[Letlet]
Pagkarating sa kanilang bahay ay nakita niya ang pinsan na abala sa pag inom ng tuba sa kusina na ikinataka niya. Nakita niya kasi ito na tumatanggi na uminom ng tuba sa tuwing aalukin ito ng mga taga isla kanina.
Sa tulong ng liwanag na nagmumula sa gasera ay kita niya ang pamumula ng makinis nitong mukha.
Pumasok siya sa kwarto ng abuela, pero agad din lumabas ng makita na wala ito.
"Kuya Lucian, si Lola hindi mo kasamang umuwi?" Tiyak na lasing na ang Lola Asun niya. Ito kasi ang tipo na kapag nakainom ng tuba ay hindi humihinto sa pag inom hangga't hindi bumabagsak sa kalasingan.
Nakatulog na marahil ito dahil sa pagkalasing.
Hindi sumagot ang pinsan niya, bagkus ay tumungga lang ito ng tuba kaya napakamot siya sa ulo. Mukhang lasing na ang pinsan niya.
Pumasok siya sa kwarto niya at humiga. Nakangiti na nagpapadyak siya ng paa at tila batang nagtitili sa sobrang tuwa.
Puno talaga ng kaba ang dibdib niya kanina sa pag aakala na pagmamahal ang nararamdaman niya para kay Balug. Hindi naman sa kinasusuklaman niya ang binata tulad ng sinabi ni Birang. Sadyang hindi lang talaga niya ito gusto.
Hinawakan niya ang tapat ng dibdib.
"Mararamdaman ko kaya ang pagmamahal na sinasabi ni Birang?" Halos bulong lang na tanong niya.
Napaigtad siya ng makarinig ng malakas na katok sa kwarto niya.
'Gusto bang sirain ni Kuya Lucian ang pintuan ng kwarto ko?' Ani ng utak niya bago tumayo at buksan ang pinto. Sa lakas kasi ng katok ay tila gusto nitong sirain ang pinto.
Malakas siyang napasinghap.
Paano ay bigla siya nitong itinulak sa dingding kasabay ng pagharang ng dalawang matipunong braso nito sa magkabilaang gilid niya. Nang tumingala siya ay nakita niya na nakayuko ito sa kanya habang may matiim na tingin na nagmumula sa maganda nitong mga mata.
"K-Kuya, bakit?" Kabado n'yang tanong.
May nagawa ba siyang mali kaya ganito ang tingin nito sa kanya?
Gusto n'yang ilayo ang kanyang mukha ng mas lalo nitong ibinaba ang mukha palapit sa kanya, pero hindi niya magawa dahil sa dingding na kinasasandalan niya. Napapikit siya ng tumama ang amoy tuba nitong hininga sa kanyang mukha.
Mabango palagi ang hininga ng pinsan niya pero bakit tila kakaiba ngayon? Bakit tila naging mas lalong naging kahali-halina ito ngayon sa pang amoy niya?
Binaba nito ang mukha sa gilid niya dahilan para tumama ang mainit na hininga nito sa kanyang leeg.
"Ang saya mo yata ngayon, Letlet." Mahina ang boses na tanong ni Kuya Lucian. "Rinig na rinig ko ang tuwa mo hanggang dito sa labas."
Tinutukoy ba nito ang pagtili niya kanina dahil sa tuwa?
Agad na tumango siya dahil tama ito. Masaya talaga siya dahil sa nalaman niya kanina.
Nakaramdam siya ng takot ng mahina nitong hinampas ang dingding sa gilid ng ulo niya. Hindi niya maintindihan... Bakit nagagalit ito ngayon?
Nilayo ni Kuya Lucian ang ulo sa leeg niya at tumingala. "Damn! Ano ba 'tong ginagawa ko?" Tiimbagang na tanong na para bang kausap nito ang sarili.
"K-Kuya Lucian..." Yumuko ito ng marinig ang pagtawag niya. "B-Bakit galit ka? M-May nagawa ba akong mali?" Nagsimulang manlabo ang kanyang mga mata.
Simula ng bilhan siya nito ng lipstick ilang buwan na ang nakakaraan ay ginawa niya ang lahat para hindi ito galitin. Nagpakabait siya. Sa tuwing tatawagin siya nito kapag kausap niya sina Balug o kahit sinong lalaki sa isla ay agad na susunod siya rito. Kapag gusto nito na huwag siyang lumabas ng kanilang bahay ay sumusunod siya. Hindi na nga rin niya tinatanggap ang suhol na binibigay sa kanya ng mga kadalagahan rito isla dahil ayaw niya na mainis ito sa kanya.