Spencer's POV
Pabalik na kami ni Kaira sa condo. I'm glad that I made her smile even if just for a short time. Kailan ko lang naalala si Kaisler kaya ngayon ko lang siya napakita kay Kaira.
"Thanks for everything Spence" biglang sabi ni Kaira habang naglalakad kami papunta sa unit namin.
Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya. "I'll do anything to keep you happy" nakangiting sabi ko.
Ngumiti lang siya sakin. Naglakad na ulit kami. Pumunta muna kami sa unit ko bago siya pumunta sa unit ni James. Nasa amin din kasi yung mga damit niya.
"We're home!" sigaw ko pagkapasok. Nagulat kami ni Kaira nang makita si Dustin sa sofa, putok yung labi niya.
"Anong nangyari sayo?!?" tanong ko.
"Wala toh" masungit na sagot niya tapos tumayo na siya at lumakad papunta sa kwarto niya.
"Napaaway ang loko. Dumadalas ata pakikipagbugbugan mo Dustin Drake Villanueva!!" biglang lumabas si James mula sa kusina. "Bumalik ka nga dito Drake! Tatampalin kitang loko ka eh!!" sigaw ni James na nakapagpabalik kay Dustin sa sofa. Inayos ni James yung first aid kit tapos sinimulan na niyang gamutin ang sugat ni Dustin.
"Ba't daw napaaway? Pumatol na naman sa may boyfriend?" tumabi ako sa kanilang dalawa sa sofa.
"Malay ko dyan! Basta tinawagan lang ako ni Enzo na nakikipagbugbugan tong lokong toh sa bar niya, sunduin ko daw dahil madami ng naaabala" iritang sagot ni James.
"Ahm.." napatingin kaming tatlo sa may pinto. Nakita namin si Kaira na nakatayo dun habang hawak si Kaisler.
"Uso umupo Kai" simpleng sabi ko.
"What's with the dog?" kunot noong tanong ni James.
"Tagal kong di nakita yang anak mo Kai huh! Kumusta si Kaisler?" nakangiting tanong ni Dustin.
"Kaisler?" tanong ni James.
"Kaira-Jesler, Kaisler! Anak niyo yang aso! G*go ka eh, ginawa mong aso si Kaira! Hahaha--Aray!!" biglang diniinan ni James yung pagdampi ng gamot sa labi ni Dustin eh.
"Ba't naman kami magkakaanak?! Aso pa!" -James
"Ikaw may regalo kay Kaira niyang aso na yan" sagot ko.
"So?" -Jame
"Ikaw din may sabing anak niyo yang dalawa, nagulat nga ako eh, magbestfriend kayo pero may anak kayo" natatawang sabi ko.
"Spencer ano bang ginagawa mo?" tanong ni Kaira sakin.
Nginitian ko lang siya.
After magamot yung sugat ni Dustin, umuwi na si James sa unit niya, kasama na niya si Kai-kai. Sana lang talaga magwork tong plano ko! Kasi kung di ko pa madadaan sa selos si James, di ko na alam kung ano pang gagawin ko.
Bakit kailangan ko siyang pagselosin? Diba nagkausap kami nung isang araw. Dapat sasabihin ko na sa kanya yung totoo pero di ko nasabi. Bakit di ko nasabi? Dahil sa inamin niya.
FLASHBACK
"James--" I was about to tell him everything pero natigilan ako sa sinabi niya.
"Bakit ayoko siyang tanggapin na bestfriend ko?!?" huminga siya ng malalim bago magpatuloy. I should have known this was possible!
"Kasi alam kong bestfriend ko dati ang babaeng mahal ko" natulala ako sa sinabi niya! Panong--?!?!
"I had several memories that I remembered. Blurred, yes, but still, I knew that Kiane was my bestfriend before I confessed to her in the beach house" seryosong sabi niya. Di ko alam kung anong dapat kong sabihin, kung anong dapat kong maramdaman!
BINABASA MO ANG
You Are My Gangster Bestfriend
Teen FictionMahirap daw magmahal ng taong may mahal ng iba? OO, mahirap! Mas mahirap daw magmahal ng taong may mahal ng iba, at kaibigan lang ang tingin sayo? OO, mas mahirap! Pero ang PINAKAMAHIRAP sa lahat, ay yung magmahal ng taong HINDI KA NAAALALA! Paano k...