CHAPTER 12:

82 1 0
                                    

Araw araw ay sinusundo sya ni eric sa bahay nila. Kapag papasok sila sa university, naging maayos naman ang relasyon nila. Nandun yung pag aalaga sa kanya ni eric. Lagi itong nakaalalay sa kanya sa lahat ng bagay. Gosh! Naiispoiled sya ng husto.

Lagi itong nakahawak sa kamay nya kapag naglalakad sila, kung minsan naman ay nakahawak ito sa bewang nya para alalayan sya. Grabe napaka sweet at thoughtful ng boyfriend nya. Yun nga lang napaka possessive nito dahil hindi sya pinalalapitan sa mga lalaki kung minsan nga ay pinagseselosan pa si grey, na tinatawanan lang naman ng kaibigan, hindi man sabihin ni grey pero isa sya sa mga kinikilig para sa dalawa lalo na kapag naglalambingan ito.

Madalas ang pagyakap at paghalik sa kanya ni eric. Kung silang dalawa lang ay hindi ito papayag ng hindi sya mahalikan sa labi niya. Kung nasa university naman ay palagi sya nitong hinahalikan sa buhok nya na para bang bangong bango sa buhok nya. Ang pagyakap at pag halik sa kanya ay parang normal na lang sa kanilang dalawa. Napakasweet nito sa kanya na para bang isa syang prinsesa.

Malapit na ang graduation nila eric. Kaya naman medyo nalulungkot si eve kapag naiisip nya na hindi nya na makakasama ang nobyo palagi. Ngunit ipinangako naman nito sa kanya na kahit hindi na sya pumapasok dun ay ihahatid sundo pa rin sya.

"MOM!" gulat na gulat si eric ng makita nya ang mommy nya na naghihintay sa kanya sa sala.kagagaling lang nya sa bahay nila eve, hintid nya kasi ang kasintahan nya, medyo natagalan syang makauwi dahil napa kwento pa sya sa mga kuya nito. "Bakit hindi kayo nagpasabi na uuwi kayo edi sana nasundo ko kayo sa airport!"

"It's ok sweetheart!" Nakangiti ang mommy nya habang nakatingin sa kanya.

"Kasama mo si daddy umuwi?" Tanong nya dito na lumilinga linga pa para hanapin ang daddy nya.

"No!. Sweetheart. But don't worry nandito naman ako." Malambing na sagot nya sa anak nya.

Lumungkot naman ang mukha nya ng malamang wala ang daddy nya. Maganda ang mommy nya mestisahin ito dahil may lahing Australian ito at kung manamit ito talaga namang eleganteng elegante. Hindi mo nga aakalaing may anak na binata dahil mukha at pangangatawang bata pa kung tingnan.

Iba ang pakiramdam nya sa biglaang pag uwi nito na hindi kasama ang daddy nya. Siguradong hindi lang dahil sa graduation nya ang dahilan kung bakit ito napauwi ng pilipinas.

Hindi nya masyadong kasundo ang mommy nya dahil madalas sya nitong minamanduhan hindi tulad ng daddy nya na hinahayaan lang syang gawin ang gusto nya. Kaya naman napapaisip sya talaga kung bakit ito umuwi.

"Did you have your dinner, sweetheart?" Tanong pa nito.

"I already did!" Walang ganang sagot nya sa mommy nya.

"Of course you did. Sa bahay ng girlfriend mo!" Sarkastikong sagot nito sa kanya.

"What is it this time, mom?" Inis na tanong nya sa mommy nya.

"I don't like her!" Diretsong sagot sa kanya.

"Oh!. Please mommy!.., you don't even know her!" Sabi na nga ba at may ibang dahilan ang pag uwi nito sa pilipinas. "Don't hate her without knowing her first!"

Nagulat sya ng inabot sa kanya ang brown envelope. "What's this?" Takang tanong ni eric sa mommy nya.

"Open it!" Walang kagana ganang utis sa kanya.

Binuksan nya naman ito na ikinagulat nya ang laman. Pictures nila ni eve na magkasama. At reports about eve and her family.

"Pinaimbestigahan mo ang girlfriend ko?" Galit na galit ang aura ni eric na nakatingin sa mommy nya.

"Yes!" Walang emosyong sagot sa kanya na walang takot sa galit ng anak nya.

"What for?," Hindi sya makapaniwalang tanong sa mommy nya.

In Love To A TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon