[Letlet]
Gusto n'yang sabihin sa Kuya Lucian niya na huwag siyang palaging tingnan nito. Paano ay wala itong ginawa kundi tingnan siya ng malagkit. Mabuti nalang at hindi 'yon napapansin ng kanilang Lola Asun.
Narito sila ngayon sa bahay at kasalukuyang nanananghalian. At katulad dati ay magkaharap sila ng binata.
Iniwas niya ang tingin sa binata ng biglang sumagi sa isip niya ang mainit na halikan sa pagitan nila kahapon.
"Letlet, nakikinig ka ba?" Seryosong tanong ng Lola niya.
"Po?"
Bumuntong-hininga ang matanda. "Kinausap ako ni Mario. Siya na ang kumausap sa akin tungkol sa inyong dalawa ni Balug. Ang akin lang, nasa tamang edad ka na at maaari ng magpakasal. Bilang Lola mo ay naisip ko na mainam na kung kay Balug ka nalang mapupunta kaysa sa kaninong binata rito sa Isla. Malapit naman ang pamilya natin—"
Gulat silang napatingin sa Kuya Lucian niya ng malakas nitong ibagsak ang kamao sa mesa.
Nakaramdam siya ng kaba at takot.
Sa sobrang dilim ng mukha ng binata ay tila papatay ito anumang sandali. Nangangalit ang ngipin nito at nagtaas-baba ang dibdib nito tanda ng sobrang galit.
"Oh, Lucian? Ano ang problema? Hindi mo ba nagustuhan ang niluto ko?" Tanong ng Lola nila.
Pinagpawisan siya ng hawakan ng Kuya Lucian niya ang kamay niya. Mabilis na hinila niya ang kamay.
Mabuti nalang at hindi 'yon nakita ng kanilang Lola.
"Hindi natin kailangan madaliin ang pag aasawa ni Letlet, Lola. Hindi niyo ba naisip na masyado pa siyang bata?" Naggagalawan ang panga ng binata habang mariin na nakatingin sa kanya.
"Bente na si Letlet, Lucian. Maaari na siyang mag asawa. Saka kilala ko ang pamilya ni Mario—"
"Hindi siya maaaring mag asawa." Putol ng binata sa matanda.
Bigla ang pagtalon ng puso niya sa hindi malamang dahilan.
Dahil ba sa tahasang pag amin nito sa kanyang harapan na hindi nito gustong mapunta siya sa iba?
Pigil ang ngiti na nagyuko siya ng ulo.
Ganito rin ba ang nararamdaman ng Kuya Lucian niya ng sagutin n'ya ng 'hindi' ang tanong nito kahapon?
"Masyadong isip bata si Letlet. Hindi siya magaling maglaba at hindi rin siya masarap magluto. Palpak siya pagdating sa mga gawaing bahay. Mapapahiya kayo, Lola, kung ipapakasal mo siya kay Balug ng wala siyang alam na tama." Ani ng pinsan niya bago sumubo ng pagkain na para bang balewala ang mga sinabi nito tungkol sa kanya.
Ang kaninang tuwa niya ay napalitan ng inis.
Walanghiya!
Tumango-tango ang Lola nila. "Tama ka, apo." Tiningnan siya nito. "Ikaw, magsanay ka ng maglaba ng maayos, hindi 'yong hindi mo maalis kahit maliit na mantsa sa damit. Magsanay ka rin na pasarapin pa ang iyong mga niluluto, hindi 'yong palagi nalang maalat o matabang ang hinahain mo sa amin."
Nakita niya kung paano gumuhit ang matagumpay na ngiti sa labi ng binatang kaharap.
Mas lalo siyang nainis.
"Lola naman! Nagrereklamo ka pa, eh siya nga hindi marunong magluto!" Turo niya sa pinsan niya.
Hindi daw masarap magluto?!
Sinamaan niya ng tingin ang binatang kaharap.
Hindi pala masarap magluto, eh di sana ay hindi siya ang inuutusan na magluto.