91 - Paghiwalayin sina Diane at Alexander

412 13 20
                                    


"Talaga tol?!"

"Pero wag mo munang sabihin sa iba ha."

"Buntis si Miss D?!"

"Oo pero wag ka nga munang maingay! Wala pang ibang nakakaalam, ikaw pa ang sinabihan ko." Paalala ni Sander sa kaibigan niyang ang laki ng bunganga habang kumakain. Nasa isang restaurant sila malapit lang sa Martinez Corp. Maagang nag-lunch break si Gab dahil may stakeholders meeting kaya kinita niya agad ang kanyang best friend. Nagpaalam naman siya sa kina Lynn na magkikita sila ni Sander para mag-usap.. usapang lalake-sa-lalake. Pero hindi na kumain si Sander dahil mamaya na lang daw siya.

"So ano nang plano mo ngayon?" Nagsimulang magtanong si Gab matapos sumubo ng maraming pagkain. "Anong plano ninyo ni Miss D?"

"Yun na nga eh, hihingi sana ako sayo ng advice. Alam mo naman, wala akong ibang malalapitan at masasabihan pagdating sa mga mahalagang bagay katulad nito." Seryosong saad ni Sander. "Ayoko nang magkamali ulit. Simula ngayon, gagawin ko lahat ng tama at kung anong nararapat. Gusto kong pakasalan si Diane bago pa lumabas yung baby namin para magiging legal na kami at talagang maging isang tunay na pamilya."

"Waw tol seryosong-seryoso ha? Pero teka lang ah.." Gab clears his throat as he stops eating. This is going to be a long friendly-but-serious advice.

"Tatanungin muna kita tol ha, sa tingin mo ba, handa ka na talaga?" Tanong pa ni Gab. "Ang ibig kong sabihin sa handa, tingin mo ba sa sarili mo deserving man ka na ba para kay Miss D? Kasi tol, si Diane Martinez ang pinag-uusapan natin dito. Big time siya tol! Realtalk lang tol Sander ha, wag mo sanang masamain.. Nakita mo naman kung ano ang estado niya sa buhay, anong uri ng pamumuhay meron siya. Kung magiging asawa mo siya, paano mo siya bubuhayin? Lalo na ngayong magkakaanak na kayo. Eh unang-una, wala ka ngang trabaho ngayon."

Gab adds a little laugh at the end just so he won't sound too rude to his friend. Then he continues.

"Oo nga't alam nating mayaman siya, kayang-kaya niya kayong buhayin habangbuhay kahit hindi ka pa magtrabaho.. pero kaya ba yan ng pride mo?" Aniya Gab. "Bilang lalake at padre de pamilya, tungkulin mo talaga ang pagiging breadwinner. Ikaw ang bubuhay sa asawa at magiging anak ninyo. Ikaw ang magbibigay ng mga pangangailangan nila. Kaya mo na ba ang responsibilidad na yun?"

Napag-isip-isip si Sander sa kanyang sarili. Ngunit bago pa siya makapagsalita ay nagpatuloy pa si Gab ng kanyang advice.

"At tsaka isipin mo, anong magiging reaksyon ng pamilya ni Miss D? Hindi ka kaya nila aapi-apihin? Mamaliitin?"

"Hindi naman ganon si Diane. Hindi siya matapobre." Sander defended.

"Si miss D hindi. Pero yung pamilya niya? Ang mga kamag-anak niya? Paano ka nila tatanggapin? Mahalaga sa kanila ang kanilang reputasyon, ang kanilang pangalan. Aminin na lang natin tol na nasa itaas si Miss D at hindi mo pa siya ka-level. Pero handa ka na bang akyatin siya? Makakaya mo ba lahat?"

Sa isip ni Sander alam niya ang sagot: HINDI. Pero sa puso niya, determinado siyang gawin lahat dahil pinasok na niya ang mundong ito kaya dapat niyang panindigan. Tama naman kasi lahat ng sinabi ng kaibigan niya. Na-o-overwhelm tuloy siya. Nakita ni Gab na medyo na-tense ang kaibigan sa lahat ng kanyang sinabi kaya iniba niya ang topic.

"Pero congrats tol ah, magkakaanak na kayo ni Miss D! Grabe bilib talaga ako sayo."

*

*

*

*

*

It's almost 12 o'clock but the meeting is still ongoing. Most of the attendees were big time men in the business world wearing formal suits. Sila ang mga malalaking stakeholders/shareholders ng Martinez. Isa sa mga tinalakay ay ang stagnant revenues ng kompanya. Ibig sabihin, hindi tumaas ang kita ng hotel ngunit hindi rin naman bumaba sa kalagitnaan ng new normal. Kung sa line graph pa, flat lang ang flow ng linya. Sabi ng isang member ng board na mabuti na lang yung ganon na flat ang flow kesa pababa ang takbo ng linya. Pero hindi sumang-ayon ang ilan sa mga stakeholders. Nababahala pa rin sila dahil peak season naman sana ngayon dahil paparating na ang summer, pero ayon sa early prediction reports ng kanilang sales ay parang hindi pa rin tataas ang kanilang kita kahit medyo maluwag na ang restrictions sa Pilipinas. Sinubukan nilang tignan ang iba pang anggulo na maaari nilang gawing paraan para maiamgat ang kita ng kompanya.

Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon