14. Sweetheart

134 16 0
                                    

[Letlet]

Siya lang daw ang gusto nito!

Pinamulahan siya ng mukha.

"Pwede bang huwag mo ako tawagin 'kuya' kapag tayong dalawa lang?"

Kagat ang labi na tumango siya.

"Damn! Ang labi mo talaga ang kahinaan ko." Ani Lucian at muling sinakop ang labi niya.

Nilayo niya ang labi sa binata. "Kuya Lucian —L-Lucian pala," Nagyuko siya ng ulo. "G-Gusto mo ako kahit na hindi ako imported na tulad mo?" Naalala niya ang sinabi ni Birang.

Malabo na magustuhan ng tulad nito ang kagaya nila.

Hinawakan nito ang baba niya at saka itinaas. Ang mata nito na nakatingin sa kanya ngayon ay punong-puno ng emosyon na hindi niya mapangalanan.

Pagmamahal ba ang mayro'n sa tingin nito?

"Wala akong pakialam kahit na maging langit at lupa ang layo ng agwat natin sa buhay, sweetheart. Ilang beses ko bang sasabihin na ikaw lang ang..." Lumunok si Lucian, kita niya ang bahagyang pamumula ng tenga nito. "Ikaw lang ang nagustuhan ko ng ganito... Hindi lang kita gusto... M-Mahal kita."

Umawang ang labi niya sa pagkabigla.

Kanina lang ay gusto siya nito, tapos ngayon ay 'Mahal' na?!

Tumalikod si Lucian para itago ang mukha. "Hindi pa ako nakaramdam ng ganito sa ibang babae, Letlet. S-Sa'yo palang. It's sound cheesy but, that's how I really feel."

Ang kanina na pagtatampo ay tuluyan ng nawala. Umaapaw na sa tuwa ang puso niya.

"Damn! I don't want to pretend anymore. I want to break free from this lie and introduce you to the world as the woman I love but I can't because I don't want you to get hurt and implicate in this situations I have."

Wala siyang masyadong maintindihan sa mga sinasabi nito. Pero bakit ramdam niya ang lungkot sa boses nito?

Bakit?

Humakbang siya palapit sa binata at niyakap ito mula sa likuran.

"Lucian, wag ka ng malungkot. Narito naman ako para sa'yo..." Naalala niya noon, kapag malungkot siya ay yakap lang ni Lola Asun ang nakapagbibigay ng gaan sa loob niya.

Baka ito lang din ang kailangan ni Lucian.

Humarap si Lucian sa kanya. "Pangako, Letlet, pagkatapos ng lahat ay ipapakilala kita kay Lolo."

Kumunot ang noo niya. "Lolo? Nakalimutan mo na ba? Patay na si Lolo matagal na." Sa pagkakatanda niya ay namatay ang Lolo niya ng dalawang taon palang daw siya, ayon sa Lola Asun nila.

Saglit na natigilan si Lucian, naging mailap din ang mata nito. "Oo nga pala, nakalimutan ko."

Mabilis na lumayo siya kay Lucian ng makarinig ng tahol ng aso.

Sigurado siya na kay Mima ang tahol na 'yon!

"Letlet, Lucian? Ano ang ginawa niyo rito?" Tanong ni Birang na buhat-buhat na si Mima.

"S-Sinundan kita kanina. Akala ko ay dito ka nagpunta." Nginuso niya ang pinsan na si Lucian. "Tapos sinundan niya pala ako dito."

Tumango-tango si Birang. "Nakita ko na si Mima. Tara na, balik na tayo."

Agad na sumunod siya kay Birang at hindi na tumingin pa kay Lucian. Mahirap na dahil baka makahalata ang kaibigan niya. Malakas pa naman ang radar nito.

Habang naglalakad ay ramdam niya ang paninitig ni Lucian sa likuran niya.

"Napapansin ko na malapit na kayo ngayon." Lumingon si Birang sa kanila. "Dati kasi ay parang palagi kayong nag aaway."

HIS ISLAND GIRL [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon