19 - Hoping

13.5K 464 138
                                    


Kinaumagahan, masakit ang ulo ko. I only slept for three hours. Naligo ako at nagbihis bago lumabas at lumapit sa guest room para alamin kung nasa loob pa ba si Cara. Tatlong beses akong kumatok sa pinto ngunit walang sumagot. Pinihit ko ang sendura at sumilip. Maayos ng naka-arrange ang kama na para bang walang natutulog doon kagabi. She might have left early. I feel heavy hearted all of a sudden.

Bumaba ako sa haghan para sana magluto ng agahan, pero nagulat ako nang makita si Cara na abala doon. She was frying something on the pan. Ang lawak ng ngiti niya habang nagluluto, bigla ko tuloy naalala ang sinabi niya sakin kagabi. Yun ang rason kung bakit halos hindi ako makatulog. I've been thinking about it til dawn.

"Good morning, Belle." bati ni Cara nang lumingon siya sa gawi ko. She winked as she made a flying kiss at me. Nag-react agad ang puso ko sa ginawa niya. "Sorry kung naki-alam ako sa kusina mo. I just wanted to make you breakfast."

My heart softens. "It's okay, i don't mind."

She pointed the chair beside her. "Upo ka na dito, sandali nalang 'to."

Pumuwesto din naman ako sa pinakadulo ng table at hinintay siyang matapos. If there's one thing I admire about Cara the most, that would be her cooking skills. She used to be a chef when she decided to enter the world of modeling. Successful at in-demand siya sa career na kanyang pinili.

Di nagtagal ay inilapag na ni Cara ang agahang niluluto niya. Bacon, omelet, tuna sandwich at fried rice. "Eat up, babe."

"How about you?"

"Busog na ako. Kumakain ako habang nagluluto."

"Okay," nag-umpisa na akong kumain.

Pareho kaming tahimik sa hapag-kainan. She was staring me with so much love hanggang sa nagsalita siya.

"Yung tungkol sa manliligaw mo....babae ba o lalaki?" curious niyang tanong.

"He's a guy." I simply answered.

"Korean?"

"Half korean, half filipino."

"Ilang taon na ba?"

"Why are you asking that?"

Cara shrugged her shoulders. "Para malaman ko kung anong nakikita mo sa kanya at kung bakit ayaw mo na sakin."

"Whatever it is, wala ka nang paki-alam 'don."

"Do you really like him?"

"Yes." seryusong sagot ko.

"Ganon kadali, Belle? Ang bilis mo naman atang maka-move on?" she sound pissed.

"Ano bang inaasahan mo? Habang buhay na lang akong iiyak sa lungkot dahil sa panloloko mo sakin ganon?"

Natahimik siya, lumarawan ng guiltiness ang kanyang mukha. "I'm really sorry, babe. Malaki talaga ang pagsisi ko sa ginawa ko. I regret every---"

"Ayoko ng balikan yan." putol ko sa ibang sasabihin niya. "Naka move-on na ako. Stop bringing that topic to me."

Hinawakan ni Cara ang kamay ko at pinisil yun.
"I still love you, Belle. Mahal na mahal kita. Gagawin ko ang lahat para makuha ulit ang tiwala at pagmamahal mo sakin."

Accidentally In love (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #3) | ɢxɢ ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon