Stella's POV
"Attendance muna bago sumakay! Baka may maiwan!" Rinig kong sigaw ni Kuya Vince kaya dali-dali kong kinuha ang mga gamit ko at lumabas ng bahay. Ngayon ang vacation namin sa Batangas at pupunta na kami doon.
Pagkalabas ko ay nando'n na sila. Dito kasi sa bahay ang meet up namin base sa napag-usapan sa group chat.
"Stella De Guzman!"
"Present!" Kinaway-kaway ko pa ang kamay ko bago lumapit sa kanila. Ginulo naman ni Kuya Vince ang buhok ko at tatawa-tawang tinulak ako sa iba ko pang mga pinsan.
"Ito talagang batang 'to. By the way, sa van ka sasakay."
Dalawang sasakyan kasi ang gagamitin namin kasi hindi kami kasya sa isang sasakyan lang.
"Aira Legaspi!" Pagpapatuloy ni kuya sa pag-aattendance kuno niya.
"Dito na me." Sagot ni Aira na sosyal na sosyal tingnan sa suot na summer hat at sunglasses na pa-korteng puso.
"Sa van ka."
Nagpatuloy lang sila sa pag-aattendance kuno nila habang ako naman ay umupo muna sa nakabukas na van.
"Camille Macaraig, sa van ka din."'
"I'm here na."
"Buen De Guzman, yung speaker dala mo?"
"Iyon po ang iwanan ko eh mas mahalaga pa yon sakin."
"John Corpuz, sa van ka. Yung mga drinks dala mo?"
"Yup, don't worry."
"Leo Asuncion!"
"I'm here."
"Sa van ka."
"Drake Domingo, sa inova ka."
"Malamang, ako driver eh."
Napatawa naman kami sa sinabi ni Drake. Kahit kalian talaga, pilosopo 'tong kupal na 'to.
"Lahat ng babanggitin kong pangalan, sa inova sasakay. Napapagod na'kong magsalita."
Tumawa lang ulit kami. Palusot niya lang yan. Siguro excited na excited lang. Well, excited kaming lahat sa vacation na 'to 'no. Last month pa naming 'tong pinaplano.
"Kaye Tolentino, yung foods."
"Present, nasa likod na ng van yung mga pagkain."
"Ann De Guzman!"
"Andito na."
"Mae Legaspi."
"Here na."
"Blue Corpuz, ampanget mo."
"Pangit ka rin, loko."
"What's up yow, break it down."
"Okay! Pack up na!"
Bumaba ako at nilagay yung bag ko sa likod ng van. Nilagay na din ng iba yung mga malalaking gamit nila. Ang dinala lang nila papunta sa sa kabilang sasakyan ay mga shoulder bag nila at karamihan naman ay cellphone lang at earphones.
Sumakay kami sa sasakyan at nauna na kami. Nasa likod namin ang inova at sumusunod lang dito sa van kung saan si Kuya Vince ang driver. Malaki ang tiwala namin dito kay Kuya, palibhasa siya yung pinaka-matanda.
Bale ang nakasakay dito sa van ay ako, si Aira, si Kuya Vince, si Camille, si Buen, si Jhon at si Leo. Pito kami dito at anim sa kabila, which is sina Drake, Kaye, Ann, Mae, Blue at Kristel.
YOU ARE READING
The Vacation
Misterio / SuspensoSince it's summer and everyone's work is over, the squad thought of having a vacation at a resort in Batangas. But the supposedly happy vacation of the De Guzman cousins turned into a hell nightmare due to the death of one of them. Was it just an...