Para po sayo ang update na ito! God bless! :)
A/N: Short update. Si Anthony at Erisse pa rin po sa gilid.
Unti-unting nagsink in sa akin ang ginagawa namin ngayon. Nagpanic ako agad. Yung tibok ng puso ko, mas abnormal pa sa abnormal. Hindi ko kinakaya ang kakaibang kaba sa dibdib ko pati na rin ang paulit-ulit na naririnig ko...
Hindi tama ang ginagawa ninyo Erisse.
Dahil na rin sa panic attack ay naitulak ko si Anthony ng malakas. Tumalikod ako't akmang aalis na pero hinawakan niya ako sa braso, tinignan ako ng seryoso and cupped my face. Nanlalaki ang mata kong nakatingin sa kanya. Siya nama'y pumikit. Tahimik lang kaming dalawa at nanatili sa ganong posisyon.
O diyos ko, ilayo niyo ako sa tukso! Half-naked pa ang gwapong nilalang na ito tapos wet look pa. Oh so yummy. Hehe.
"A-Anthony... Please ---" Sa totoo lang hindi ko alam ang sasabihin ko. Please continue? Please let me go? Pero parang mas gusto ko yung una. XD
Iminulat naman niya ang nagsusumamong mata niya at nakipagtitigan sa akin. Hindi pa rin siya bumibitaw sa pagkakahawak sa magkabilang pisngi ko.
"I know you were confused and startled at the same time. But I won't apologize for kissing you." Sabi ni Anthony na nakatingin pa rin sa mata ko. Parang gusto kong matunaw ngayon na mismo.
"I did it because I mean it." Dagdag pa niya. Tila nagfreeze na naman ang buong sistema ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.
"I... I love you, Erisse. Don't you feel the same for me?" Hindi ko inexpect to. Diba dalawang beses na akong nafriendzone sayo? Este, sabi mo kasi concerned ka lang eh. Gusto kong matuwa sa sinabi niya pero may part pa rin sa puso ko ang natatakot pumasok sa panibagong relasyon lalo na't hindi pa rin kami gaanong magkakilala.
Inalis ko ang kamay niya na nakahawak sa pisngi ko then told him...
"S-sorry Anthony but I guess this isn't the right time for me to answer that." At saka ako tuluyang umalis.
Hindi pa rin maalis sa isip ko ang nangyari kanina. Pati na rin ang mga salitang binitawan ni Anthony. I know hindi siya mahirap mahalin pero ayaw kong magsimula ng panibagong relasyon na half-hearted pa. Pero at least... At least alam ko na ang lugar ko sa buhay niya.
At alam ko na rin ang gusto kong mangyari sa relasyon namin ni Miguel... Nakaupo ako sa couch dito sa kwarto namin ni Kate nang bigla siyang pumasok. Inabutan niya ako ng green salad at saka umupo sa gilid ng kama. Kumakain naman siya ng baked mac.
"Lalim ng iniisip natin ah." Sabi niya bago sumubo ng baked mac. Isang tipid na ngiti lang naman ang binigay ko sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/3667846-288-k324381.jpg)
BINABASA MO ANG
FOREVER. Do you remember?
Romance"You don't deserve me." Kinurap ko pa ang mata ko, baka kasi nananaginip pa ako. Pero mukhang gising na gising ako. "Ano bang pinagsasasabi mo? Ikakasal na tayo. Ngayon ka pa ba magkakaganyan?" Gulung-gulo ako. "Ako, si Miguel Ocampo, GWAPO, matalin...