CHAPTER 5
Nakahanger pa naman yung pantalon ko at hindi ko pa nilalabahan, nagpalit kasi ako ng pantalon, yung isa ko pang extra yung suot ko ngayon, wew, kakaisip ko to eh kaya nawala na sa isip ko yung I.D. nya
Malayo na ang itinakbo ng jeep, alangan namang bumaba pa ako, ahm.. bukas ko na lang isauli ay teka sabado bukas naku walang pasok yun bale tatlong araw sa akin yung I.D. nya, kawawa naman parang nakakakonsensya eh pero basta kasalanan nya yun eh
6.50am nung makarating ako sa school, kakaunti pa lang ang mga estudyante, Math subject nga pala kami ngayon at hinanap ko yung room namin at nakita kong kakaunti pa lang sila sa loob, pero mamaya dadami yan kasi magkasama na dito yung dalawang course, yung sa course namin at tsaka yung course na HRM, yun yung tungkol sa pagluluto
Pero maaga pa naman, kaya di muna ako pumasok sa room, tumambay muna ako sa front desk kung saan nandun yung mga admin ng school, may mga upuan kasi doon at malakas ang aircon kaya masarap maupo dun
Naroon din yung iba kong classmate pero wala pang pansinan kasi di pa naman kami magkakakilala halos, basahin ko sana mga iniisip nila kaso nakakahiyang tumingin sa kanila
Hanggang may pumasok na isang babaeng estudyante at kasama yung manong guard na si Dasme na kadalasan dun sa gate nakabantay, papunta sila sa front desk para kausapin siguro yung dalawang admin ng school na naka-toka dun
Pamilyar yung babae, maganda, oo maganda, pero saan ko ba sya nakita nuon at hindi ko maalala
"yes mang Dasme, ano ho iyon?" tanong ng admin na si Angel
"eh heto po kasi naiwala daw yung I.D. nya kahapon," sagot ni mang Dasme na nagkakamot pa ng ulo
"Oh?" maikling tugon ni admin
"ma'm nawala ko po yung I.D. ko paano po yun," sabi ng babaeng kasama ni manong guard
Hala, sya na siguro yung may-ari ng I.D. na nakalaglag kahapon na nasa akin naman ngayon, kamukha nya yung nasa picture ng I.D. eh
"pangalan mo?" tanong sa kanya ni Angel
"Diane po," sagot ng babae
Naku sya nga walang duda, sya ang may ari ng I.D. na naiwan ko naman sa bahay, nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba sa kanya o hinde
"I'm sorry miss Diane pero kung di mo mahahanap yung I.D. mo, hindi ka namin papapasukin or kung gusto mo ulit magpagawa ng I.D. walang problema pero aabutin ng 1day or 2day bago magawa yun," sabi sa kanya ni admin
"pero ma'm paano yan may klase po ako ngayon, pwede bang mag-excuse na nawala ko sya," sabi ni Diane
"sorry hindi talaga pwede, alam nyo naman na siguro na strict yung school natin diba,"
Aw nakonsensya talaga ako, strict kasi dito sa school, no I.D. no Entry talaga kaya yung mga bagong enroll dito hindi muna pinapayagan na pumasok hangga't hindi pa kumpleto lahat ng requirements nila
Dahil sa nangyari ngayon parang ayoko ng lumantad at sabihin na nasa akin yung I.D. nya, maya maya ay dumating na yung teacher namin, umalis na ako sa front desk at pumasok na sa loob ng room dahil magstart na sigurado yung class
Nasa isip ko pa rin yung I.D. ng babaeng yun nung naghahanap ako ng bakanteng upuan sa room, marami na kasi nakaupo sa harap kaya umupo ako sa bandang gitna kung saan may tatlong bakanteng upuan na magkakatabi at sa dulo nun ay may nakaupong isang lalaki malapit sa bintana
Umupo ako malapit sa kanya kung saan isang bakanteng upuan pa ang pagitan namin, sa tingin ko bagong enroll lang ang lalaking ito, ngayon ko lang kasi nakita ang itsura nya dito sa school
"tol, graphic design ka?" bigla nyang tanong
"huh oo," sagot ko at mukang tinutukoy nya ang course ko
"ayos magkaklase tayo, graphic design din kinukuha ko," sabi nya
"bago ka lang dito?" tanong ko para naman kahit papaano eh may silbi akong kausap sa kanya
"oo tol, teka masungit ba yung teacher natin ngayon?"
"oo terror daw yun,"
"asus, wala yan, minor subject lang yan," sagot nya
Hindi ko pa kilala ang lalaking ito pero mukhang magkakasundo kami, gusto ko yung mga ganitong klaseng tao, yung malaki tiwala sa sarili haha >:-D
Pagkatapos nun eh tumingin tingin sya sa harap, mukang tinitingnan nya yung mga bagong pasok ng room
( nagdatingan yung parang mga buraot )
Yun yung nasa isip nya nung dumating yung apat na lalaking magkakatropa, kaklase din naman namin sila pero isipin bang mga buraot yan
"oy ano," tawag nya sakin
"Dark pangalan ko," sinabi ko na pangalan ko, ang pangit kasi kung itawag sayo ay ANO
"ahh Dark, dito ka na umupo," sabi nya
Tinuturo nya yung bakanteng upuan sa pagitan namin, mukang ayaw nyang makatabi yung mga mukang buraot daw kasi konti na lang yung bakanteng upuan, sinunod ko na lang eh upuan lang naman yan
"ako naman si Jazer," sabi nya nung umupo ako sa tabi nya,"eehh, ang baduy nun ah," bigla nyang bawi
"haha," natawa na lang ako sa kanya
"basta yun na yun haha," sabi nya
ITUTULOY . . .
BINABASA MO ANG
Mystery Life: Hidden Story
FantasyAng kwento tungkol sa misteryong pagkatao ni Dark na nagkaroon ng ability na makabasa ng iniisip ng ibang tao sa pamamagitan lang ng pagtingin sa kanilang mga mata. Maganda nga ba ang idudulot nito sa kanya? Handa na rin kaya syang mabunyag ang mga...