Chapter 2: Encounter

142 17 4
                                    

“Magandang umaga ate Sasa!” Nagising ako sa ingay ni Jeje. Ganiyan talaga ang daily routine niya araw-araw, ang mag-ingay.

“Ate magsaing kana kaya! Umalis na si mama at may lalabhan pa siya sa kabilang subdivision!” Niyugyog niya ako kaya napilitan akong bumangon. “Ayokong malate ate!” sigaw niyang muli.

Kinusot-kusot ko ang mata ko at napatingin sa labas. Madilim pa pala.

“Ang aga pa Jeje!” saad ko. Sumimangot lang ito. Napatingin naman ako sa uniform niyang nakasabit.

“Tuyo naba 'yan?” tanong ko sa kaniya.

“Medyo po!” Napasapo na lamang ako sa noo ko. Isa lang ang uniform niya at sigurado akong masusout niya talaga niya ang basang uniform na 'yan.

Naglakad na ako patungo sa kusina at kailangan ko pang magsaing. Napatingin ako sa lamesa at nandoon na ang basket na dadalhin ko sa school.

Binuksan ko ang nakatakip na dahon ng saging at inamoy ito. Napangiti ako.

“Bango naman ng biko ni mama,” kausap ko sa sarili ko. Araw-araw ay may dala akong kakanin o kahit ano na binibenta sa University na pinapasukan ko. Alam kong college na ako but it won't stop me. At least kahit konti ay may maitulong ako kina mama.

Nagsaing na ako. Last na saing nalang pala namin 'to ngayong umaga at mamayang gabi ay wala na kaming bigas. Sana ay maubos ko lahat ng binibenta ko para makabili ako ng bigas.

“Maligo kana Jeje! Baka malate ka pa!” sigaw ko. Medyo mahina ang apoy dahil nabasa yata kagabi ang kahoy namin. Sa lakas ba naman ng ulan.

Pagkatapos kong magsaing ay tyaka pa ako maliligo. Mabuti na lamang at may shampoo na at medyo mahirap suklayin ang buhok ko kapag bareta lang ang sinasabon ko.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako. Napatingin ako sa uniporme kong dati ay white na ngayon ay naging dirty white na. Okay pa naman 'to.

Nasa 1st year college pa lang ako at nursing ang kinuha ko. Hindi naman talaga ito ang pinangarap ko pero ito lang ang available sa scholarship na binigay ng University na pinapasukan ko kaya kahit mahirap ay kakayanin ko nalang. Wala naman sigurong madali sa buhay diba?

“Ate! Alis na po ako!” pagpapaalam ni Jeje. Kinuha ko ang pitaka ko at binigyan siya ng sampung piso.

“Salamat ate!” Ngumiti ako sa kaniya.

“Oh siya maaga ka dapat uuwi mamaya dahil ikaw magbebenta ng kakanin!” paalala ko. Tumango naman ito at nag thumbs up pa bago tuluyang tumakbo palayo ng bahay.

Kinuha ko na ang bag ko. Sa pagkakatanda ko ay noong grade 11 pa'tong bag ko. May punit na nga ito pero tinahi ko nalang.

Napatingin ako sa relo ko at limang minuto bago mag alas syete. Kinuha ko ang basket kung saan nakalagay ang mga biko.

Isinarado kong mabuti ang bahay bago umalis. Idadaan ko muna to sa karenderya ni Aling Delia ang biko. Minsan ay may sobra pa at hindi inuubos nang bili ni Aling Delia ang mga paninda ko kaya binibenta ko na lamang sa mga kaklase ko.

Hindi naman ako nahihiya at legal naman ang ginagawa ko at higit sa lahat ay wala akong tinatapakang tao.

“Magandang umaga ho aling Delia!” bati ko.

“Oh ano 'yang benta mo Sasa?” Napangiti naman ako. Mukhang good mood ngayon si Aling Delia kaya sigurado akong mauubos niya ang paninda ko.

“Biko po!” tugon ko. Lumapit naman ito at tinignan ang bikong dala ko.

“Oh siya magkano ba lahat' yan?” Tama nga ako.

“350 pesos po,” masayang sagot ko. Sigurado akong makakabili na kami ngayon ng bigas.

Hope Beyond Deprivation (Defiant Youth Series #8) [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon