CHAPTER 22

92 6 2
                                    

FLASHBACK
FLASHBACK
FLASHBACK

Narinig nila ang pagkalembang ng dambana.

Namumulaklak ang tunog neto sa loob ng simbahan.

Palantandaan na nagsimula na ang unang hakbang sa pagpapari ni John.

Nakasuot siya ng balat na itim na sapatos at itim na pantalon na isinusuot ng mga lalaking estudyante na nag aaral sa high school.

Terno naman ito sa pang itaas na puting polo na may tatak na San Antonio De Padua Seminary sa may kaliwang bulsa.

Ito ang seminaryo napasukan ng ulilang bata mula sa Bayan ng San Allegre.

"Grabe ang laki naman neto at napakaganda".

Yun ang nasa isip ni John ng unang beses na makapasok sa simbahan ng San Antonio.

Animo'y nasa loob siya ng isang kastillo.

Puti ang kulay ng padir.

At makikita dito ay puro mga gintong krus, ginto sout ng mga Santo Nino pati na rin mga santo.

Ginto plaka na may nakasulat na talata mula sa bibliya.

Malamig ang loob ng gusali dahil sa walong aircon na nakapaligid dito.

Para nga silang mistula nasa langit.

Marahil ang karamihan nagsisimba sa San Antonio ay mismong mga pari at matataas na opisyal ng romano katoliko ng local kaya ito ay napakaganda at pinag gastusan.

Nasa singkwenta silang lalaking seminarista na may kanya-kanyang kadahilanan sa pagpasok seminaryo.

Si Ariel ay galing sa angkan ng mga pari.

Kinaugalian ng pamilya nito na magkaroon ng mga pari sa bawat henerasyon.

At kinundisyon na si Ariel na simula pagkabata na ipapasok sa seminaryo ng kanyang mga magulang.

Sa kanyang kaliwa naman ay ang bata na si Erwin.

Sa kadahilanan nanggaling sa may kayang pamilya ay nakapag aral siya sa isang pribadong katolikong eskwelahan noong high skul.

Nahiligan ni Erwin ang mga istorya na nababasa niya sa mga aklat sa paaralan at napapanood sa mga palabas sa telebisyon tuwing marso at abril.

Napagtanto niya na pasukin ang mundo kanyang nahiligan.

Ang katabi naman ni John sa pila at magiging pinaka malapit sa kanya na si Popoy.

Kakaiba ang kangyang kadahalanan sa pagpasok sa seminaryo.
Matigas at mainitin ang ulo ni Popoy noon.

Siya ay tinagurian isang bully sa kanilang paaralan maging sa kanilang lugar sa murang edad.

Nagbago ang lahat na nakipag away siya sa isa sa kanyang kaklase.

Nakarating ito sa kanilang mga magulang.

Pati ang mga tatay nito ay nakipagtalo rin.

Sa napakaliit na away bata ay nauwi ito sa pagkakamatay ng kanyang tatay na tinambangan ng isang lalaking nakasakay sa isang motor.

Di maikakaila kung sino ang bumaril rito dahil ang tatay nang nakaaway na kaklase ay isang kilalang rebelde at tulisan.

Tila sa siyang idlap ay nawala ang angas ni Popoy.

Namulat siya katotohanan na di lahat ng sitwasyon ay sumasang ayon sa gusto mo.

Pumasok si Popoy sa seminaryo para umiwas sa mata ng kanyang ina at kapatid na ramdam niya na siya ang sinisisi ng pagkakamatay ng kanyang tatay.

Ang Lihim Ng Baryo San Allegre (ON-GOING Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon