Hello po uli. Pangalawang one-shot ko po uli ito. Di po kasi ako marunong gumawa ng mahabang story kaya pagpasensyahan na po kung one-shot lang ang magagawa ko. Yun lang po. :)
- Lena.chan
_____________________
“Musta na?” panimula ni Stephen.
“Okay lang ako.” sagot agad ni Gail kahit halata sa boses niya na hindi siya ok sa mga nangyayari ngayon.
“Alam ko hindi ka okay. Sabihin mo ang totoo, Gail.” pag-aalala ni Stephen. Pilit niyang pinipigilan ang sarili niyang umiyak sa harap ng kababata niya. Ayaw niya na nasasaktan ito.
“Okay lang talaga ako. Hindi mo kailangang mag-aalala….” palusot ni Gail. Kitang-kita sa mga mata nito na nagkaroon nan g luha. Hindi niya maitanggi sa sarili niya na hinintay niya ng matagal ang kababata niya. Hindi siya naghanap ng ibang kaibigan.
Naghintay…..
Naghintay siya ng 18 taon.
18 years ago…
“Gail. Gail! tignan mo ‘to oh.” hawak-hawak ni Stephen ang kamay ni Gail habang hinihila siya nito.
“Anong meron ba diyan sa tinuturo mo ah, Stephen?” inosente ang dating ni Gail noon. Para bang galing sa ibang planeta.
“Alitaptap oh.” tinuturo na ni Stephen ang alitaptap na nakatigil lang sa isang dahon sa halaman sa bakuran ng bahay nila Stephen. Mayaman ang pamilya nila Stephen samantalang sila Gail ay maykaya lang.
“Alitaptap? Yun ba yung may ilaw kapag gabi?” tanong ni Gail.
“Oo.”
“Eh bakit merong alitaptap dito ngayon kung gabi lang sila dapat lumabas?” curious na curious si Gail. Pinipilit niyang intindihin lahat.
“Tumakas siya.”
“Paanong tumakas?”
“Andami mong tanong. Tara na nga.” nairita sa Stephen sa mga tanong ni Gail. “Dun na lang tayo sa kwarto ko. Laro tayo ng Xbox dun.” inalok niya ang mga kamay niya na para bang gusto niya na silang dalawa lang ang laging magkasama.
Lumipas ang oras at hindi na nila namalayan na pagabi na pala.
“Teka lang, Stephen. Punta muna akong sala niyo. Baka kasi maiwan ako nila nanay.” paalam ni Gail. Nag-aalala kasi siya nab aka maiwan nanaman siya. Takot siya na maiwan ng kanyang mga magulang.
“Sige. Balik ka ah?” sabi ni Stephen habang busy sa paglalaro ng Xbox.
“Sige.”
Pagkababa ni Gail para pumunta sa sala, may narinig siya na hindi niya dapat marinig.
“Ma’am, aalis na talaga kayo? Paano naman po kami?”
Boses iyon ng nanay ni Gail. Hindi niya gusto ang narinig niya.
“Don’t worry, Andrea. Nahanapan na namin kayo ng mapagtatrabahuan. Bago kami umalis ng pamilya naming dito papuntang Canada, lilipat na kayo sa bago niyong amo. Yung pang-aral kay Gail, binilin ko na din sa magiging amo niyo na sweldo niyo ang magsisilbing tuition ni Gail sa academy.” pagpapaliwanag ng mama ni Stephen sa nanay ni Gail.
“Kailan naman po kayo babalik ma’am?” halata sa boses ng nanay niya na mamimiss din nito si Mrs. Buenavidez, mama ni Stephen.