" We all need to talk."
Nakayuko pa din siya habang tumutulo ang kanyang luha. Halos panawan siya ng ulirat ng malaman ang ginawa ni Czesta.
Hindi niya akalain na nanaiisin ni Czesta na mamatay na lang. Marahil nagpapahirap dito ang pagtatago nila ng relasyon. Kaya naglakas loob siyang umamin sa harap ng kanilang mga magulang. He wants to save Czesta! He doesn't want to lose her this way!
" Tumayo ka na diyan, Sebastian."
Utos ng ina ni Czesta, pero hindi siya natinag.
Isang masuyong palad ang humawak sa mga balikat niya at inalalayan siyang tumayo." K-kuya."
Terry's eyes are full of tears. Mahigpit itong yumakap sa kanya. Alam niyang may dahilan ang magulang kung bakit ayaw siyang lapitan.
They don't want to hurt him. Tanda ang galit na tingin ng kanyang ama at nakakuyom nitong mga palad. And her mother is also crying habang mahigpit ang kapit sa laylayan ng T-shirt ng kanyang ama.
Kasalukuyan pang nasa crisis ang kanilang pamilya dahil sa kanyang Ate Lavin. And his problem is worst!
" Please put her to sleep."
Utos ni Tito Theo sa bagong pasok na mga doctor at nurses.
" No! Daddy I need to know. Makikita ko pa ba si Sean paggising ko?"
Umiiyak na tanong ni Czesta. She's trying to reach my hand, pero hindi nito magawa dahil naka restraint ito sa railing ng hospital bed. May benda ang isang pulsuhan nito at ang kabila naman ay may naka kabit na IV fluids.
Dahil hindi sumagot ang mga magulang nito. Naging hysterical ito. Kaya lumapit siya at hinawakan ito sa kamay.
" I'm not going to leave you, Czesta. I promise. You go, I will follow. Magsasama tayo, maybe not in this life. But after death."
He heard a loud bang on the hospital wall. Hindi niya alam kung sino ang gumawa. Pero nakahanda na siya sa parusa sa kasalanan nilang ginawa.
Magka hawak ang kanilang mga kamay hanggang magkaroon ng epekto ang gamot ng itinurok ng mga ito.
Ilang saglit na namayani ang katahimikan sa silid na iyon. Hanggang basagin iyon ni Tita Olga.
" Terry, please stay with Czesta. Tatawag lang kami kay Logan to look also after her."
Tumango naman ang kapatid niya. She glances at me with so much worry. Hindi naman siya makatingin sa mga magulang.
" I will ask Ivanna if she can lend me a conference room."
Dumaan ang sandali na naging abala ang mga magulang ni Czesta sa pag tawag. Habang umiiwas siya nang tingin sa mga magulang.
" Hindi na sana namin hinayaan na maging malapit kayo sa isa't isa."
Punong puno nang pagsisi ng kanyang ina.
" Sinubukan naman namin, Mom. Ang pag alis ko para sa further studies ko, dahil umiiwas ako sa kanya. But she's like a magnet, I can't pull myself away from her."
" Punyeta Sebastian! Ang daming babae, at hindi kami namimili ng mommy mo kung sino ang gugustuhin mo. Pero ang pinsan mo?!"
Hindi makapaniwala na bulalas ng kanyang ama. Hindi siya nagsalita at malungkot lang ba sumulyap kay Czesta na mahimbing ng natutulog.
" Ready na ang conference room. Doon na lang natin ituloy ang usapan. And we have to settle everything now."
Pagputol ni Tito Theo sa nagsisimula na tension sa pagitan nila ng kanyang ama. Mabilis na lumabas ang kanyang mga magulang. At sinenyasan siya ng magulang, ni Czesta na sumunod. Lumingon muna siya kay Czesta bago sumunod sa mga magulang.
Narinig pa niya ang bilin ni Tita Olga kay Terry.
" Don't leave, Czesta. Padating na si Logan."
" Yes po, Tita Olga."
Pagpasok nila sa marahil doctors conference room ay sa katapat na upuan siya naupo ng mga magulang. Alam niya na ipinagpapasalamat ng kanyang mga magulang.
Gaano man kasama ng nagawa niyang kasalanan, alam niyang pinipilit ng mga itong hindi siya saktan.
" Hanggang saan na nakarating ang relasyon ninyo, Sebastian?"
Masama ang tingin na tanong sa kanya ng kanyang ama. Hindi siya sumagot. Sakto naman na magkasunod na pumasok ang magulang ni Czesta.
" Hindi ko akalain na darating si Czesta sa puntong ito."
Simula ni Tito Theo na nakatingin sa kanya.
" We did try to suppress our feelings. But I don't know. Hindi ko din maipaliwanag kung bakit?"
Parang palaisipan sa kanya lahat. Iyon lang ang maibibigay niyang paliwanag.
" Dahil simula pagka bata magkasama na kayo. Baka naipag kamali lang ninyo ang nararamdaman? Kailangan ninyong lumayo sa isa't isa."
Suhestiyon ng kanyang ina.
" Marry Dhanya, Sebastian. Baka matutunan mo siyang mahalin.And send Czesta to study abroad."
Sabi ng kanyang ama. Pero umiling lang siya.
" Paano kung gawin ni Czesta ulit iyon? Trying to kill herself? Dad, I'm not kidding. Magpapakamatay din ako!"
Sagot niya dito at napatayo naman ang kanyang ama at humampas ang mga palad sa mesa.
" So be it, Sebastian! Naiisip mo ba ang magiging buhay ninyo? Habang buhay kayong kukutyain. Do you want that? Be rational! Hanggang pwede pang isalba ang buhay ninyo. I will do it!"
Tumayo din siya at akmang aalis na dahil alam na niya ang kahihinatnan ng pag uusap. Paghihiwalayin sila ni Czesta. He will not allow that to happen.
" Please, stay Sebastian."
Pakiusap ni Tita Olga. Pero malungkot lang siyang sumulyap dito.
" I'm sorry Tita, pero hindi ako papayag sa gusto ninyong lahat. Lalayo na lang kami ni Czesta. Consider us dead."
" Oh my God!"
Halos mawalan ng malay ang kanyang ina sa kanyang sinabi.
" Just sit and listen to us, Sebastian."
Ma awtoridad na utos ni Tito Theo kaya bumalik siya sa kanyang upuan.
"Hindi ko hahayaan na mawala sa amin si Czesta. You have no idea what she's been through to be brought into this world."
Umiiyak na sabi ni Tita Olga. Hinawakan ni Tito Theo ang palad nito na nanginginig.Marahil sa stress at matinding tension mula ng makita ang halos walang buhay na katawan ni Czesta.
" Hanggang saan na nakarating ang relasyon ninyo ni Czesta?"
Na iwasan niya ang tanong na iyon ng kanyang ama. Pero mukhang hindi niya maiwasan sagutin iyon ngayon. Lalo na klase ng tingin ng kanyang Tito Theo.
" Czesta is pregnant. Ikaw ba ang ama?"
Bago siya makasagot ay muling tanong nito. At parang bomba iyong sumabog sa kanyang mga magulang.
At wala ng nakapigil sa kanyang ama ng hawakan siya sa kuwelyo at suntukin sa mukha!
BINABASA MO ANG
Boss Series 8: The boss hidden desire
RomanceSebastian Cervantes Buenavista - boss of real state empire. Young and handsome billionaire. Hindi niya dapat nararamdaman ang ganito kay Czesta Marie. He is being possessive of her. He wants her for himself! It's forbidden, they are cousins. But he...