CHAPTER 14

64 4 0
                                    

"Sinagot mo na siya?!"
"Kailan pa?!"

Sunod na tanong nila Ureka nang sabihin  ko sa kanila ang tungkol sa pag sagot ko kay Terron nung isang gabi.

"Isa-isa lang ang tanong, please, mahina ang kalaban." ako

"So, kailan mo pa siya sinagot? Bat ngayon mo lang sinabi?" usisa ni Jessi

"Nung isang gabi ko lang siya sina-" hindi ko na natapos ang sasabihin nang mag tilian silang tatlo. Ang ingay nila, halos pag tinginan na kami ng mga Tao dahil sa ginawa nilang pag tili.

"Ay, ang landi naman ng Kapayapaan namin!"

"Shit! May boyfriend ka na talaga! Sa wakas!" si Ureka

"Ang landi! Na kita ko yung pinost mong picture sa IG. Sana ol may halik sa pisngi."

"Anong sabi ng mga Kuya mo? Anong reaksyon?" tanong ni Lorella. Kilala nila ang mga kapatid ko at alam rin nila kung gaano ka strikto sila Zeus pagdating sa akin.

"Uhm...alam naman nila Eros na nililigawan ako ng kaibigan nila...pero..."

"Pero?" takang ani ni Ureka

"Hindi ko pa na sasabi sa kanila na sinagot ko na si Terron. Pero, alam nilang sasagutin ko na si Terron pag nakauwi na siya galing Singapore."

"Tsaka sabi nila Kuya Zeus mag hihiganti daw sila kay Terron. At sinuportahan pa sila ni Kuya Cronus, ah! Ang bully talaga." naka nguso kong saad na tila bang nag susumbong sa kanila g tatlo ang trip ng mga Kuya ko.

"Unica Hija ka kasi, hirpa siguro magkaroon ng apat na Kuya, no?" mas humaba ang pagkakanguso ng mga labi ko dahil sa pag aasar ni Jessi.

"Isama mo na rin si Tito Hade,"

"Ang saya niyo, ah? Ginawa niyo kong clown." I said while glaring at the three of them. "Mabulunan sana kayo,"

Maybe God heard what I just said when Jessi started coughing. Mas lalo lang lumakas ang tawa ng dalawa nang makitang nabulunan si Jessi sa kinakaing fries.

"Hoy, gago! May lahi ka bang mangkukulam ah?" pasigaw niyang tanong after recovering from being choke.

"Bakit parang kasalanan ko? Ako ba bunganga mo?" pag mamaldita ko sa kanya.

Sa harap ng mga taong hindi kami kilala baka isipin nilang nag aaway kami dahil sa tono ng pagsasalita namin, pero sadyang ganyan lang talaga kami mag lambingan apat. Simula college kami na talaga ang mag kaibigan.

"Ilang buwan ka nga pala niligawan niyang jowa mo?" tanong ni Jessi matapos namin mag tawanan.

Parang walang murahan na nangyari, ah? Back to normal lang.

"About four months, I think?" yeah, four months nga since February kami nag kakilala.

"Ay!, sana ol di marupok! Paano mo yun na gawa? Kung ako yun sunggab agad!" nahihiyang nilibot ko ang tingin sa loob ng kainan dahil sa lakas ng boses nitong si Jessi. Pinagtitinginan na ng mga ibang customers ang table namin dahil sa laki ng bunganga niya."

"Alam mo, Jess, konting-konti na lang hihilain ko na ang ngala-ngala mo Isa ma ko na rin esophagus mo. You're to loud!, you're attracting to much attention." pag subway sa kanya ni Lorella sa tabi niya.

Sarap salpakan ng bato ang bunganga niya sa sobrang ingay.

"Pabayaan mo sila, ang ganda ko daw kaya yan tumitingin sa pwesto natin."

Napangiwi na lang kaming tatlo nila Ureka dahil sa sinabi niya.

"You know what? Magiging maskulado ka na nyan dahil sa dalas mong pagbubuhat ng bangko, hindi lang nga ata bangko ang binubuhat mo e. Sinama mo na pati lamesa sa sobrang bilib mo sa sarili."

Hera Peace (Chavez Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon