DARK HISTORY OF VALENTINE'S

232 1 1
                                    

"Sweet naman nila, Sana all may Jowa." nakapout na bulong ng katabi kong babae habang nakatingin sa mag Jowang naghaharutan at may dalang mga chocolate at flowers with matching heart pa.

 "Sino ba kase nagpauso ng Valentine's sa February 14, Sarap patayin."rinig ko pang bulong niya bago lumihis ng tingin Nanatili lang akong walang kibo habang sinusulyapan siya ng tingin, Nakaupo kami sa upuan dito sa malapit sa terminal. 

 Makailang ulit ko siya napapansing nagbubuntong hininga saka irritated na kumakamot sa ulo.  "Bitter ka ata." ani ko

 "Hindi naman sa ganun nabubuwesit lang ako dahil bakit may Valentine's pa sa February."

 "Hindi lang naman umiikot ang valentine sa mag Jowa kundi sumisimbolo rin ito sa pagmamahal sa pamilya at mga kaibigan, Sa lahat ng taong may pag ibig sa kapwa.

" saad ko."Sabi ko nga."tumatango nyang tugon."Hindi mo ba alam na may Dark History ang Valentine's day?."

Tanong ko sa kaniya na kinunutan naman niya ng nuo.Saglit akong napabuntong hininga bago Tumingin sa mga taong nasa paligid namin saka muling nagsalita. 

 "Ayon sa isang alamat, may isang malupit na Roman Emperor noong 270 BC na nagngangalang Mikael ll, May batas siyang pinairal na nagsasabing bawal mag- asawa ang kanyang mga sundalo, Para kase sa kaniya mas magiging mahusay ang isang lalaking sundalo kung nakafocus ang isip ng mga ito sa kani- kanilang trabaho at wala siyang iniisip na asawa o anak habang nakikipag digmaan.

" Kuwento ko sa kaniya."Tapos?" sagot nito na parang interesado sa susunod na pangyayari.Tiningnan ko siya."Pero tinutulan iyon ni Bishop Valentine sapagkat sa tingin niya ay Hindi makatao, Sa kabila ng mahigpit na batas, palihim na nagkakasal ang Bishop ng mga sundalong nais maikasal sa kanilang mga nobya, Nalaman iyon ni Mikael II at ipinakulong ang nasabing Obispo. 

Isang gabi bago bitayin ang Bishop ay may ginawa siyang card para sa anak na dalaga ng kaniyang jailer na pinagaling niya mula sa pagkabulag. Habang nakakulong di umano ay nagsagawa siya ng miracle healing at ang dalagang bulag ang isa sa kaniyang pinagaling, Naging magkaibigan sila at lihim na minahal ni Bishop Valentine.

 Ang pinakaunang Valentine Card na ginawa niya ay may nakasulat sa labas na " From my Valentine." dugtong ko.Napangiti ako nang lumalim ang pagkakakunot nuo nito.

 "Ibinitay si Bishop Valentine noong February 14 at ang pinakaunang tao na nagpadala ng Valentine letter noong February 14, 1415 sa kanyang minamahal na asawa ay si Charles Duke of Orleans, isang French. Ginawa niya ang love letter na patula ang style habang nakakulong sya sa London Tower, Ikinulong siya ng mga English matapos matalo sa battle of Agincourtin noong nasabi ring taon." 

 pagtatapos ko magsalita saka ako tumingin sa kaniya at nagpakita ng ngiti."San mo naman nalaman yan?" Pagtataka niyang tanong.Matagal bago ako kumibo. 

 "Nabasa ko lang sa isang libro."saad ko.Tumango siya."Ngayon ko lang nalaman ang tungkol dyan."ani niya.Huminga ako ng malalim.Inilihis ang tingin sa kaniya saka humawak sa suot kong kuwintas dahil ang totoo... 

Kami ang nasa likod ng kuwentong 'yun.Ang reincarnation ng dalawang pusong nagmahalan na hanggang ngayon ay hindi pa naipaglalabang muli.

One shotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon