Detective Guerrero's POV
"Grabe gumanda ka lalo, Detective! Tara date tayo minsan" pa birong sabi ni Crispin. Hindi ko tinitignan si Basilio ngayon dahil ramdam ko ang galit nya ng makita ako.
"Hindi pwede, Crispy." sagot ko. "Mag go'groceries na kami, sama kayo?" tanong ni Ate Trese sa kambal. "Sure!" sagot nilang tatlo kasama si Maliksi.
"Ay? Nakikisapaw?" sabi ni Crispin saka tumawa. "Gusto ko lang naman mag join" sagot ni Maliksi. Napairap si Ate Trese saka ako hinila papunta ng grocery store.
Kanya-kanya kaming dala ng shopping cart. Isa kay Ate Trese, isa kay Maliksi at isa sa kambal. Naghiwa hiwalay kami para mabili na namin ang kailangan namin, ako pumunta ako sa meat section para bumili ng karne.
Habang namimili ako napansin kong naririto rin ang kambal. Nginitian ko lang sila saka ako dumiretso sa pagkuha ng frozen meat.
"Hindi naman tayo nabili ng karne, Basilio. Bakit ba tayo na andito?" Inis na sabi ni Crispin. Pinipigilan kong matawa sa kanilang dalawa.
Pagkatapos sa meat section pumunta ako sa canned goods. Inabot ko sa ilalim yung delata saka ko narinig si Crispin na sumigaw, "Basilio may dugo ang ilong mo!" sabi ni Crispin kay Basilio na nakatingin sakin. Kaagad namang umiwas ng tingin si Basilio saka pinunas ang ilong.
Rinig na rinig mo ang malakas na tawa ni Crispin.
Ngayon ko lang na realize ang posisyon ko ngayon. Medyo nakatuwad kasi ako sa pagkuha ng delata sa baba, napahawak ako sa leeg ko ng may hiya saka dumiretso sa paborito kong section which is sweets and junk foods.
"Omg, meron sila ng paborito ko" sabi ko sa sarili ko saka inabot ang chichirya sa itaas. Medyo nahirapan ako dahil maliit ang height mo compared sa shelf, hindi ko maabot ang kukuhanin ko.
Bigla namang dumating si Basilio saka inabot yung kinukuha ko. Napansin kong wala si Crispin kaya mas awkward ang moment, tahimik kong kinuha yung chichirya saka inilagay iyon sa cart ko. Pa pasalamatan ko sana sya ng makitang nakakunot ang kilay nito sa akin, hindi na ako nakapag pasalamat at hinila ko na lang ang cart ko sa kabila para kumuha ng paborito kong Candy.
"Bakit ba kasi yung mga paborito ko ay na sa ibabaw?" sabi ko sa sarili ko at pinipilit na abutin ang candy.
"Magsabi ka kasi sakin.." malalim na sabi ni Basilio saka kinuha ang candy na gusto ko. Alam kong namumula na ang mukha ko dahil sa hiya, hindi ko naman intensyong utusan sya o ano.
"S-salamat.." sabi ko at tinignan sya sa mukha. Ngayon ko lang mapansing nagpagupit ito ng buhok, naka mullet sya ngayon pero itim parin ang buhok nya.
Madami rin syang ipinagbago, pero di ko maipagkakailang gwapo parin sya gaya ng dati.
Umiwas sya saka nagtungo sa kung saan. Pagkaalis nya hinawakan ko ang dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Akala ko ba handa ako kung sakaling magkikita kami ulit ni Basilio? Pero bakit.. Nanghihina ako?
Naglakad na ako papunta sa Counter at pumila ngayong tapos na ako mamili. Nasa harapan ko si Maliksi at sa unahan nya ay si Ate Trese, ramdam kong may pumila sa likuran ko at alam kong ang kambal iyon.
"Ako na magbabayad nyan," sabi ni Maliksi sa cashier. "Ako na nga sabi ang kulit mo, Miss ako ang magbabayad ng akin" sabi ni Ate Trese.
"Sa akin ka maniwala, ako ang magbabayad. Ang customer ay laging tama" sabi ni Maliksi at nagwagi ito. Sya ang nagbayad sa napamili ni Ate Trese at gayon din sa binili nyang tatlong box ng Red horse.
Sumunod ay ako naman ang nagbayad. "8,000 po Ma'am" sabi ng cashier. Kinuha ko ang wallet ko na puno ng credit card, "Do you accept elite cards?" tanong ko sa cashier.
"Sorry po Ma'am pero sa U.S lang po nagana ang credit card na ganyan" sabi nya. Nakita ko ang titig sakin ni Basilio ng sabihin ng Cashier na sa U.S lang ang credit card.
"I still haven't change my dollar bills into peso," sabi ko saka napabagsak ang balikat ko. Shuta, bakit ko naman kasi kinalimutang na sa Pilipinas nga pala ako at hindi ako nakapag palit ng peso bill.
"Sige, Miss ako na magbabayad." na patingin ako sa gawi ni Basilio ng ilagay nya ang napamili nga sa counter. Hindi ako makapag salita sa sinabi nya, my heart is pounding again.
"Uy, ganado!" mapanlokong sabi ni Crispin saka lumapit sa akin. "Minsan lang manlibre ang kuripot na yan, sulitin mo na" sabi ni Crispin saka kinuha ang box na napamili ko. "Narinig ko yun, kuya" sabi ni Basilio na nagbabayad na.
"You don't have to do this for me.." sabi ko at kukuhanin sana ang mabigat na box kay Crispin. "Kaya ko to' Detective" sabi ni Crispin saka ako iniwan kasama si Basilio na dala na yung napamili nya.
Nakatayo lang ako at nakatitig sa kay Basilio ng magsalita sya, "You're blocking the way," sabi nito saka ako umisod palayo. I bit my lip, gusto ko lang naman mag pasalamat sa pangalawang pagkakataon pero parang ayaw nya.
Nauna na syang maglakad at ako ay dumiretso sa pang palit ng pera sa malapit. Kaagad kong pinalitan ang pera ko para mabayaran ko sya, sakto namang nakita ko silang pa papunta na sa parking ng harangin ko si Crispin na hawak yung napamili ko.
"Crispy it's okay, mag commute na lang ako." sabi ko sa kanya. "No," gulat ko sa sinagot nya. Did he just say no to me?
"I mean, sumabay ka na samin." sambit nya saka tumakbo ng mabilis, "Bwiset ka talaga!" sigaw ko at hinabol ko sya. Huli na ang lahat ng mailagay nya sa compartment ang box ko, nilagay na rin ni Basilio ang box nya sa compartment saka isinara ito.
"Wala kang pera pauwi kaya sumabay ka na sa amin" sabi ni Crispin. "Pero masikip na kayo, paano si Ate Trese?" tanong ko. "Sasakay ako at si Bossing sa kotse ni Maliksi, kaya bye na sa inyo" sabi nito saka iniwan ulit ako sa kay Basilio na nakasakay nasa driver's seat.
Napalunok ako saka binuksan ang passenger's seat pero naka lock ito. Napabuntong hininga ako, alam kong hindi nya gustong gawin ko syang driver kaya naupo ako sa shot gun seat.
Inilagay ko na ang seat belt ko, inopen nya ang engine saka pinaandar iyon. I am screaming inside! Na traffic pa kami!
"So you went to U. S?" pambasag nya sa katahimikan. "Yes.." sagot ko. "ahh.." wika nya. Napakagat ako sa labi ko dahil alam kong magiging awkward na naman ito.
"Good for you.." sabi nya na nakatingin lang sa daan. "Are you mad?" diretsong tanong ko. He looked at me and sarcastically laughed, "Why would I? Iniwan mo lang naman ako a year ago, duh syempre hindi" sagot nya.
Napakapit ako ng mahigpit sa seat belt, "No notes, walang messages, rerespetuhin parin naman kita kahit sinabi mong ayaw mo na sa akin yung dahilan mo. It's just..." putol na sabi nya.
"Dang it!" malakas nyang sabi saka hinampas ang manibela. Napakunot ang noo ko, I thought we're okay about it. Now I am confused, hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya tungkol sa na raramdaman nya ngayon.
"Drop me off.. Now!" sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Americana // Reader x Basilio // Fanfiction
FanficReader x Basilio [Tagalog] 16+ (currently on hold) It starts with Alexandra Trese who works with Detective Guerrero, a supernatural investigator and daughter of Captain Beau Guerrero. She's not a babaylan by blood but she's interested with those th...