Night of disaster , full of cries and lies :)
March 13, 2015
Isang gabi na para sa iba masaya , pero para saakin isang panaginip na dapat di na lang inaalala.
Isang kasiyahan na puno ng tugtugan at nagsasayawan,
Isang araw na lahat maganda at lahat bida.Hindi man naging maganda ang resulta ng gabing iyon para sakin di ko naman siya pinagsisisihan kasi andun naman ang aking mga kaibigan, Pero aaminin ko, naghintay ako sa pagkakataong maisasayaw mo rin ako kahit wala na tayo , kasi hanggang ngayon ikaw parin ung taong nasa isip ko.
FIRST song na pang slow dance wala akong sinayaw lumayo ako para sayo ko siya mabigay , kaso bigla akong niyaya ng isang kaibigan ko kaya pumayag ako kasi sabi ng tatay tatayan ng section namin bawal daw ang tumanggi..
Sabi ko sa sarili ko okay lang yan , sa ngayon di na importante sakin kung sino first dance ko , kahit pang ilang dance siya okay lang basta maisayaw niya ko ...
Hindi ko na alam kung pang ilang kanta na ung pinapatugtog , pero hanggang sa oras na yun naghihintay parin ako , nagtataka nga ung mga kaklase kong lalake na sumasayaw sakin kung bat daw ako umiiyak , pero sabi ko na lng "wala lang nakakaiyak kasi ung kanta eh " pero alam naman nila kung bakit tinatanong rin nila kung nakasayaw na daw ba kita , yumuyuko na lng ako at umiiling ...
Sa isang kanta na pinatugtog bigla akong humagulgol , kasi naisip ko dati na gusto kong ikaw ung kasayaw ko habang tumutugtog yun kasi ikaw ung bigay sakin ng maykapal cheesy pero totoo . Nakasayaw ko sa kantang yun ung crush ko dati pero wala na ngayon ,Sana ikaw na lang siya :'(
Nung halos isang oras na lng alam ko wala ng pagasa kaya umupo na lng ako di ko na kayang maghintay pa sa wala at umasa na isasayaw mo pa ko :) wala akong nagawa kundi umiyak.
Nung matatapos na ung pinakalast song na pangslowdance umalis na kami , di ko na tinapos ung oras dahil alam kong wala na talaga :) Pero blessed naman ako kasi madami sa mga lalake kong kaklase ang sumayaw sakin.
Pero ngayon ko lang narealize na wala pala talagang patutunguhan ung pagiyak kung yon kahit anong mangyari, kasi hindi mo nakikita at hindi mo din naramdaman....
Oh I almost forgot , that day was supposed to be our 9th monthsarry :(
A Night of disaster, full of cries and lies - Anonymous
BINABASA MO ANG
Blue Moon
Short Storyshort story with only few informations about the characters personality