One Shot Story
"IT'S TOO LATE"
"Will you marry me?"
"Anong sagot mo babe"
Nakatitig lang ako sakanya. 2 years na kaming magkarilasyon, hindi ko inaasahan na aalokin niya na ako ng kasal.
"Seryoso bayan?" Hindi kasi ako naniniwala. Pano wala namang sing sing.
"Oo naman babe. Pagdating sayo lagi akong seryoso." Anya may pagkindat pa.
"Ah. Talaga? Hindi naman kasi halat babe." Natawa ako nang malukot ang mukha nito.
"Pangit mo babe. Paano naman kasi ako maniniwala, asan ba ang singsing?"
Napakamot siya sa ulo. "Eh. Nakalimotan ko bumili. Pero ano tinatanggap mo ba?" Nakangiti niya paring tanong.
Mahal ko siya at matagal na kami, pero hindi ko alam kung bakit sa mga oras na ito ay may kulang.
"Babe. Makakapag antay kapanaman hindi ba? Ano kasi, hindi pa ako handa."
Tumayo siya na walang ngiti. "Oo naman mahal kita eh."
Kahit alam ko na nalungkot siya ay inintindi niya parin ako. Niyakap ko nalang siya.
----
Halos dalawang buwan na ang lumipas mula nung alokin ako ng kasal ng boyfriend ko. Pinag-isipan kung mabuti, kung handa na ba talaga ako? Ngayon handa na ako.
Pero ilang linggo nang walang paramdam sakin ang boyfriend ko, nag aalala na ako.
Pumunta ako sabahay nila. Labas palang alam mong may nagaganap na pagdiriwang sa loob kaya tuloy-tuloy akong pumasok, ilang beses narin naman niya ako ini uwi dito.
Napatakip nalang ako ng bibig sa nakikita ko. Kaya pala nanlalamig na siya sakin at wala nang paramdam. Unti unting naglandasan ang mga luha ko sa mga mata, naramdaman ko ung kirot sa aking dibdib. Huli na ba ako? Pero bakit?
Sobrang sakit makita na nakaluhod at nag aalok ng kasal ang lalaking mahal mo sa iba, na dati lang ay sayo. Pero ito kesa saamin, kasi dito saksi ang mga magulang nila, kaibigan at maging ako.
" Yes! Pumayag siya." Labis ang tuwa nito ng umOo ang babae.
Tumalikod na ako nung mapalingon siya sakin.
"Yssa!" Pagtawag niya sakin. Binilisan ko lang paglalakad ko kahit pa malabo ang mata ko sa mga traydor na luha.
Ganun din kaya siya kasaya kung, Oo na agad ang sagot ko.
"Yssa!" muli niyang tawag sakin.
"Yssa. Stop please!"
Nakangiti akong lumingon sakanya. Nakita ko sa likoran niya ung babae pati sila tita, tito at kapatid niya.
"Why?" Yun lang ung naitanong ko. Hapang nakahawak ako sa aking dibdib at patuloy sa pag agos ng mga luha ko.
"I'm sorry." Aniya sa malungkot na tuno at paglandas ng butil ng luha niya.
Yung lang ang sagot? Umiiyak ba siya dahil nasasaktan o dahil sa guilt niya.
Nakangiti ako na umiling sakanya.
"That's all?"Tatalikod palang akong muli sakanila, pero nakakabinging ingay ng sasakyan ang sumalobong sakin. Naramdaman ko nalang na tumilapon ako at ang sigawan nila habang papalapit sakin.
"Yssa! Please, don't close your eyes." Buhat niya ang ulo ko. Wala narin ako halos maramdaman tanging paghahabol hininga konalng ang napasok sa utak ko. Kung ito na ang huli naming pagtatagpo gusto kong malaman niyang mahal na mahal ko siya at handa na akong magpakasal sana pero dahil sa sakit ngayon ay handa na akong iwan siya, maging ang lahat.
"M-mahal na Ma-hal k-ita, handa n-na ak-ong *Cough* paka-salan ka. B-but it's t-too l-late.
"Shhhhh. No. Its not." Anya, habang Umiiyak siya.
----
"I LOVE YOU" mahina niyang bulong. Sumikip ung dibdib ko sa mga sinabi niya. Buong akala ko di niya ako mahal kaya hindi siya handa pakasalan ako.
"N-Now I'm rea-dy to D-die." bulong niya kasabay ng pag ubo nito ng dugo ay ang pagpikit ng mga mata niya.
"Yssa!" Sigaw ko habang yakap ang wala na niyang buhay na katawan. Kasalanan ko kung bakit ito nangyari.
• END •
✍ Heaven_Writes
BINABASA MO ANG
One Shot Story[ Compilation ]
RandomCompilation of my One Shot Story. Support me. 🙏