Chapter 8: Karahasan

155 11 2
                                    

Laxxus POV

PASADO alas tres nang makauwi ako sa bahay. Maaga kasi kaming pinalabas ng guro dahil unang araw pa lang naman ng aming klase. Nagbihis na ako at dumaan muna sa tindahan ni Aling Berna para itanong kung may ihahabilin siya sa akin.

"Magandang hapon, Aling Berna!" masigla kong bati sa kaniya.

Ngumiti siya sa akin, "magandang hapon rin sa iyo, Laxxus. Oh, saan ka pupunta?" tanong niya sa akin.

"Sa palengke po, magbubuhat po ng mga gulay na dadalhin sa Maynila," sagot ko.

"Ikaw talagang bata ka!" histerikal na sambit nito ngunit napatawa na lang siya. "Sinabi ko na sa iyo na hindi mo kailangan magtrabaho kasi narito naman ako," sabi niya.

Napakamot ako sa aking ulo, "E hindi ko po kagustuhan na maging pabigat po sa inyo, tsaka po, gusto ko rin kumita ng sarili kong pera. Malakas yata ako!" ani ko at ipinakita pa ang braso ko sa kaniya.

"Ewan ko sa iyong bata ka. O siya at huwag ka masyadong magpagabi sa daan," bilin niya sa akin.

"Opo, Aling Berna!"

Umalis na ako roon at mabilis na nagtungo sa may palengke. Ito ang aking ginagawa araw-araw noong wala pa akong klase. Tumutulong ako sa pagbubuhat ng gulay na dinadala sa Maynila. Ang perang kinikita ko ay aking iniipon para may pang-araw-araw ako at hindi lamang umaasa sa binibigay sa akin.

Kailangan kong kumayod para mabuhay. Nararanasan ko ang mabibigat na gawain katulad na lamang sa pagbubuhat ng hallow blocks sa isang construction site na siya side line ko tuwing sabado't linggo. Kung minsan rin ay taga-hugas ng plato sa isang karendirya malapit sa eskwelahang pinapasukan ko. Minsan, ramdam ko na ang pagod pero tila ayaw sumuko ng katawan ko. Gusto nitong magbanat ng buto araw-araw.

Nasa bungad pa lang ako ng palengke ay tinawag na ako ni Mang Kanor.

"Laxxus! Halika at tulungan mo akong buhatin ang mga ito," sigaw niya sa hindi kalayuan niyang pwesto.

Nagmadali ako upang matapos iyon agad para hindi ako gabihin ng uwi. Binuhat ko ang isang sako ng gulay kahit na medyo may kabigatan iyon. Bukod sa amin, mayroon rin ibang tao na nag-de-deliver ngayon ng karne.

Mabilis lamang na natapos ang aming pagbubuhat kaya pasado alas sais pa lamang ay umuwi na ako. Habang naglalakad sa madilim na bahagi ng lansangan,na tanging linawag ay ang buwan, walang sasakyan ang masyadong dumaraan dahil kadalasan naman ay motor ang dumadaan.

Sa aking paglalakad, nakarinig ako ng halinghing sa hindi kalayuan. Dahan-dahan akong lumapit roon upang hindi ako mapansin. Nagtago ako sa may likod ng basurahan. Nakita ko ang dalawang lalaki na pilit hinahawakan ang kamay ng babae.

"A-Ano ba?!" sigaw ng babae.

"Miss, isa lang naman. Pangako, dadalhin ka namin sa langit." sabi ng lalaki habang nakangisi.

Tila natatakot ang babae at nais humingi tumulong ngunit akma siyang sisigaw nang suntukin ng isang lalaki ang tiyan nito. Napatakip ako sa aking bibig dahil sa nasaksihan ko, pinunit ng lalaki ang manggas ng damit nito kaya mas lalong naging hayok ang mata ng lalaking iyon.

Nanginginig ang babae.

"Ang kinis ng balat mo..." sambit ng lalaking naka-bonet, "ang lambot pa ng katawan mo." dagdag niya.

"M-Maawa kayo... m-may pera ako, iyon na lang ang kunin niyo." pagmamakaawa ng babae.

Ngunit tila parang hayop ang dalawa na hindi nakinig sa pagmamakaawa ng babae. Hindi ko alam ang aking gagawin sa pinagtataguan ko. Tila may bumarang tinik sa lalamunan ko nang makitang hinalikan ng lalaki ang leeg ng babae.

Sa murang edad na ito, alam ko na ibig sabihin ng kanilang ginagawa. Gagahasain nila ang babae at bigla na lang iiwan. Nagulat ako nang impit na humalinghing ang babae at pilit nagpupumiglas sa kamay ng dalawang lalaki.

Naghanap ako ng pamalo sa may gilid. Nang makahanap ako ay kinuha ko iyon at dahan-dahan naglakad patungo sa kanilang likuran habang pinagmamasdan ang babae na halos umiiyak na dahil sa ginagawa sa kaniya ng dalawang lalaki.

Tila nakita ako ng babae kaya nagpumilit itong magsalita. "T-Tulong... tulungan mo ako," mahinang wika niya.

"Aba! Saan ka naman nahingi ng tu-putangina!" pagmumura ng lalaki dahil nakita niyang nakabulagta ang isa niyang kasama sa kalsada.

Napatingin ito sa akin na nanlilisik ang mata. Natakot ako, mahigpit ang hawak ko sa kahoy.

"Putangina kang bata ka!" pagmumura nito sa akin. "Halika ritong pakialamero ka!" sabi niya, akmang hahawakan niya ang aking kamay ngunit tila naging mabilis ang aking kamay na ipinalo sa kaniya ang kahoy.

"Masama kang tao!" sigaw ko. Pinagpapalo ko siya hanggang sa lumupaypay siya sa kalsda. Pinalo ko ang kamay niya na hindi niya mapigilan, isinunod ko ang kaniyang binti dahilan para mapaluhod siya. Hindi niya nagawang gantihan ako pero naglabas ito ng baril at itinutok sa akin.

Tila ako naging estatwa sa aking kinatatayuan, natakot sa posibleng pagkalabit niya sa gatilyo ng baril. Sinadya kong itapon ang kahoy palapit sa babae. Sa tulong ng linawag ng buwan, nakita ko ang takot at pag-aalala sa kaniyang mukha.

"Ayoko sa lahat ay ang pinapakialaman ako... lalo na ang batang kagaya mo!" inis na asik nito sa akin. "Binitin mo ako sa aking pagkain at talagang pinatulog mo pa ang kasama ko, kaya humanda ka ngayon sa akin."

Nanginginig ang aking kamay. Para akong asong ulol na natahimik bigla sa tabi. "M-Masama ka... wala kang karapatan para saktan at gahasain siya," natatakot na usal ko.

"Hindi ko kailangan ng ser-"

Naputol ang sasabihin niya nang pinalo siya ng babae sa ulo. Nakita kong dahan-dahan itong napaluhod at may dugong umaagos sa kaniyang ulo. Tumingin ako sa babae na ngayon ay nanginginig at binitawan ang pamalo.

"H-Hindi... hindi ko magagawa ang pumatay," takot na takot nitong sabi.

Wala akong imik, tahimik akong pinagmasdan ang lalaking naliligo sa sarili niyang dugo. Hindi ko kayang ganito ang aking masasaksihan, hindi ako makahinga. Nabigla ako sa buong pangyayari.

Tumingin ako sa babae na napa-upo at lumuluha. Binabanggit na hindi niya magagawa ang pumatay. Siya ang biktima, pero bakit niya sinisisi ang kaniyang sarili.

"A-Ayos lang po ba kayo, ate?" tanong ko sa kaniya.

Tulala lang siyang nakatingin sa akin, "H-Hindi... hindi ko kayang pumatay, bata." sagot nito.

Hindi ko kayang lumakad patungo sa kaniya, gusto ko nang umalis sa roon. Ayaw kong may ibang makakita sa akin, sa amin rito.

"A-Ate, u-uwi na po tayo," nauutal kong saad sa kaniya. Pinilit kong gumapang patungo sa kaniya. Nanginginig siya ng sobra, may bahid ng dugo akong nakita sa kaniyang kamay.

Mabilis ko iyon pinunasan, "Tahan na, ate. Masasama sila, nararapat lang sa kanila ang bagay na iyon." wika ko.

Ilang minuto pa ang lumipas ay tumayo ito, nagtaka ako nang mabilis niyang kunin ang kaniyang bag at mabilis na umalis at hindi man lang ito lumingon. Base sa kaniyang paglalakad, nanginginig pa rin ito.

Napagpasyahan kong iwan ang dalawang lalaki roon, isang lingon pa ang aking iginawad sa kanila bago tuluyang umalis at nagmadaling umuwi na tila wala sa aking sarili. Sa aking pag-uwi, nagkulong ako sa aking silid at tulala na nakatingin sa kawalan.




To be continued...

Defiant Youth Series # 12: Unwanted Justice (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon