"Hala bagay na bagay 'to sa'yo Sasa!" Nabaling ang tingin ko sa hawak-hawak na damit ni Joy. Isa itong kulay itim na off shoulder dress. Hindi naman nababagay sa'kin 'yon at para lamang iyon sa mga mayayamang katulad niya."Bilhin ko na'to para sa'yo ha!" excited na wika ni Joy. Agad ko naman siyang pinigilan. Nakakahiya naman at palagi na lamang niya akong nililibre.
"Wag na Joy!" pagpigil ko. Sinamaan naman niya ako ng tingin.
Napamiwang ito habang nakatitig saakin, "Ano ka ba Sasa, minsan na nga lang 'to eh. Don't worry this is my own will kaya hayaan mo nalang ako please," pagpupumilit niya.
Huminga ako nang malalim, "Palagi mo nalang kasi akong nililibre Joy. Nakakahiya na!" paliwanag ko. Umiling lang ito.
"Hay naku paulit-ulit ko ring ipapaliwanag sa'yo Sasa na 'wag kang mahiya saakin dahil kaibigan mo ako and besides pambawi ko narin ito sa mga tulong mo sa'kin no!" As always kahit anong sabihin ko ay hindi parin ito magpapatalo lalo na sa mga ganitong bagay.
Tanging malalim na buntong hininga na lamang ang nabitawan ko at sumunod kay Joy patungong counter.
Pagkatapos naming mamili or should I say pagkatapos niyang mamili ay lumabas na kami at malapit nadin ang klase namin. Para lang tuloy akong yaya ni Joy.
Bumalik kami sa University at may klase pa kami at 2 pm. Mabuti na lamang talaga at pareho lang ang schedule namin ni Joy sa lahat ng subject kaya hindi ako nahihirapang mag-adjust sa klase.
Napatingin ako sa mga kaklase ko. Familiar na sila saakin at lagi naman kami nagkikita sa ganitong subject.
"Ang haggard mo na Sasa! Halika nga I'll put liptint." Nabalik ako sa aking sarili nang pilit na inilalagay ni Joy sa labi ko ang pulang liptint niya. Hindi ako sanay na gumamit ng mga ganiyang bagay at wala naman kasi akong pambili nito.
Umiling ako kay Joy at umiwas.
"Ano kaba Sasa kaya hindi ka nagkakajowa eh!" natatawang wika niya. Hindi ko naman kailangan iyon. Ang kailangan ko pera para kina mama. Para hindi na siya magtrabaho pa at mapagamot ko na ang ubo niya.
"Hay naku Joy wag mo nga akong pagtripan!" saad ko at lumayo ng konti mula sa kaniya sa takot na baka lagyan niya na naman ako ng liptint.
"Bahala ka Sasa tatanda kang dalaga niyan!" Umiling-iling pa ito. Mas mabuti na nga kung ganon para naman pag may trabaho na ako sa hinaharap walang kahati sina mama.
Napailing na lang ako. Ilang sandali pa ay pumasok na ang professor namin. Inihanda ko ang notebook ko at pati narin ang sarili ko sa pakikinig. Ito nalang ang meron ako at hindi ko hahayaang pati ang scholarship ko ay mawala saakin.
Natapos ang lesson namin at lahat ng kaklase ko ay antok na antok na. Sinigurado ko talagang hindi ako aantukin sa tuwing nagtuturo ang professor namin sa harapan para sa tuwing may quiz ay sigurado akong makakasagot ako. Isa sa mga ginagawa ko ay ang pag-inom ng maraming tubig para pag naiihi na ako ay hindi na talaga ako makakatulog pa.
Hapon na at may gagawin pa ako sa office. Lilinisan ko pa ang office bago ako tuluyang makauwi. Hindi naman ito bago saakin at sanay na naman ako at ilang buwan ko narin itong ginagawa.
Nauna na si Joy at may dinner silang magkapamilya.
"See that commoner jejemon girl." Napalingon ako sa grupo ng mga babae. Tatlo sila at halatang may kaya sa buhay mula sa pananamit nila.
"Yeah she looks disgusting with her dirty white uniform gosh!" Alam kong ako ang pinaparinggan nila pero mas pinili kong ipagpatuloy ang paglalakad ko. Sanay na sanay na ako sa mga ganiyang linyahan kaya hindi na ako apektado.
Ayokong lumikha ng gulo kaya mas pinipili kong iwasan ang ganitong sitwasyon pwera lang pag sumusobra na sila.
Nakahinga ako nang malalim. Mabuti nalang at wala na silang ginawang iba. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa narating ko na ang engineering department. Naalala ko tuloy 'yong lalaki kanina. Sigurado akong engineering siya.
Pagdating ko sa office ay nakasarado ito. Ganito naman talaga palagi at aircon ang office. Wala namang paa ang aircon pero sabi ng admin baka raw lumabas.
Papasok na sana ako nang makarinig ako ng ingay mula sa loob."Not because your family owns this university gagawa kana ng mga bagay na against the rules. Remember Apollo that you're still a student!" Hindi ako pumasok at mukhang may pinapagalitan pa ang dean.
"This is your last warning Apollo. Hindi ako magdadalawang isip na tawagan ang daddy mo!" dagdag nito. Who's that Apollo?
Nagulat ako nang biglang bumukas ang pintuan at bumungad saakin ang lalaking nakabangga ko kanina. May pasa ito malapit sa labi at halatang galing lang ito sa away.
"Tabi!" he yelled. Nagulat ako at agad napatabi. Walang modo!
Tuluyan na akong pumasok at nadatnan ko si dean na nakahawak sa sintido niya.
"Good afternoon po," bati ko. Napaangat naman ito at ngumiti ito nang makita ako.
"Sorry about him Ms.Ellison. He's indeed spoiled," umiiling na wika ni dean. Maybe he's talking about that walang modo na lalaki.
"It's okay po," I answered.
"Oh since nandito kana naman Ms. Ellison, napansin ko na puro bagsak si Apollo sa mga subject niya at alam ko namang magagalit talaga ang daddy niya pag nalaman niya 'to." Napakunot naman ang noo ko. Anong gusto ipaabot ni dean?
"So I decided since you have the high grades I want you to guide Apollo para makapag cope up siya sa mga klase niya. Though you guy's have different courses okay lang naman siguro' yon Ms.Ellison dahil all you need to do is to guide him." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni dean. Seryoso? Eh mukha palang no'ng lalaking 'yon mukhang hindi na kami magkakasundo!
"You will have a special salary from this Ms. Ellison!" dagdag ni dean. Hindi parin magsink in saakin ang sinabi ni dean. Pero naging interesado ako nang marinig kong may sweldo raw.
"So?" Naghihintay si dean sa sagot ko.
"S-Sige po," sagot ko. Napapalakpak naman si dean at ibinigay saakin ang isang papel.
"This is the schedule of Apollo and I compared your schedule to him magkakasundo naman. You can go to him lunch or any of your free time Ms. Ellison." Tinanggap ko ang papel at tumango.
"Oh wag kana ring maglinis dito just focus sa binigay kong task sa'yo." Napatango akong muli bago nagpaalam kay dean.
Ewan ko kung anong kahahantungan nitong lahat pero sana naman ay umayon sa'kin ang panahon.
BINABASA MO ANG
Hope Beyond Deprivation (Defiant Youth Series #8) [COMPLETED]
JugendliteraturHope Beyond Deprivation (DEFIANT SERIES #8) Safira Ellison was raised and lived all her life without the fantasies she desire. If there's one word that describes her life it was pure distitution. Indeed, she was a strong independent woman but she w...