11. Halik

183 15 0
                                    

[Lance]

Malakas na sinuntok niya ang puno dahilan para magdugo ang kanyang kamao. Hindi siya makapaniwala na nagawa niya ang bagay na 'yon kay Letlet kagabi.

Paano kung umiwas ito sa kanya? Matakot?

Muli n'yang sinuntok ang puno na nasa harapan. "Damn, Lance! What's happening to you?!" Aniya sa sarili, hindi niya alintana ang sakit at pagdurugo ng kamao niya.

Ang dami n'yang tanong sa sarili. Bakit hindi niya tinanggap ang hamon ni Balug? Takot nga ba siya na magustuhan ito ni Letlet? Bakit? Ano naman sa kanya 'yon? Hindi ba dapat ay wala na siyang pakialam ro'n? Pekeng pinsan lang naman siya kaya ano ang pakialam niya?

Nang marinig niya na may mahal na si Letlet ay hindi niya matanggap at halos madurog ang dibdib niya. Kaya nagawa n'yang uminom araw-araw ng tuba at iwasan ito, pero sa huli ay hindi niya rin napigilan ang sarili na huwag itong sundan palagi.

Dahil natatakot siya na makipagkita ito sa taong mahal nito kaya palagi siyang nakamasid rito.

Sumandal siya sa puno at pumikit. Umalon ang Adam's apple niya habang nakatingala siya. Naalala niya ang pagkakadikit ng kanilang mga katawan. Ang mabango at nakakaakit nitong amoy.

Nakakabaliw!

Nakahinga siya ng maluwag ng marinig mismo sa labi nito na wala itong mahal maliban sa kanila ni Lola Asun.

Pagmamahal man ng isang pinsan ang tinutukoy nito sa kanya ay sapat na 'yon. Ang mahalaga ay wala itong minamahal na ibang lalaki.

Mahina siyang napaungol ng maramdaman ang pagtigas ng gitnang bahagi ng kanyang hita.

Kailan pa siya tinigasan ng ganito maisip palang ang isang babae?

Si Letlet palang ang nakakagawa sa kanya ng ganito!

Pinsan niya si Letlet—iyon ang pilit na sinasabi niya sa sarili para pigilin ang sarili na huwag umusbong pa ang kakaibang damdamin na nabubuo para sa rito, pero hindi iyon ang nangyari, dahil mas lalo lang lumala ang nararamdaman niya.

"Kuya Lucian?" Napatayo siya ng tuwid ng marinig ang boses ni Letlet. Nag aalalang lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kamay niya. "Ano ang nangyari sa kamay mo?"

Hindi siya nakatulog ng maayos dahil sa kaiisip sa dalagang nasa harapan. Ngayon ay nakatingala ito sa kanya at puno ng pag aalala ang mga mata.

'Damn! Wag kang tumingin sa akin ng ganyan! Baka hindi ko na naman mapigilan ang sarili ko at mahalikan na talaga kita sa labi!' Piping usal ng utak niya.

Hinayaan niya na hilahin siya nito hanggang sa kusina. Kumuha ito ng plangganita na may laman na tubig at saka hinugasan ang kamay niya.

Tinitigan niya si Letlet.

Napakaganda nito.

[Letlet]

Ramdam niya ang paninitig ni Kuya Lucian habang hinuhugasan niya ang kamay nito.

Naalala niya ang nangyari kagabi kaya pinamulahan siya ng mukha.

May parte sa utak niya na nagsasabi na mali 'yon pero may parte sa kanya na nagsasabi na wala...

Nalilito siya...

Bakit mali at bakit naman hindi? Anong pagkakaiba? Dahil ba magpinsan silang dalawa?

Dahan-dahan siyang nag angat ng tingin at tama nga siya, nakatingin ito sa kanya—hindi lang basta tingin.

Mainit na tingin!

Mabilis na binitiwan niya ang kamay nito. "M-Malinis na ang sugat mo, Kuya Lucian. D'yan ka lang muna dahil magtitimpla ako ng kape natin."

Nagmamadali na tumalikod siya. Inabala niya ang sarili na mag init ng tubig at maghanda ng saging na lalagain.

HIS ISLAND GIRL [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon