," sagot niya.

"H-Hindi naman po magagawa ni Tatay ang bagay na 'yan kung walang dahilan hindi po ba?" Nagbabakasakaling mali lamang ang kanilang paratang sa aking magulang.

"Hindi ko alam, Laxxus ngunit alam ng Diyos kung sino talaga ang may sala," sagot sa akin ni Aling Berna.

"Ano na po ang gagawin ko ngayon? Mag-isa na lamang po ako."

Niyakap niya ako, "narito ako, hijo, hindi ka namin iiwan sapagkat maaari mo rin akong tawagin na Nanay kung gugustuhin mo," naluluhang sagot nito.

Naguguluhan at mabigat ang dibdib na umuwi ako sa aming bahay, dumiretso ako sa silid ng aking magulang at pinakatitigan iyon hanggang sa matulala na naman ako at maalala kung paano sila mag-away.

Pagod ang aking mata sa pag-iyak, hindi ako kumain noong sumapit ang gabi. Dumalaw naman si Aling Berna na may dalang pagkain ngunit hindi ko rin iyon ginalaw. Iniwan na lamang niya ako upang mapag-isa.

Inayos ko ang mga gamit ng aking magulang. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pagpapalibing sa kanila kaya kahit pasado alas otso nang gabi ay lumabas ako para kumita ng pera.

May nadaanan akong mga bata sa lansangan, may natutulog, mayroon rin namamalimos. May mga dumaraan pa kasing saksakyan at malapit rin kasi sa mga Unibersidad. Naaawa ako sa kanilang kalagayan, wala silang bahay na matitirhan samantalang ako ay mayroon ngunit wala naman ang aking mga magulang.

Gumilid ako sa lansangan, tumingala sa kalawakan, walang bituin at wala rin buwan na nagpapatingkad rito. Madilim ang langit at tila magbabadya nang umulan. Pagkalipas ng ilang oras na pananatili sa lansangan, bumuhos ang malakas na ulan. Wala akong pakialam kung ako'y nabasa na, hindi ko rin naman ramdam ang lamig.

Tulala lamang ako at tanging naririnig ay ang mga ugong ng sasakyan na dumaraan hanggang sa tumila ang ulan tsaka ko lang naisipang umuwi muli sa aming bahay. Nagbihis ako bago nahiga sa aking kama.

"Paano ako ngayon, kung wala na kayo... Nay, Tay," wika ko.

Isang malakas na hangin ang yumakap sa aking katawan dahil bukas ang bintana sa aking silid. Pinakiramdaman ko iyon kaya pumikit ako at muling inisip na sana... sana yakap iyon ng aking mga magulang. Sana panaginip lang ang lahat ng ito, ayaw kong saksihan ang bawat araw na wala ang aking magulang.

Ano nga ba ang magagawa ng sampung taon na katulad ko? Oo at malapit na akong makapagtapos sa elementarya pero kahit ganoon, gusto ko rin na makita ng aking magulang ang pinaghirapan ko pero wala... hindi ko na sila muling masisilayan pa.

"Pangako, kayo ang unang pag-aalayan ko sa bawat makamit kong pangarap. Kayo ang magsisilbing lakas ko upang maabot lahat ng iyon, Nay, Tay."

Ipinikit ko ang aking mga mata pagkatapos kong banggitin ang katagang iyon at tuluyan na nga akong hinila ng aking antok.

Siguro nga ay oras na nang aking mga magulang upang mamaalam sa mundong ibabaw, hindi naman kasi natin alam kung hanggang saan ang hangganan ng kanilang buhay kaya hindi natin iyon masasabi at mapagdedesisyunan.

Kailangan kong mabuhay ng mag-isa. Kailangan kong maging matatag at matapang para harapin ang realidad. Kailangan kong bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng aking magulang hindi man ngayon, ngunit balang araw... balang araw ang katarungang nais ko ay makakamit ko rin ng tuluyan. At sana, ang batas ay maging pantay, pantay sa kung paano nito husgahan ang inosente at mga kriminal.

"Pangako, magtatapos ako..."




To be continued... 

Defiant Youth Series # 12: Unwanted Justice (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon