Maagang pumasok si Miguel sa kompanya ng araw na iyun. Papasok na sana ang binata sa loob ng kanyang opisina, ng mapansin ang bakanteng pwesto ni Cathy.
''Si Miss Gonzalez?'' tanong ni Miguel sa katabing mesa ni Cathy na si Joan
''Naku Sir, wala pa po, baka po late lang..." sagot ni Joan
Bahagyang nagtaka si Miguel dahil alam nyang hindi nman nalalate ang dalaga.
''Hindi nman yun nalalate eh,.. marami pa nman akong ipagagawa sa kanya ngayun, well anyway, kapag dumating na sya pakisabi pumasok kaagad sa opisina ko..." wika ni Miguel saka mabilis na nagtungo papasok ng kanyang office.
...........
Lumipas pa ang ilang minuto ay hindi pa rin dumarating si Cathy. Lumabas ng opisina si Miguel para mag usisa kong bakit hindi pa rin dumarating ang Secretary nya.
''Wala pa rin ba si Miss Gonzalez?'' nakakunot noong tanong ng binata
''Wala pa rin po Sir..'' sagot ni Joan
''Nagsabi ba sa inyo kung bakit hindi sya makakapasok ngayun?..'' tanong ni Miguel kay Joan
''Hindi po nagsabi sakin..'' wika ni Joan
''Sakin din po..'' sagot naman ni Franz
"Hays..."
Bumalik ang problemadong si Miguel ng kanyang opisina, habang iniisip kung bakit bigla na lang hindi pumasok si Cathy ng araw na iyun. Naalala ng binata ang malungkot na Cathy na nakita nya kahapon.
..............
Tok...tok
''Pasok..''
''Sir, Si Sir Anton po nasa labas..'' wika ni Joan
''Ah sige papasukin mo..''
Pumasok ng opisina ang kumpare at bestfriend ni Miguel, si Anton.
''Pare kamusta?,.. sabi ko nman sayo kung ayaw mo kong dalawin, ako na lang ang dadalaw sayo, haha...''
Umupo si Anton sa upuan sa harapan ng table ni Miguel.
''Hindi naman sa ayaw,.. busy lang talaga..'' paliwanag ng seryusong si Miguel
Napangiti na lamang si Anton ng titigin nito si Miguel.
''Kamusta,.. bakit mukang stress ka na nman yata,.. hindi ko na nakitang ngumiti man lang yang mga labi mo ah..'' puna ni Anton sa binata
Napabuntong hininga na lang ang binata.
''Masyado lang talagang maraming ginagawa..''
''Bakit kasi hindi ka na ulit mag jowa, Im sure nman naka move on ka na, para nman sumaya ka na ulit..'' biro ni Anton
''Haha, masaya naman ako ah, saka alam mo naman kung bakit ayuko pang mag girlfriend ulit, hindi ba..."
''Hay naku, kung may magagawa lang sana ako para mapagaan yang nararamdaman mo...'' seryusong sabi ni Anton
''Okay lang ako, teka,.. kumain ka na ba?, tara kain tayo sa baba..'' pagyaya ni Miguel kay Anton
''Tara, basta ba libre mo ehh..'' nakangiting pag sang ayun ni Anton
Lumabas ang dalawa para kumain. Habang naghihintay ng kanilang order ay napag usapan ni Anton at Miguel si Cindy.
''Balita ko, binisita ka raw ni Cindy kahapon,..kelan pa pala sya dumating galing France?..'' tanong ni Anton kay Miguel
''Nong makalawa lang, nagulat nga din ako, pagdating ko kahapon dito, nakita ko sya sa lobby naghihintay sakin..'' seryusong sagot ni Miguel
''Ipinasyal mo man lang ba?..''
BINABASA MO ANG
417 Days With You - TAGALOG
عاطفيةCompleted... Tagalog. Si Cathy ay isang inosenteng dalaga na walang ibang gusto kundi ang mahanap ang tamang tao para sa kanya. Pero, mahalin rin kaya sya ni Mr. Right kung hindi pa ito nakaka move on sa ex nya?. Paano kung may ibang taong handa sy...