"Khaix! All of them inaasar na nila ako sa kanya. Pati ba naman ikaw, I thought were best cousins." tinawanan lamang siya nito. Paulit ulit nitong sinasabi na gusto niya na si Brix at mukhang nasasayahan pa habang nakikitang Inis na inis na siya.
"Hindi ka pa rin talaga nagbabago Zyrelle. Ang sarap mo pa ring asarin. And if you doesn't like him, he likes you. He looks like a jealous boyfriend earlier." pahayag pa nito sa kanya.
"Kanino naman siya magseselos?" umakto muna itong nag-iisip bago sumagot sa kanya.
"Kanino pa ba? Edi sa akin. Well I won't judge him if gusto ka niya. Kung hindi tayo magpinsan baka matagal na kitang niligawan." pagbibiro pa nito. Umakto naman siyang nasusuka sa sinabi nito.Tawa lang naman ang isinukli nito sa kanya.
Bigla namang may pumasok na empleyado sa loob ng opisina niya. Mukhang kailangan na si Khaix. Gusto niya itong tanungin ng mga bagay bagay tungkol sa Tita Scarlett niya pero hindi niya magawa. He doesn't want her cousin to be in pain.
"Sir Khaix, kailangan na daw po kayo sa office ni boss." magalang na sabi ng empleyado. Ngumiti lang sa kanya ni Khaix at sumenyas na lalabas muna. Ngumiti rin siya dito pabalik.
Nang makaalis si Khaix. Ibinalik ni Zyrelle ang atensyon sa mga papel sa lamesa niya about sa financial.
"Khaix, you're here again. Ang bilis niyo naman mag-usap ni kuya." nabigla siya dahil iba pala ang pumasok. Si Brix. At mukhang masama ang awra. Nakakatakot.
"What are you doing here?" pilit niyang pinatatag ang boses niya. Nakakatakot talaga ang paraan ng pagtingin nito sa kanya. Malapit na siyang maniwala sa mga pinagsasabi ni Khaix sa kanya.
"Sinong kasabay mong maglulunch mamaya?" akala niya naman kung ano na, yun lang pala. Pero bakit hindi niya masabi na si Khaix dapat ang kasabay niya. Natatakot siya sa pwedeng maging reaksyon nito. Brix is becoming more serious.
"I'm on a diet. Hindi ako maglulunch." mukhang hindi nagustuhan nito ang naging sagot niya. Teka bakit ba siya natatakot kay Brix? Eh ano naman kung sabay sila ni Khaix maglunch. There were cousins. No malicious things.
"You're lying." pag-aakusa nito.
"Fine, fine I'm with Khaix later. Niyaya niya ko." well sure naman siya na yayayain rin siya ng pinsan niya.
"Seems like your really close to him."
"We're cousins and there's nothing wrong with that."
"May sinabi ba akong may Mali doon?" ganti nito.
"Then why are you asking me this stupid things?! I couldn't get you. Hindi kita maintindihan. You're acting really weird."
Bago umalis doon. Nag-iwan muna ito ng salita sa kanya.
"Sabay tayong mag lunch mamaya. Pupuntahan kita. And believe me Zyrelle if wala akong naabutan dito. You would not like what will I do to you." he's acting like a demanding boyfriend. Tuluyan na nga itong umalis. Habang siya pakurap kurap habang nakatingin sa pintuang nilabasan nito.
"Scarlett! Finally pumunta ka rin dito. Bakit ba ayaw mo na dito na lang kayo tumira ni Khaix." masaya si Krizzane na muli itong makita.
"Hindi ka pa rin nagbabago Kriz. Sobrang bait mo pa rin. Ang pinsan ko ba nagbago na?" masaya siya dahil nakakapagbiro na ito ulit.
"What brings you here dear cousin?" sumulpot si Zeddrick. Alam niyang nagbibiro lang ang asawa niya sa tanong nito.
"Am I'm not welcome here? You hurt my feelings Zed."
"But not he hurt you." Alam niya na ang tinutukoy ng asawa.
"Well you should be hurt to. Nawala ang matalik mong kaibigan."
"Nagkita na ba kayo?" lagi na lang doon nauuwi ang usapan.
"Hindi pa. At ano pang silbi kung magkikita kami." diretso nitong sagot.
"Thats great. He doesn't deserve to know na may anak rin siya sayo. Khaix doesn't deserve a father like him." ngumiti si Scarlett dahil sa sinabi ng asawa niya. Pero halatang pilit. Gusto niyang sapukin si Zeddrick, kung ano ano kasing sinasabi eh.
"Lola-Mami!" napatingin sila sa pintuan ng Mansion. Nakita nilang nandun sina Khate kasama si Katherine at si baby Khiffer na buhat nito. May nakaalalay rin namang personal maid.
"Khatey!" dali dali itong lumapit sa kanya at yumakap. Ang asawa niya ay nakangiti lang. Habang si Scarlett ay hindi alam ang iaakto nito.
"Khate this is your Lola Scarlett pinsan siya ni Lolo-dadi. Tita siya ng daddy mo." paliwanag niya kay Khate. At dahil mabilis itong makaintindi, naintindihan niya agad ang sinabi niya.
"Hello po." bati nito. Niyakap lang ito ni Scarlett. Dahil hindi rin kasi ito nakapunta nung magbirthday si Khate.
"You're so pretty. Kamukha mo ang daddy mo."
"Everyone says that po." bibo nitong sagot, kaya napangiti na lang sila.
Agad naman siyang lumapit kay Katherine at siya na ang nagbuhat sa bata.
"Siya ba ang asawa ni Zach?" tanong ni Scarlett sa kanila. Si Katherine na ang sumagot.
"Ako nga po."
"Glad to meet you Hija. No wonder ikaw ang nagustuhan ng pamangkin ko. Sa ganda mong yan, hindi talaga malabong magkakagusto siya sayo." Umupo muna sila sa sofa sa at doon nag-usap usap.
"Were going back to the Philippines." sabi niya sa kanyang asawa. Habang Sabay silang kumakain.
"Kung yan ang gusto mo." maikli nitong sagot.
"Gusto kong malapit sa anak natin. Tulungan mo ko, Annie." malapit kasi dito ang anak nila.
"Hindi ko alam paano. Pero susubukan ko. Masyado ng malayo ang loob niya sayo. Mahirap siyang kumbinsihin." sabi nito at iniwan siya. Pupuntahan nito sa kwarto ang bunso nilang anak.
Nasa opisina niya si Brix, Ng may tumawag sa cellphone niya. Magkaiba ang oras sa Pilipinas at sa ibang bansa. Kung dito ay umaga doon ay gabi na. Ano na naman ba ang problema ng ama niya at bakit ito tumawag?
"Hello." walang gana niyang sagot dito.
"Kuya! Kuya Brix! Kamusta ka po diyan? Miss na po kita Kuya. Balik ka na dito. Please." boses yun ng bunso niyang kapatid. Namimiss niya na rin ito. Magkikita kita rin naman sila. Dahil uuwi na sa Pilipinas ang mga ito.
"Bakit na sayo ang phone ni dad? Ayaw ni dad na ginagalaw ang gamit niya. Yari ka." pagbibiro niya dito. 10 years old na ito pero spoiled pa rin siya sa mga magulang nila.
"Kuya naman. Bakit hindi ka pa bumalik dito? Hindi mo ba ako namimiss? Hindi mo ba kami namimiss? Si mommy miss ka narin niya. Uwi ka na Kuya please." mukhang hindi pa alam ng kapatid niya na pupunta rin ang mga ito sa Pinas.
"May ipapakilala ako sayo. Di ba gusto mo ako na magka girlfriend, may girlfriend na ako. Pag-uwi niyo dito. Ipapakilala ko siya sayo. You will like her."
"Hindi naman kami uuwi diyan eh. Hindi ba ayaw ni dad. Kuya galit ka ba kay dad?" hindi siya agad nakasagot. Baka hindi pa maintindihan ng kapatid nito ang lahat. Mukhang wala talagang alam ang kapatid niya tungkol sa pag-uwi ng mga ito.
"Bakit naman ako magagalit sa kanya? Siyempre hindi." ayaw niya mang magsinungaling pero kailangan.
"Oh sige kuya Bye! Papasok na si mommy sa kwarto ko. Gonna sleep. I love you Kuya!" at namatay na ang tawag.
Lunch na kailangan niya ng puntahan si Trish. Sana lamang ay sumunod ito sa kanya.Siguro kung may kinaiinggitan man siya sa Yvo na yun ay ang masyado itong malapit kay Trish.Well he's so sure he will win her heart.
BINABASA MO ANG
I love you and I hate that
Romance(Montefalco Series #2) She hates that engineer! She hates Brix! She hates him! But soon The hate will turn to love. Because the more you hate, the more you love ika nga.