Chapter 28

3.1K 110 12
                                    

" Bestie, I'm sorry. Tell me, gusto mo pa din bang magpakasal tayo? Malaking tulong ba sa iyo iyon? Sige payag na ako."

Tipid niyang nginitian si Darryl na bumisita sa kanya.

" Salamat, best. Kaya ko ginawa iyon para tuluyan ng takasan ang lahat."

Malungkot niyang sabi.

" Pero hindi tama, Czes."

Bumakas ang lungkot sa mga mata nito.

" Wala naman yata akong nagawa na tama, best."

Naiiyak niyang sabi. Dahil iyon ang pakiramdam niya. Narinig niya ang pag hugot nito ng malalim na buntong hininga.

" Don't say that, Czesta. Ang dami nagmamahal sa iyo."

Hinawakan nito ang kamay niya. Sa ngayon hindi na iyon naka restraint. Dahil kinausap siya ni Sebastian. At alam niyang hindi ito nagbibiro. Ayaw niyang gawin ni Sebastian ang ginawa niya.

Ang laki ng relief niya ng pagmulat ng mata niya ay makita itong nakayukyok sa kanyang kama.

Ang akala niya ay pinaghiwalay na sila ng tuluyan ng mga magulang. Wala man lumabas sa kanyang bibig pero nagtatanong ang kanyang mga mata.

" They don't want us to be dead."

Tipid lang na sagot ni Sebastian at hinalikan siya sa noo. Kasabay ng pag bulong nito sa kanya nang mga salitang hindi niya alam kung totoo.

" Mahal kita at hindi mali na nagmahalan tayo. We are not related Czesta."

Naiyak lang siya sa sinabi nito. Ganun ba ang usapan nila para hindi siya ma guilty? Para hindi na niya pagtangkaan ang buhay niya?

Sebastian made her promise that she will not do it again. Dahil mag pa pakasal pa sila. Tumango na lang siya. Kahit hindi siya sigurado kung nagsasabi ba ito ng totoo.

" Czes, I'm willing to help you. Sabihin mo lang."

Bahagya pa nitong pinisil ang kanyang palad.

" Alam ko salamat, best."

Pasalamat niya dito. Nanatili pa ito ng ilang sandali sa kanyang silid. Hindi pinahintulutan ng kanyang mga magulang ang ibang nais dumalaw sa kanya. Laki niyang pasasalamat dahil ayaw niyang magpaliwanag.

Nanatili siya ng ilang araw pa sa hospital. Hanggang maging oras na ng kanyang pag uwi.

" Mommy."

Mahina niyang tawag sa kanyang ina na abala sa pag aayos ng gamit niya. Tumigil agad ito at bumaling sa kanya.

" Yes?"

Tanong nito, gusto sana niyang magtanong. Pero umiling na lang siya.

" Czesta, don't keep it to yourself. Di ba sabi ng doctor verbalize your feelings?"

Lumapit ito ng tuluyan sa kanya at hinaplos ang kanyang pisngi.

" I'm sorry, Mommy."

Niyakap siya ng kanyang ina ng mahigpit.

" Hindi ka dapat humingi ng paumanhin. Kung nagsabi ka lang noong una pa. Dapat noon mo pa nalaman na hindi naman kayo related ni Sebastian."

Kumawala siya at tumingin sa kanyang ina. Pilit niyang hinahanap sa mukha nito ang katotohanan.

" Sinasabi ninyo ba iyan sa akin, para hindi ko na ulitin ang ginawa ko?"

Agad na namuo ang luha sa kanyang mga mata.

" No, Czesta. I'm sorry, pero hindi namin alam ng Daddy mo na aabot sa ganito. Kaya hindi namin sinabi sa iyo ang totoo."

" Anong totoo, Mommy?"

Parang huminto ang lahat para sa kanya.

" Anak, we love you."

Sa halip sagot nito.

" I know Mom! But, please!"

Naiiyak na niyang sabi.

" Baka hindi ka pa handa sa kondisyon mo-"

" I need to know! Please ngayon na!"

Putol niya sa sasabihin ng kanyang ina. Parang naalangan ito.

" Dad!"

Tawag niya sa ama na bagong pasok. He might settle the bills.

" Theo."

Tawag din ng kanyang ina. Agad itong lumapit sa kanila. Yumakap ito sa kanyang ina ng mahigpit.

" Hindi ko kayang sabihin."

Umiiyak na nitong sabi. Kaya humagod ang palad nito sa likod ng kanyang ina na umiiyak.

" Daddy..."

Panimula niya pero inabot din siya nito at niyakap.

" Czesta, wala kaming hangad ng Mommy mo kundi ikabubuti mo. Let's go home and talk about it."

Pakiusap nito. Dahil sa nakitang anyo ng ina, napahinuhod siya. Matipid lang siyang tumango.

Habang pauwi punong puno siya ng agam agam. Ano ang kasinungalingan? Ang pagkatao niya o ang sasabihin ng mga ito?

Nasa sala sila ng dumating si Logan. Marahil ipinatawag din ito ng kanyang magulang.

May inabot sa kanya ang kanyang ama. Nanginginig niya iyong binuksan.

" That's your  DNA test  Czesta. You're not my daughter."

Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Masaya na malungkot? Hindi niya alam.

" Mom?!"

Hindi makapaniwala na bulalas ni Logan.Marahil sa katotohanan na sumagi sa isip nito. Anak siya sa ibang lalaki ng kanyang ina.

" H-hindi din kita anak Czesta."

Sabi ng kanyang ina na punong puno ng lungkot ang mukha na nakatingin sa kanya. Nahulog ang papel na kanyang hawak.

"I - i ..."

" You're mother is Olivia, Czesta."

Sabi ng kanyang ama. Naramdaman niya ang paghawak ni Logan sa kanyang mga balikat.

" Auntie Olivia?!"

Tumango ang kanyang mga magulang. Pag dumadalaw siya sa Boston alam niya ang namatay na kapatid ng kayang kinikilalang ina. Maliban doon wala na siyang alam.

" She has cardiac problems, hindi dapat siya magbuntis. But she chooses to have you, Czesta."

Umiiyak na sabi ng kanyang ina. At hindi niya napigilan ang mapaiyak sa sinapit ng tunay na ina para lang siya mabuhay.

" My f- father?"

Tigmak ang luha niyang tanong sa mga ito.At least she is still related sa kinikilala niyang ina.

" He's my comrade. Who died also na hindi man lang nalalaman na may anak siya."

Malungkot na sabi ng kanyang ama. Kaya mas siyang napaiyak.

" Sana maintindihan mo kung bakit hindi namin sinabi. Dahil baka maghanap ka sa bagay na hindi na kailanman mabubuo. Pero kahit hindi ka man galing sa amin ng mommy mo. Anak na ang turing namin sa iyo, ikaw ang panganay namin Czesta."

Punong puno ng damdamin ng sabi ng kanyang ama.Tumango tango siya habang walang patid ang pag iyak.

" S- Sebastian's and I..."

Hindi niya makuha ang tamang salita na sasabihin.

" Hindi kayo related ni Sebastian. And loving him is not a sin. Hindi kasalanan na minahal mo siya ay minamahal ka niya."

Sabi ng kanyang ina.

" Hindi ko alam ang nararamdaman ko Mommy."

Sabi niya sa mga ito at maging si Logan ay nililingon niyang naka hawak pa din sa balikat niya.

" That's normal. You're extraordinary emotional dahil buntis ka."

Isang pang pasabog na hindi na niya kinaya. Nagdilim ang lahat at pag tawag na lang sa kanyang pangalan ang narinig niya bago tuluyan panawan siya ng ulirat.

Boss Series 8: The boss hidden desireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon