Chapter 21
Kiss
••••••••••••••••••••••••••••••••••
"Mam, baba na daw po kayo sabi ni Sir Brayden" sabi ng attendant ng kumatok sa pinto ng suite.
"Sige! Susunod na ako. Salamat" tugon ko.
Nag-ayos na ako. Sinuot ko ang white angled skirt at black off-shoulder top. Naglagay dn ako ng light make up. Nakaponytail ang buhok ko pakaliwa. Konting anggulo lang sa salamin ay ayos na! Pinasadahan ko ang lips ko ng pink lipstick.
Bumaba na ako sa function hall ng hotel. Naroon na daw ang lahat. Pagkadating ko ay sinalubong ako ni Gerlie.
"Girl! You look stunning!" puri niya sakin.
"Loka! Tara na" sabi ko.
Marami nang tao sa loob, mga taong hindi pamilyar pero alam kong staff din sila ng Calikasan Photography. Bawat makasalubong ko ay tumitingin sakin. Ako naman ay ngumingiti sa kanila. Umupo kami ni Gerlie sa isang table. Nagpalinga-linga ako sa paligid, may hinahanap kung saan.
"Sinong hinahanap mo?" tanong ni Gerlie saakin at nagpalinga-linga rin.
"Si Brayden wala pa ba?" tanong ko.
Nanliliit ang mga mata nyang tumingin sakin. Alam kong may meaning yung tingin na un. "Ts. I smell somethin' fishy Marionne. Ano ba talagang meron sainyo ni Sir Brayden?" nakakaintriga nyang tanong.
"Hah? Wala ah. Magkaibigan lang talaga kami. Kaibigan ko kasi yung girlfriend ni Flint kaya ayun." sabi ko lang
"Asus! Basta may hindi kasi tama kung magkaibigan lang kayo." aniya at sumensyas sa waiter. Binigyan kami ng waiter ng vodka.
Nagkibit-balikat lang ako. I know kung anung iniisip nya. Inabot nya sakin ang isang whiskey tumbler.
"Girl, sayaw tayo! Andun yung crush ko oh!" sabay turo nya sa isang lalaking kausap ang mga babaeng model sa may counter. "I'll make papansin lang" sabay halakhak nya.
Tumawa lang ako. "Sige, ikaw nalang" intinaas ko ang whiskey tumbler ko. "Wala pang tama eh" humalakhak na rin ako.
Tumango nalang si bakla at nagsasasayaw palapit sa may counter. Natawa lang ako. Mag-isa nalang ako dito sa table. Napapaheadbang sa trance music na likha ng mga DJ's sa stage. Hindi pa naman dim ang lights kaya nahahagilap ko pa ang mga staff na nagsasayaw at nagsasaya sa saliw ng musika. HAHAHAHA
Nakakailang baso na ako ng vodka ng may lumapit saking dalawang lalaki.
"Hi, ikaw ba si Marionne?" tanong nung medyo matangkad na lalaki. Siguro ay model din sila gaya ko. Ang isa naman ay maputi at mapungay ang mga mata.
Tumango ako at ngumiti. "Oo ako nga"
Naglahad ito ng kamay. "Ako nga pala si Orly, at ito si Louie. Co-models mo kami dito sa Calikasan. Nice to meet you" aniya at ngumiti. Lumabas ang braces nya. Ang gwapo naman nito pero mas gwapo pa rin si Brayden. Huh? Yes Marionne? Si Brayden talaga? Hindi pwedeng si Kevin o kaya David?
Tinugon ko rin ang mga kamay nila. "Hi, nice to meet you too. Ako si Marionne Aliyah" sabi ko naman at ngumiti.
"Balita namin ikaw ung nakakakota sa firm? Tsaka nakita din namin ung mga kuha mo. You're so gorgeous" sambit naman nung Louie.
Nakakaflattered naman. Hahahaha. Nahihiya tuloy ako.
"T-thankyou-" hindi ko natapos ang sinasabi ko nang may umakbay sakin.
BINABASA MO ANG
Perfectly In Love (NZ1 -Completed)
Ficción GeneralI will wait for the right time until I can say that I'm perfectly inlove. ❤