Kabanata 31

49 4 14
                                    

Ipinagpatuloy ko ang paghahanap ngunit kagaya ng nauna ay palagi akong tinatanggihan. Ang laging sinasabi nila sa akin ay kailangan daw nila ang may experience. Bakit kasi hindi muna nila subukan ang aking kakayahan bago nila ako husagahan? Isa pa, paano ako magkaka-experience kung hindi nila ako susubukan? Kahit siguro magreklamo ako buong araw sa aking sarili ay hindi ko maiintindihan ang pamamalakad ng mga kompanya. Ano bang alam ko? Hindi nga ako nakatapos ng High School.

Hapon na nang makaramdam ako ng gutom kaya't bumili muna ako ng makakain sa isang convenience store. Hotdog sandwich lang ang binili ko at iced coffe. Pagkatapos kong magbayad ay umupo ako sa bakanteng upuan sa may bandang sulok. Mahaba-haba pa ang araw at kailangan malagyan ng laman ang aking tiyan para maintindihan ko ang sinasabi ng nag-iinterview sa akin. Hindi ako uuwing luhaan ngayong araw. Kailangan kong humanap ng paraan para kumita. Mabuti na lamang at may tv dito kaya't pinalipas ko muna ang aking oras sa panunuod habang kumakain. Nakakaaliw tingnan ang mga babaeng cute na cute na sumasayaw. Nakakainggit ang ganitong talento. Bakit kasi pinagkaitan ako ng langit at lupa? Napatigil ako sa pagsubo dahil sa pamilyar na mata ng isang artista na sumasayaw. Tulala pa akong nag-iisip at kunot-noong pinagmamasdan maigi ang babae. Sa makailang ulit na pag zoom-in ng kanyang mukha ay nakikita ko ang mukha ng aking kapatid. Napailing ako sa aking naisip. Walang kasiguraduhan at imposible.

"Miss tapos na po kayo? Baka pwedeng kami naman ang maupo?" Napukaw ang aking atensiyon dahil sa dalawang babaeng lumapit. Hindi ko pa nakuha ang kanyang sinabi ngunit nang makita kong may bitbit silang pagkain ay saka ako nagkumahog sa pagtayo.

"Pasensiya na po!"

"Ay hindi po miss, okay lang. Salamat." Ngumiti ito sa akin bago ako tumango. Hindi ko maalis ang aking paningin sa tv habang palabas ako ng store.

Magkamukha sila ni Celestine pero imposibleng mangyari. Sunog ang kaliwang parte ng mukha niya at imposible talaga ang aking nakita.

Sa kabila ng aking paghahanap ng trabahao ay hindi mawala sa aking isipan ang artistang napanuod ko kanina.

"Why are you applying for this job in the first place. You didn't even land a degree. How can you cope up with our companies need?" Kumunot ang noo ko sa diretsong Ingles ng nag-iinterview sa akin.

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangang mag-ingles pa sa interview. Gaano ko man kagustong makuha ng trabaho ay sinasampal na ako ng katotohanang wala talaga akong kakayahan. Wala sa sarili akong tumayo at agad kong nakita ang pagtataka ng lalaki sa aking harapan. Hindi ko na hinintay pa ang kanilang sasabihini. Pinilit kong ihakbang ang aking mga paa at lumabas sa opisina. Naubos yata ang lakas ko sa buong araw kong paghahanap ng trabaho.

"Ate?" Wala pa ako sa sarili ng pumasok sa bahay. Natauhan lang nang makita si Denise. Nakaupo ito sa sofa at karga si Charene. Abala sa paglalaro si Arby na agad tumayo para sumalubong sa akin.

"Anong nangyari sa'yo?" tanong ni Denise.

Umiling lang ako at hinila ang sarili pabagsak sa upuan.

"Wala talaga akong pag-asa na magkaroon ng trabaho mads," malungkot kong saad. "Kunin mo na lang kaya akong katulong," napatuwid siya sa pagkakaupo dahil sa aking suhestiyon.

"Mads?"

Bumuntong-hininga at ngumiti "Joke lang,"

Umiling lang siya saka ako sinimangutan.

"Kailangan mo ba talagang magtrabaho? Pwede naman kitang pautangin"

Umiling ulit ako. Marami na akong utang sa kanya at kung babayaran ko iyon ay baka abutin ako ng ilang dekada bago ko iyon mabayaran kaya tama na.

"Hindi na ako binibigyan ni Knee Yoz ng pera, aasa ba ako sa'yo sa panggastos namin dito sa araw-araw?"

"May kakilala akong naghahanap ng PA. Sasamahan kita bukas sa kanya," bigla akong nabuhayan sa kanyang sinabi. Tumango ako sa kanya bago nag-iwas ng tingin. Hindi ko gusto ang nakikitang awa sa kanyang mga mata. Hindi ako magiging kaawa-awa habang buhay. Kailangan kong tumayo sa aking mga paa.

Loosing Hope (Lonely Soul Series #1) - Slow UpdateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon