𝔠𝔥𝔞𝔭𝔱𝔢𝔯 15

15 2 0
                                    

I woke up on a hospital bed, at the end of the bed there's Basilio sleeping peacefully. I didn't bother him I just waited for him to wake up. Di rin naman nagtagal at nagising si Basilio, gulat ito ng makita akong gising na.

"Gising ka na!" sigaw nya saka pinindot ang pantawag sa Nurse. Naupo sya sa bed ko saka hinawakan ang kaliwa kong kamay at hinalikan iyon.

"Tatlong araw kang di gumising, Commander" sabi nya. He's anxious, I can feel it. "Are you okay? Bakit parang may something.." sabi ko pero umiling sya at ngumiti ng pilit.

"Asan si Paps?" tanong ko. His expression gets worse. "Gusto mo ba ng makakain? Nag luto ako ng pagkain—"

"Basilio, asaan si Paps?" tanong ko. Umiwas sya ng tingin sa akin, "Basilio!" galit na sabi ko sa kanya saka sya tumingin sa akin. "Please don't be mad.." sabi nya. My expression softened.

"Tinatanong ko lang naman kung na saan si Paps, gusto ko ikwento sa kanya na nakita ko si Mama" sabi ko pero napailing sya. He held both of my hands, "I'm sorry, Commander. I'm sorry! I'm sorry, I'm sorry, I'm sorry!" sabi nya.

"Bakit ka naman nagso'sorry?" sabi ko sabay tawa ng mahina.

"Captain Guerrero's gone.."

"Stop pranking me, you idiot." sabi ko kasi di ako naniniwala. "He is! And I'm sorry, kasi hindi mo na abutan. Na cremate na sya 2 days ago" sagot ni Basilio. I think my heart shattered into pieces, I felt numb.

"He's not.. He's not!" sigaw ko ng tumulo ang mga luha ko. "Stop joking!" sabi ko. I was trying to get out of his grip but he's strong. He hugged me to stop me, my heart is sad. I have nothing now, I have nothing..

Basilio's POV
Matapos ang pakikipaglaban sa kay Datu Talagbusao agad kong pinuntahan si Commander na wala ng malay. Dinala ko sya papunta sa medic at para makapunta kami kaagad sa ospital. I was dead worried about her.

Hindi ko na nga masilip ang iba pang nasaktan dahil inasikaso si Commander. Nag text sakin si Bossing na papunta na rin daw sila rito sa ospital, kinailangang pumunta sa E.R si Commander para sa natamo nyang sugat dahil sa bala.

Ilang oras akong nag intay sa kanya. Ilang minuto pa ang nag daan dumating sina Kuya Crispin dala ang mga gamit ni Captain Guerrero.

"Kamusta si Detective Guerrero?" tanong ni Bossing. "Na sa loob parin, Bossing.." pagod na sabi ko. "Wala na si Captain Guerrero, hindi ko na naagapan ang kamatayan." sabi ni Bossing.

"Paano si Commander?" tanong ko kaagad. "Alam kong magwawala si Commander kapag malalaman nya," I gritted my teeth. Guilt and sorrow filled my heart.

"Ganito talaga ang buhay, Basilio. May dadating at may mawawala.." sabi ni Bossing at tinapik ang balikat ko. "Bantayan mo si Detective Guerrero, kailangang i'cremate si Captain Guerrero." sabi ni Bossing at tumango ako. Nauna ng umalis si Bossing, si Kuya naman ibinaba ang gamit ni Captain Guerrero sa inuupuan ko kanina.

"Sasama na ako kay Bossing, Basilio. Ang huling bilin ni Captain Guerrero ay sabihin sa anak nya na mahal na mahal sya nito" sabi ni Kuya saka tinapik ako ulo ko. Sumunod na rin ito sa kay Bossing.

Kinabukasan noon, binantayan ko ang walang malay na si Commander. Kung paminsan minsan ay dumadalaw rin Hank para magdala ng pagkain kung sakaling magising si Commander.

Lagi kong inaayos ang kumot ni Commander at minsan ay sinusuklayan sya. Na miss ko na nga sya e, pero sa oras na magising ito.. Malungkot na balita ang maririnig nya.

Sa pangatlong araw, dumating si Damiano para kamustahin si Commander. Sinabi nyang kukuhanin nya si Commander para manirahan sa kanila, ngayong wala na ang ama nito. Syempre hindi ako sumang ayon sa sinabi nya pero pinigilan ako ni Bossing.

"Kapamilya nya sina Damiano. Mas okay na makasama nya muna ang mga kamag anak nya para mapag isip-isip" sabi ni Bossing. Binigay na rin nila ang abo ni Captain Guerrero sa kay Damiano. Tatawagan na lang daw namin sya kapag nagising na si Commander.

Pagkasiging ko, gising na si Commander. Nagtatanong na nga rin sya kung na Saan si Captain Guerrero pero hindi ko masabi dahil ayokong nakikita syang nasasaktan.

Nang masabi ko ang katotohanan, hinigpitan ko ang kayap sa kanya. "Paps!" sambit nya habang umiiyak. Pinipilit kong huwag umiyak, sakto naman at dumating na ang nurse kasama sina Kuya Crispin.

Binitawan ko lang saglit si Commander para matignan sya ng nurse pero nagwala ito. Wala kaming nagawa kundi turukan sya ng pampakalma. Kumalma na nga sya pero hindi naman  ito nagsasalita.

Dumating sina Sargeant Tapia at ang iba pang kasamahan nito para dalawin si Captain. Naririto lang ako sa gilid para bantayan sya, pinagkrus ko ang mga kamay ko habang tinitignan sya ng maigi.

Para syang wala sa huwisyo, nag aalala na talaga ako. Wala naman akong ibang magawa para malibang sya, ang tanging magagawa ko lang ay ang bantayan muna sya. Pagkatapos ng mga pagbisita naupo na ulit ako sa tabi ni Commander habang hawak ang ilang gamit ni Captain Guerrero.

Ibinigay ko ang ilang damit sa kanya, ang baril, kuwintas, relo at ang badge ni Captain Guerrero. Niyakap nya ang damit ni Captain Guerrero habang na tulo ang luha nyang nakatingin sa akin.

Tinignan ko sya saka pinunasan ang mga luha nya. "Sa tingin mo masaya na si Paps kasama ni Mama?" tanong nito sa akin at tumango ako. Kinuha ko sa bulsa ko ang tiger's eye saka ibinalik sa kanya.

Kinuha naman nya ito saka ako niyakap. "Thank you, Basilio. Alam ko namang nakabantay na sila sa akin. Salamat talaga.." sabi nya na medyo ikinaginhawa ko.

"Alam kong mahirap mawalan ng magulang.. Pero Naririto parin kami nina Bossing para maging pamilya mo" sabi ko sa kanya at hinawi ang ilang buhok sa mukha nya.

"Alam ko.." sabi nito. "Mahal kita.." mahina kong sabi saka hinalikan ang noo nya. Kahit hindi nya narinig masaya akong paglingkuran sya sa panahong kailangan nya ng masasandalan. Pinatulog ko na sya pagkatapos noon saka lumabas ng room nya.

Nakita ko si Kuya Crispin na papalapit sa akin.
"Tinawagan na namin si Damiano, on the way na daw sya rito para sunduin si Detective Guerrero." sabi nya at tumango ako. "Alam kong may galit ka kay Damiano, Basilio. Pero isantabi mo muna ngayong kailangan ng moral support ni Detective." dagdag nito saka ako tumango.

Deep inside gusto kong suntukin ang pagmumukha ni Damiano kung makikita ko sya ulit.

"Sya nga pala, binigyan tayo ng pamasahe ni Bossing. Mukhang mag ko'commute tayo kasi nasira natin sasakyan ni Hank" sabi ni Kuya Crispin at napakamot sa ulo nito. "Mag teleport na kasi tayo" suhistyon ko pero umiling ito.

"Ayokong mag suka ulit, Basilio. Tsaka may bibisitahin pa akong bebot kaya ibibigay ko na sayo ang kalahati ng pamasahe" sabi nya.




Americana // Reader x Basilio // FanfictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon