CHAPTER 50

48 2 0
                                    

A/N: EXPECT TYPOS, WRONG GRAMMAR AND SPELLING
FEEL FREE TO COMMENT AND DON'T FORGET TO VOTE.
HAPPY READING!!! ^_^

PS: Epilogue is next. Yay!

CHAPTER 50

"Mukhang masaya na kayo. Mabuti pa ay umalis na ako at naaalibadbaran ako sa inyo." Biglang sabi ni Mami. Agad namang itinulak ng secretary niya ang wheelchair niya pero bigla niya itong pinahinto ng malapit na sila sa pintuan.

"Before I forgot. be ready Jenny. Your wedding will be on the other day." Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng sabihin niya iyon. Plano ko sanang ako na lang ang magsasabi sa mga kapatid ko ng tungkol dito. Napayuko na lang ako napapikit ng mariin. Narinig ko na lang na sumara ang pintuan.

"Kasal?" nagtatakang tanong ni JM sa akin. "Anong ibig sabihin niya, Ditche?" huminga muna ako ng malalim bago siya sagutin.

"Oo, kasal. Kailangan kong gawin iyon para malaman kung nasaan ang p-puntod ni Mama." Hindi ko maiwasang malungkot. Pero wala na akong magagawa, kailangan kong sumunod.

"Puntod ni Mama!" napalakas na sabi ni Ate. "Sigurado ka ba sa sinasabi mo Jen? Ilang taon na naming hinahanap kung saan nga inilibing si Mama. Mula ng dumating ako rito at nalaman na wala na si Mama. Ginawa ko ang lahat para malaman kung nasaan ang puntod niya."

"Kung ganoon, hindi niyo rin alam kung nasaan iyon? Pero kung iisipin nga naman, hindi na iyon ang hihinging kapalit ni Mami sa kasal kung may ideya kayo kung nasaan iyon. Kung ganoon ay mas kailangan kong ituloy ang kasal kahit ano pang mangyari. Kailangan nating malaman kung nasaan si Mama." At hindi ko naiwasang maluha sa isiping wala na ngang talaga si Mama. Agad akong niyakap ni JM.

"Iiyak mo lang iyan Ditche, alam ko, alam ko kung gaano kasakit. Sige lang, ilabas mo lang iyan. Mas makabubuti iyan para sa'yo." At pinatahan ako ni JM ganoon na rin si Ate.

Mabilis lumipas ang isang araw at araw na kasala. Hindi ko pa rin sinasabi sa kanila kung sino ang papakasalan ko at hindi rin naman sila nagtatanong. Ngayon, nandito na ko sa kwarto ko, kung saan ako inihatid nila Ate kahapon.

Nakahanda na lahat ng kakailanganin sa kasal. Mula sa wedding gown, sapatos, at pati sa make-up artist. Hindi ko alam kung paano nila nalaman ang size ko pero ano pa bang aasahan ko kay Mami, alam naman ata niya ang lahat. Paniguradong pati sa reception at sa iba pang mga kakailanganin ay malamang sa naihanda na niya. Maayos na ang lahat pero ako ang hindi pa handa.

Pumasok si Ate sa kuwarto at awtomatiko namang nagsilabasan ang mga nagaayos sa akin. Mayroon siyang malaking ngiti sa mga labi niya pero agad din iyong nabura nang makita niyang hindi ako masaya.

"Anong problema?" nag-aalalang tanong niya. "Hindi ka ba masaya? Ikakasal ka na sa taong mahal mo oh." Nakangiting sabi niya sa akin. Naikunot ko ang noo ko sa sinabi niya. Anong taong mahal ko? Hindi kaya...

"Ate, sino sa tingin mo ang papakasalan ko?" diretsong tanong ko at nakita ko kung paano kumunot ang noo niya sa pagtataka.

"Hindi ba si Shi? Naikwento sa akin ni JM na iyong lalaking iyon daw ang kasama mo noong nagkita kayo sa Manila at mukhang nobyo mo raw iyon base sa naalala niya dahil sobra-sobra daw ang pag-aalala sa iyo noong pinaalis ka niya. Bakit? Hindi ba siya?" takang sabi ni Ate.

Hindi sila nagtanong sa akin at wala rin akong lakas ng loob na sabihin dahil kahit naman sabihin ko hindi rin naman nila kilala si Jerick. Pero mukhang kailangan nilang malaman dahil hindi ko na kakayanin pang sarilinin ito. Isa pa malalaman din naman nila mamaya kung sino ang papakasalan ko.

"A-Ate." Awtomatikong nangilid ang mga luha luha ko. "Hindi si Shi ang papakasalan ko, kaibigan ko lang siya."

"Kung ganoon, sino?"

"Hindi ba sinabi ko na itong kasal na ito ang kapalit para malaman natin kung nasaan ang puntod ni Mama." Tumango siya bilang sagot. "Ibang lalaki ang papakasalan ko Ate. Kung sino mang napili ni Mami ay siyang papakasalan ko ngayon."

"Ano!? Bakit hindi mo agad sinabi? Kung alam ko lang eh 'di sana kinompronta ko ang Mami na iyan. Anong karapatan niya ipakasal kung sinong lalaki dahil lang sa iyon ang pinili niya? Hubarin mo ang gown na iyan Jen, ngayon na. Walang matutuloy na kasalan." Aalis na sana si Ate pero pinigilan ko siya.

"Hindi na ako pwedeng umatras, nakapirma na ako sa kontrata." Nakayukong sabi ko na lang. Pakiramdam ko tuloy ay hindi ako nag-iisip pero silang pamilya ko na ang usapan at ayaw ko ng palampasin pa ang pagkakataon.

"Anong kontrata!?" pasigaw na na tanong ni Ate.

"Na pumapayag ako sa mga napagkasunduan namin ni Mami kapalit na makakasama ko kayo ni JM at na malalaman ko kung nasaan ang puntod ni Mama. Ate, wala na akong ibang maisip pa na solusyon. Sasaktan niya kayo kapag hindi ako pumayag, ang babata pa ng mga pamangkin ko. Halos walong taon akong nangulila sa inyo, anim na taon ang mag-isa. Namatay si Papa at ako lang mag-isa ni hindi ko alam kung nasaan kayo."

"Kailangan ko lang magsakripisyo ng kakaunting bagay at makakasama ko na kayo. Miss na miss ko na kayo. Ayaw ko na ulit mag-isa. Natatakot akong kapag pinalampas ko pa ito ay wala ng susunod pang pagkakataon. Kaya papakasalan ko kahit na sino pang lalaki kung kapalit naman noon ay makakasama ko kayo ulit." Paniguradong nasira na ang make-up ko sa pag-iyak.

"Jenny, I'm sorry. Ang laki-laki ng pagkukulang ko sa'yo bilang Ate mo. Hindi ko alam na ganoon pala ang pinagdaanan mo. Pero, wala na bang ibang paraan?" umiling na lang ako bilang sagot dahil baka humagulgol na talaga ako kapag nagsalita pa ako.

"Kung ganoon ay wala na akong magagawa. Ayaw ko man, pero panigurado rin akong hindi hahayaan ni Mami na hindi matuloy ang kasal na ito. Pero ang maipapangako ko sa iyo, nandito lang ako sa tabi mo, nandito na ko." Nakangiting sabi ni Ate sa akin, pilit pinapagaan ang loob ko. Yinakap niya ako ng mahigpit matapos noon.

Nakita ko na lang ang sarili ko na nasa harapan ng simabahan, suot ang magarbong wedding gown, hawak ang isang pumpon ng pulang rosas. Maayos na ang itsura ko at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako handa.

Pero kaya mo 'yan Jen. Kailangan mong gawin ito. Para sa Mama mo at sa mga kapatid mo. Kaya mo iyan. Huminga ako ng malalim nang narinig ko ng tumugtog ang wedding song, hudyat na papasok na ako sa simbahan.

Oras na nakita ko ang altar ay sinabi ko na sa isip ko na ito na 'yon. Marami na kong napagdaanan, ngayon pa ko susuko. Kahit anong mangyari ay kakayanin ko. Sa araw na ito ay ikinasal ako sa lalaking hindi ko mahal at ito rin ang araw kung kailan tuluyan ko ng kinalimutan ang sarili ko, ang totoong ako. Ngayon din ang araw na kinalimutan ko na ang lahat sa nakaraan ko, mga pangyayari maski na ang mga tao.

Ako na ang bagong Jen, ang Jen na magiging sunod-sunuran para lang sa ikaliligtas ng pamilya ko.

KABUNGGUANG BALIKAT(KAIBIGAN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon