A Bestfriend's Love

24 2 0
                                    

Hi Peoplets! I'm Alexa Ocampo at your service! hehe. Di ko alam kung bakit gumawa nanaman ng storya tong si Author. Puro one-shot ang alam. Pero sakin okay lang, kasi sa mga one-shot stories mas madaling makuha kung ano ang ipinaparating ng isang author.

*Apir jan bebe!*

*Ay *apir* hahaha.*

"Aray!" May bumatok sakin

Tskk. Si Mace pala. "Masakit ha." Sabi ko.

"Masakit talaga. Masakit umasa lalo na hindi naman alam ng tao na gusto mo sya. Haisst."

Ang Oa nun ha. Sabi ko lang masakit. "Hugot agad bes? Hahaha." Tinawanan ko na lang nga sya.

Yes. I have a crush. Bestfriend ang turingan namin, nung una kasi, sakin sya laging nagpapatulong na manligaw, magtatanong kung ano ang maganda gawin sa panliligaw. Hanggang sa ayan.

Letche na fall ang gagang katulad ko. Eh ano namang magagawa ko? Lahat naman ata ganun. Pero sometimes I asked myself. Paano kaya kung magustuhan din nya ako? Paano kaya kung mag work ung relasyon namin na higt pa sa mag bestfriend? Yun nga lang. Ayoko umamin na gusto ko.

Gusto ko kasi alam mo yung YOLO? You Only Live Once kaya dapat sabihin kona, gusto ko din kasi may possibilty right? Ayaw ko KASE..

SINO BA NAMAN ANG MAY GUSTONG MA REJECT KA NG CRUSH MO? Tanga na lang ang ganun.

"Di ka pa nga narereject ayaw mo na." Narinig na nya ba sinabi ko? Di naman ako nagsasalita ah! Napahawak ako sa labi ko. "Hoy pano mo nalaman iniisip ko ha." tanong ko kay Mace

Ano ba yan. Di man lang ako sinagot. Hmmm. 3 years na akong may crush kay Manong Tasing joke lang kay Nathan. Waaaa! Maloloka na ko kakaisip kung ano gagawin ko. College na ko pero puro lovelife ang iniisip ko Hahaha! Pero okay na siguro yung hanggang bestfriend lang kami mas may hahantungan

siguro.

--

Lunch break na.. crush ko parin sya. Bwahahaha. Nauna na ako sa canteen dahil ang gaga may pupuntahan lang daw sandali. By the way mag kukwento muna ako habang kumakain ako. Hindi naman siguro ako mabubulunan dahil sa isip lang naman ako nagkukwento sainyo ede nagmuka naman akong tanga kung magsalita ako dito ng walang kausap ede nagulantang ang mga patatas dito.

Si Nate HUWAW sa Nate! Hahaha May nililigawang bago, ewan ko ba dun bakit hindi na lang ako. Oh well kaklase ko silang dalawa sya at ung nililigawan niya. Nababalita ngang nagseselos daw sakin ung babae. Wow naman diba kung kami pa ni Nate ede magselos ka, saya kaya nun. *evil laugh* Di naman ako maldita sa nililigawan nya. Equal lang lagi ang trato ko sa mga tao. Kung mabait sila i'm mabait din, kung masama sila sakin as well as I am. E hindi naman ako sinasabunutan ng loka kaya mabait naman ako sakanya.

"OhMyG bes!" Nasabi ko na bang OA si Mace? Pwes sasabihin ko ulit na OA sya. Hahaha

"Oh bakit?" Walang gana kong tanong. "Wala lang *killer smile*." Talaga namang may ganuong ngiti pang alam ha.

"May ipapakilala ako sayo bes." May sumulpot naman na hmmm medyo kagwapuhan naman.

"Si Nico ang gwapo kong pinsan. May gusto yan sayo since first year college. HAHAHAHA." Hala napatulala naman ako dun. Wala talagang preno bunganga nitong si Mace! Kaloka ang lola mo.

"Ah. Hi Ako nga pala si-"

"Alexa Ocampo, yes I know you. I'm-"

"Yes your Nico I know you. Hahaha."

Abeng! Hindi ako papayag. Kaya ayan gumati din ako ng Putol ng Salita. Nagtawanan na lang kami.

"You're funny." I tell him. Ang gaan nyang kausap grabe.

-----------------

Alexa's POV

Yay! it's been 4 months. Alam nyo bang kami na?

Ni Nico.

Actually ayaw ko talagang magpaligaw nung una, syempre alam niyo naman na may gusto ako at si Nathan lang yun. Pero sabi ni Nico I should give him a try, eto pumayag ako. Magaan ang loob ko sa kanya, napapasaya nya ako kaya ayun. Pero after na malaman ni Nathan na Nico is courting me hindi na nya ako pinansin pa. I asked him why pero wala syang naging sagot sabi lang nya masaya daw sya na may nanliligaw na daw sakin.

"Alexa ah-m ah.. Can I talk to you. ....Alone." Nagulat naman ako ng biglang sumupot si Nathan.

"Oh. Ah sure. Mace, Nico wait for me ha." Bumulong na din ako kay Nico na okay lang.

Nakarating kami sa isang park.

"I missed you." I frozed ng sabihin nya yun at yakapin ako. Ever since first year college kahit nagbakasyon hindi nya ako sinabihan ng mga salitang yan.

"Mahal kita Alexa, mahal na mahal. Alam mo ba nung time na ipinakilala sayo ni Mace si Nico? Sinabi sakin ni Mace na may gusto ka sakin at 3 years na. Mahal kita simula pa lang Alexa. Pero nung nalaman ko din na nasasaktan ka tuwing nagtatanong ako sayo ng dapat sayo ko pala ginagawa. I stop. Hindi na ako bumalik at hindi na kita pinansin pa dahil nalaman ko na nililigawan ka na ni Nico. Pero mahal mo pa ba ako? Mabibigyan mo ba ako ng chance ha Alexa?" He's crying... Mababaliw na ako dito. Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Mahal ko pa basya?

--

Naupo muna kami sa damuhan after ng confession na yun. Mabuti at nakapag isip isip na ako.

"Nathan... Thank you for telling me this, salamat at nakilala kita. Pero sorry, I have Nico already. He love me at my worst and you only see me in my best. Nandun sya sa lahat ng pag iyak, at pagtawa ko. Nalaman ko na *sobs* ang dami pa palang tao sa paligid mo na mapapasaya ka. Why only lock your eyes on a guy who doesn't love you or treat you like a woman, haha sabi ko pa nun bestfriend nga lang e pano mapupunta lovers." Hinawakan ko ang kamay nya.

"Can we be bestfriends again? Sa bestfriends may forever. Para naman din may sasapak kay Nico pag niloko ako." Natawa ang loko.

"Mahal kita Nathan bilang bestfriend. Ang tanga mo kasing gago ka. Tagal din kitang naging crush hindi ka man lang nagconfess ede sana tayo ngayon! Hahaha."

"Ikaw din naman hindi ka nag umamin nagusto mo ako." Natatawang sabi nya habang pinupunasan ang luha nya.

"Okay. Bestfriends." Yan ang sabi na at nagshakehands kami.

_

Not all bestfriends can be lovers. *wink*

This Love Is Real (One Shot Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon