12. Masarap ang bawal

190 14 0
                                    

[Letlet]

Tulala at wala sa sarili. Simula ng may mangyaring halikan sa pagitan nila ng kanyang pinsan na si Lucian ay tila walang laman ang katawan niya.

Pati yata ang kaluluwa niya ay tinakasan na siya.

"Letlet, mahal ko!"

Awtomatikong gumalaw ang kamay niya at kinuha ang tsinelas niya, saka iyon hinampas sa mukha ni Balug ng tangkain siya nitong yakapin.

"Grabe ka talaga sa akin, mahal ko. Di bale, mahal pa rin naman kita kahit ganyan ka." Nakangiti pa na sabi ni Balug na para bang hindi nasaktan. "Bakit ang aga mo naman yata rito sa bahay, Letlet? Miss mo ba ako—" Mabilis na lumayo ito ng hahampasin niya sana uli ng tsinelas.

"Manahimik ka nga d'yan kung ayaw mong hampasin kita ng paulit-ulit." Banta niya.

Iniwas niya ang tingin kay Birang ng mapansin na nakataas ang kila nito habang nakatingin sa kanya, na para bang binabasa nito ang reaksyon niya.

"Bakit parang wala ka sa sarili ngayon?" Nilapit pa ni Birang ang mukha sa mukha niya. "Wala sa sarili tapos umiiyak kanina. Hmmm... Siguro nag—"

"Hindi, ah!" Tanggi niya agad.

"Hindi ako naniniwala sa'yo. Sigurado ako nag-away kayo ni Lucian." Giit nito.

Ah, nag-away pala! Akala niya ang sasabihin nito ay naghalikan!

Tumango nalang siya. "O-Oo, nag away lang kami." Kinagat niya ang loob ng pisngi ng maalala ang nangyari.

Pakiramdam niya ay naiwan ang matamis na lasa ng halik ng Kuya Lucian niya sa loob ng kanyang bibig.

"Nakikinig ka ba? Letlet?" Winasiwas ni Birang ang kamay sa tapat ng mukha niya kaya napatingin siya rito. "Kanina pa ako nagsasalita tapos hindi ka naman pala nakikinig."

Pilit na inalis niya sa isip ang halik ng pinsan niya.  "A-Ano ulit 'yon?"

"Nakalimutan mo na ba? Ang sabi mo sa'kin ay tutulungan mo ako na mapangasawa ang pinsan mo." Ngumiti ng matamis si Birang. "Nagdesisyon na ako na mag aasawa na ako at handa ng magkapamilya. Pumayag na rin sila tatay at nanay kaya tulungan mo na ako kay Lucian."

Hindi niya magawang magsalita.

Kung dati ay ayos lang sa kanya na ireto sa mga kadalagahan ang Kuya Lucian niya, bakit ngayon ay hindi na?

"U-Uuwi na ako. May gagawin pa pala ako." Nagmamadali na tumayo siya.

"Letlet!"

Hindi niya pinansin ang pagtawag ni Birang. Si Balug ay hindi rin niya tinapunan ng tingin.

Nagtuloy-tuloy siya sa paglakad hanggang sa makarating siya sa dalampasigan.

Gusto n'yang tulungan noon si Birang, pero bakit ngayon ay hindi na... Bakit gano'n? Ano ba ang nangyayari sa kanya? Maisip palang niya na magkakaroon ng babaeng magugustuhan ang Kuya Lucian niya ay kumikirot ang dibdib niya?

Humiga siya sa buhangin at tumingin sa maaliwalas na langit—pero agad din na napabangon.

Tama! Tutulungan niya si Birang na mapangasawa ng Kuya Lucian niya! Hindi lang iyon para kay Birang, kundi para na rin sa kanya!

Hindi ba't gusto rin naman niya na iwasan ito? Ito na marahil ang sagot!

Ang tulungan itong makapangasawa ng iba at para mawala na ang kakaibang nararamdaman niya para rito.

Masakit man ay kailangan niya itong gawin. Hindi niya pwedeng mahalin ang Kuya Lucian niya ng higit pa sa pagiging pinsan. Maling-mali iyon at magagalit ang Lola Asun niya!


HIS ISLAND GIRL [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon