Chapter 6: Pagtatapos

185 13 0
                                    

Present

Laxxus POV

LUMIPAS ang ilang buwan at naging tahimik ang aking pamumuhay mula noong mamatay ang aking magulang at dahil na rin sa tulong ni Aling Berna, natanggap ko ang kanilang biglaang pagkawala.

Hindi naman lahat ng tao ay mabubuhay kung hanggang kailan nila gusto. Isang malaking natutunan ko sa aking buhay ay, kung oras mo na at kinakailangan mo nang bumalik sa pagiging abo, hindi mo iyon mapipigilan kung mismong Diyos na ang may gusto dahil hiram lang natin ang ating buhay sa kaniya.

Ngayon, ito ang pinaka-espesyal na araw ko dahil ngayon, ay araw ng aking pagtatapos sa elementarya at ang magsasabit sa akin ng medalya ay si Aling Berna. Hindi ko lubos akalain na sa murang edad, mag-isa akong mabubuhay at walang magulang na gumagabay.

Nakahanda na ako, hinihintay ko na lamang si Aling Berna sa tapat nang kaniyang tindahan. Ibinili pa niya ako ng bagong uniporme at sapatos dahil raw magtatapos na ako. First Honor ako sa aming klase na siyang ikina-inggit at ikinagalit ng kaklase kong si Vina. Nagalit rin sa akin ang kaniyang magulang nang malaman ang resultang iyon. Hindi ko naman kasi kasalanan kung mas magaling ako sa klase kaysa sa kaniya na puro panlalait ang nasa isipan.

"Halika na, Laxxus at baka ma-huli pa tayo sa seremonya," sambit ni Aling Berna sa akin. Tumango na lamang ako sa kaniya na may ngiti sa aking labi.

Naglakad na kami patungo sa sakayan ng traysikel para hindi raw kami mapagod kung lalakarin namin ang papunta sa eskwelahan. Sobra ang pasasalamat ko sa kaniya dahil siya na mismo ang tumayong magulang ko.

"Maraming salamat, Aling Berna." Mula sa kawalan kong sambit sa kaniya.

Sumulyap ito sa akin at ngumiti, "walang anuman, Laxxus. Maligayang pagtatapos sa iyo at sana makamit mo pa ang mga pangarap mo."

Nginitian ko na lamang siya. Lumipas ang ilang minuto ay nakarating kami sa tapat ng aming paaralan. Maraming sasakyan na pang-mayaman dahil siguradong may mga award rin ang kanilang mga anak.

"Pumasok na tayo, hijo. Ang gwapo mo talagang bata ka!" natatawang usal nito.

"Si Aling Berna naman, gwapo nga ako mahirap naman," giit ko sa kaniya. "tsaka, ano naman ang silbi ng kagwapuhan ko kung wala akong pinag-aralan," dagdag ko pa.

Umakto ito na parang pipingutin ang aking tainga ngunit natawa na lamang ito. Tinungo na namin ang gymnasium at sinalubong naman kami ni Bb. Marga na may ngiti sa labi.

"Maligayang pagtatapos, Laxxus." bati niya.

Nginitian ko siya, "Maraming salamat, Bb. Marga. Hindi ko po ito makakamit lahat kung wala po kayo upang turuan kami."

"Nako! Ikaw talagang bata ka, dali na at maupo na kayo roon sa nakalaan niyong pwesto," sabi niya sabay turo sa pwesto namin ni Aling Berna.

Tumango ulit ako at iginaya si Aling Berna sa aming uupuan. Nang maka-upo, inilibot ko ang aking tingin ngunit dumako iyon sa kinauupuan ni Vina na masama ang tingin sa akin.

Nginitian ko na lamang siya, tipong wala akong pakialam sa masama niyang titig. Kung hindi niya matanggap na hindi siya ang ang First honor ay wala na akong magagawa kung hindi tumahimik na lang. Hindi lang siguro para sa kaniya ang award na iyon dahil na rin sa masama niyang ugali.

Lumipas ang ilang minuto, nagsimula na ang seremonya ng aming pagtatapos. Nagbigay mensahe ang aming principal at ang ibang bisita kaya medyo tumagal ng kalahating oras.

Dumako ako pagbibigay ng award sa mga estudyante, inihanda ko na ang aking sarili dahil nasa pang-anim na baitang na ang kanilang tatawagan.

"Ang galing galing mo talaga, Laxxus." bulong na sambit sa akin ni Aling Berna. "hindi na ako magtataka kung makakakuha ka ng iskolarship sa isang magandang paaralan sa bayan kapag nagkataon,"

Nailing lang ako. "Mukhang malabo na iyon, Aling Berna." sagot ko.

Magsasalita pa sana siya ngunit natawag na ang aking pangalan. Tumayo na ako at sumunod rin si Aling Berna sa akin paakyat sa entablado. Ang iba ay pumapalakpak at ang iba naman ay may bulungan sa kanilang mga upuan.

Ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon nang isabit sa akin ng isa sa mga bisita ang medalya sa aking leeg.

"Congratulations, hijo." bati sa akin ng aming principal. Ngumiti ako sa kaniya at nakipagkamay.

"Maraming salamat po," pasasalamat ko.

Hindi kahirapan ang sanhi ng hindi pag-abot sa mga pangarap, kung magpupursige at nagsusumikap ka, kaya mo itong abutin kahit ilang beses ka pang tapakan ng mga tao sa paligid mo. Magtiwala lang sa sarili at hayaan mong maging bingi ang iyong tainga sa pakikinig sa sinasabi ng iba patungkol sa iyo.

Lumipas ang ilang oras nang matapos ang seremonya ng aming pagtatapos. Lalabas na sana kami ni Aling Berna upang makauwi ngunit hinarangan kami ng pamilya ni Vina. Bakas rin ang tila galit na ekspresyon sa kanilang mukha.

Nagtago ako sa likod ni Aling Berna dahil natatakot ako sa posibleng gawin ng Ama ni Vina.

"Hindi dapat ang batang iyan ang First honor, anak ng mamamatay tao!" inis na sambit ng Ina ni Vina.

Nakita ko ang pag-arko ng kilay ni Aling Berna rito, "Bakit? Kasalanan ba nang batang ito kung mas matalino siya kaysa sa anak mo?" sarkastikong tanong niya. "Palibhasa kasi, hindi niyo tanggap ang mga bagay na kayang higitan ng mga mahihirap katulad namin," dagdag pa niya.

"Dahan-dahan ka sa pananalita mo, tanda, baka ikaw ang sumunod sa libingan ng mga tao." may diin na sambit ng Ama ni Vina at tila may pagbabanta.

Humalukipkip si Aling Berna, "hindi ko kailangan ng banta ninyo dahil tapos na ang seremonya. Nagawaran na ng parangal si Laxxus kaya wala na kayong magagawa."

"Magnanakaw! Mahirap! Mamama-" naputol ang sasabihin ng Ina ni Vina dahil nagsalita si Aling Berna.

"Wala kang karapatan para apakan ang pagkatao ng bata, Mrs. At huwag na huwag mong malaitlait ang bata dahil mas kalait-lait pa ang ugali mo!" gigil na sigaw niya.

Hila ko ang damit ni Aling Berna, "hayaan mo na po..." nahihiyang usal ko.

"Hindi. Bastos ang pamilya ng kaklase mo, hijo. Hindi dapat sila ganoon," aniya sa akin.

"At sa tingin mo, sa pananalita mong 'yan ay hindi nakakabastos sa amin?" Taas kilay na tanong ng Ina ni Vina.

Napatawa si Aling Berna ngunit magsasalita sana siya ay hinarap ko na ang pamilya ni Vina. Naisip ko na hindi ko sila dapat katakutan, hindi ko sila dapat atrasan kung ako'y natatapakan. Naisip kong ipagtanggol ang sarili ko upang matuto akong kilalanin ang tao sa paligid ko.

"Mawalang galang na po, pero mali po ang inyong paratang sa katulad ko. Oo at mahirap ako, magnanakaw ako pero ginagawa ko iyon dahil ulila na ako," matapang kong sagot. "kung may mali man po akong nagawa, patawad pero pinagsisihan ko na po iyon."

Tumawa ang Ginang sa aking paliwanag. "Kaya naman pala pariwara kang bata ka, maging ang buhay mo patapon."

"Aba-" pinutol ko ang sasabihin ni Aling Berna.

"Kung pariwara at patapon ang buhay ko, paano pa po kaya ang ugali niyo?" tanong ko na siyang ikinatigil nila. "Oo at mayaman nga kayo, may pinag-aralan at may mataas na antas sa lipunan, ngunit wala kayong karapatan para manghusga ng kapwa niyo. Matuto po sana kayong lumingon sa pinaggalingan niyo," sambit ko dahilan para matulala sila sa akin. Bumaling ang aking tingin kay Aling Berna. "Uwi na po tayo, hayaan na lang po natin sila."

Iniwan namin sila roon na walang kahirap-hirap. Hindi ko kailangan ng panghuhusga nila sa akin. Kung hind man ako tanggap ng lipunan, hindi ko na iyon kasalanan. Kung wala rin pagkakapantay-pantay ang mga tao, walang aangat. Sa murang edad ko pa lang, nasaksihan ko na ang kalupitan ng tao.




To be continued...

Defiant Youth Series # 12: Unwanted Justice (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon