Basilio's POV
"Ako si Mr. Suave~~" kanta ko kasabay si Kuya Crispin. Si Bossing naka upo lang habang umiinom ng softdrinks, nag aya kasi kami ng day off at nag request kami sa karaoke bar.
"Heto ako, basang basa sa ulan! Walang masisilungan, walang malalapitan.." kanta ni Kuya Crispin habang umiiyak. Di ko nga alam kung bakit, tinapik ko na lang ang likuran nya saka winagayway ang kamay sa hangin para sabayan sya.
Pagkatapos naming kumanta naupo na kami malapit kay Bossing. "Si Bossing ang K.J ayaw manlang kumanta" sabi ko saka kinuha ang softdrinks sa lamesa. "Ayoko," cold na sabi ni Bossing.
"Damot isang kanta lang, teka kamusta na kayo ni Maliksi? Yiee hindi malamig ang pasko ni Bossing ah" sabi naman ni Kuya. Na patawa ako ng marinig iyon.
"Tigilan nyo nga ako," sagot ni Bossing. Nag pout ako ng mag aya na si Bossing na umuwi. Ang ibig sabihin nito tapos na ang kasiyahan, pero at least naka day off rin kahit minsan.
Habang nagmamaneho ako napadaan kami sa mall na sumabog dati na ngayon ay napatayo na ulit. "Gusto nyo bang maglibot muna? Matagal na rin ng makapag libang tayo gaya ng dati" sabi ni Bossing kaya iniliko ko ang kotse papunta sa mall.
Pagkababa namin puno na ng mga palamuti at Christmas tree. Nararamdaman mo na talaga ang pasko dito, bumalik na rin ang diwa ng pasko.
"Bossing mamimili ba tayo ng regalo?" tanong ni Kuya. "Oo at kailangan na rin natin mamili ng panghanda natin sa pasko" sagot ni Bossing. "Yon! Bossing, kahit brief na lang sa pasko" sabi ni Kuya.
Napailing ako, "Kung saan saang bahay mo kasi iniiwan brief mo, Kuya. Para kang may pa laundry shop," Sabi ko kay Kuya na napabusangot. "Eh ikaw, Basilio. Ano gusto mong regalo?" tanong ni Bossing sakin.
"Kahit sya lang, Bossing" sabi ko. "Hindi ako Diyos, Basilio... Pero sa alam ko may himala" sabi ni Bossing saka tinapik ang balikat ko. Inakbayan naman ako ni Kuya saka ako hinila, di na nga namin na abutan si Bossing. Bigla na lang syang nawala, napag isipan naming bumili ng Ice cream ni Kuya at naupo sa malapit na bench.
"Di ka parin maka get over noh?" tanong ni kuya. Di na lang ako sumagot sa tanong nya, "Paano kung bumalik sya, Basilio? Anong gagawin mo?" tanong ulit nya.
"Kahit naman na bumalik sya hindi naman ako magagalit, kahit pag intayin nya ako ng habang buhay basta bumalik lang sya.." sagot ko at na patawa sya. "S.I.M.P" wika nya na ikinairap ko.
"Eh kesa naman sa playboy" sabat ko sa kanya na medyo ikinainis nya. "Huwag ako, Basilio. Mas okay ang madaming choices" sabi nya sa akin saka tinapos ang Ice cream nya.
"Pano kung kasal na sya?" tanong ko saka napatungo. "Kasal sino?" tanong ng mokong. "Para kang tanga, kuya" sambit ko. "Ha? Di ko nga alam sinasabi mo, sino ba yung kasal?" tanong nya pabalik.
"Wala.."sagot ko.
"Uy, nag text si Bossing. Na sa Victorina's secret daw sya" sabi ni kuya habang nakatingin sa cellphone nya. "Ngayon ko lang na lamang na dun sya namimili" sabi ko saka tumawa. Na siko ni Kuya ang tagiliran ko, "May dalawang mata sa likuran si Bossing, baka makulam ka" pagbibiro nya na parang totoo.
Habang naglalakad papalapit sa store napansin namin si Maliksi na nag iintay sa tapat ng Victorina's secret. Napangisi kaming dalawa, "Kamusta Brad?" bati ko sa kay Maliksi. Napangisi ito, "Okay lang, Musta na din sa inyong kambal" sagot nito.
"Anong ginagawa mo dito sa tapat ng Victorina's Secret?" tanong ni Kuya sa kanya. "Haha nakita ko na andoon si Alexandra, tapos pinaalis ako" sagot nya. "Basted ka na?" malungkot na sabi ni Kuya.
"Ano ka ba? Malakas ata to' kahit tumakbo pa sya palayo sa akin, mahahabol ko sya" sambit nito na para bang sure sya sa buhay. Di nya ata kilala si Bossing, pero sige.. Lagi nya naman kaming dinadamay sa pasalubong kaya okay lang.
"Ang hangin mo naman," sabi ni Kuya saka nakipag fist bump sa kay Maliksi. Sumandal ako sa railings saka tinignan ako shop, puno iyon ng mga babae. Sa di kalayuan nakita ko si Bossing na may kausap na babae. Tinitigan ko kung sino iyon pero hindi ko makita, hush.. Hindi naman si Commander iyon.
"In your dreams" bulong ko sa sarili ko.
Detective Guerrero's POV
After a year of living in states, finally nakauwi na rin ako. Hindi ko kasama sina Damiano kasi sa new year pa sila babalik, napag pasyahan ko lang na mauna sa kanila para madama ang pasko sa bayan ko.Gusto ko din mag celebrate ng Pasko sa dating bahay namin. Simula nung mawala si Paps, nawalan na ako ng balita sa bahay namin. Sa akin na nakapangalan ang titulo ng bahay, kahapon pa talaga ako nakauwi at ngayon lang ako lalabas ng bahay para maglibot libot.
Pero bago ako pumunta sa mall nagpunta muna ako sa station kung saan ako nagtatrabaho dati. Dala ko ang ilang papeles saka napabuntonghininga, handa na ulit ako magtrabaho sa bayan ko.
"Detective Guerrero.." hindi makapaniwalang sabi ni Sargeant Tapia na ngayon ay Kapitan na. Nabitawan nya ang papel na hawak nya saka inayos ang salamin nya."Captain Tapia!" sambit ko sa kanya. Napahawak ito sa dibdib nya at muntik ng mapaiyak ng makita ako.
Kahit ako ay na miss ko rin ang lahat. Lalo na ang magtrabaho sa pinagtatrabahuhan ni Paps dati.
Pagkatapos noon ay dumiretso na ako sa mall para mamili muna ng damit sa Victorina's secret saka ako mag groceries. Matagal na rin nung na lagyan ng pagkain yung Ref namin, at syempre ang paboritong pandesal ni paps.
Habang namimili napansin kong mayroong pamilyar na bulto sa likuran ko. "Ano ba, Maliksi? Hindi ka ba nahihiya na naririto ka?" galit na sabi ng babae. Lumakas ang diwa ko ng marinig ang pangalan ni Maliksi kaya tumingin ako sa gawi nila.
Nanlaki ang mata ko ng mapansing si Ate Trese iyon kasama si Maliksi. Sila na ba?
"Sige, mag iintay na lang ako sa labas. Btw, ang cute mo" sabi ni Maliksi saka lumabas. Napailing si Ate Trese saka bumalik ang tingin sa binibili nya, nag dadalawang isip pa ako kung ia'appoach ko sya o hindi.
Kinalabit ko ang likuran nya saka sya na patingin, Nanlaki ang mga mata nya ng makita ako saka ako niyakap kaagad. "Na miss ka ng lahat, Detective" sabi nya.
"Oh.. Pasensya na at di ko kayo na sabihan.." sabi ko. "Na iintindihan namin ang sitwasyon mo, malamang gusto ka na rin makita nina Basilio—"
"Ah.. Okay lang ate Trese, mamimili pa ako ng groceries at baka may gagawin pa kayo" putol ko sa sinabi nya. "Mag go'groceries din kami, gusto mo sumabay?" tanong ni Ate Trese. Mukhang wala na akong kawala sa kanya ngayon.
BINABASA MO ANG
Americana // Reader x Basilio // Fanfiction
FanfictionReader x Basilio [Tagalog] 16+ (currently on hold) It starts with Alexandra Trese who works with Detective Guerrero, a supernatural investigator and daughter of Captain Beau Guerrero. She's not a babaylan by blood but she's interested with those th...